You are on page 1of 3

Pangalawang Pangkat Pebrero 12, 2024

9 – Moses John Michael Oronico

Ang laban ni Lhouis at ang higanteng Lius

Shenise/Narator: Isang araw si Lhouis ay papunta sa kanyang alagang tupa bago siya makapunta
rito ay lalapitan na ng malaking liyon ang kanyang alagang tupa ngunit bigla niyang sinipa ang
liyon at nang matumba ito ay itinakbo niya ang alaga at nag punta sa taas ng bato.

Naki/Lhouis: "Huwag kang matakot, bago ka niya malapitan ako muna ang makakalaban niya"
sabi niya sa tupa.

Shenise/Narator: Nang susunggabin na sila ng liyon at itinumba niya ito gamit ang kanyang
tungkod.

Naki/Lhouis: "Ligtas kana munting tupa" habang hawak niya ang tupa.

Gly/Andrei: "Hah! Natakasan kana naman ng isang tupa Lhouis"

Naki/Lhouis: “Andrei! Sayang hindi mo nakita biglang may sumulpot na liyon, pero natalo ko
siya.”

Gly/Andrei: “Wala akong panahon para sa mga kwento mo, pinapatawag kana ni ama.”

Narator: Nagpunta na siya patungo sa kanyang ama kasama ang kanyang alagang tupa.

Pagdating sa bayan ng Israel ay naabutan niya ang nga taong nagtitipon at nakita niya si
Samueula.

Naki/Lhouis: "Si Samuela, ang dakilang propeta" sinabi niya ito habang naglalakad patungo kay
Samuel.

Cene/Nanay ni lhouis: Sigurado akong hindi siya ang hinahanap niyo, isa lamang siyang bata,
pagmasdam mo ulit itong panganay ko na si Andrei.

Kc/Samuela: " Hindi, ito ang pinili ng panginoon"

Shenise/Narator: Naglakad patungo kay Lhouis.

Kc/Samuela: "Lhouis, ikaw ang pinili na balang araw ay magiging hari ng israel." " Lumuhod
ka"

Shenise/Narator: Lumuhod si Lhouis saka ito binasbasan ni Samuela.


Makalipas ang ilang araw nagtungo si Lhouis sa Israel Camp ngunit nakita niya ang mga sundalo
ni Haring Kim at si Andrei. Dito nagsimula ang labanan ng dalawang panig ngunit ang hari ng
isang bansa, si Haring Kim, ay tiwala sa labanan.

Dk/Haring Kim: "Ha! Sigurado ako sa aking tagumpay, ang aking mga sundalo ay lubos na
sinanay."

Shenise/Narator: Ngunit, ang kalabang bansa ay may isang bagay na hindi inaasahan ni Haring
Kim.

Shenise/Narator: Si Lius, isang napaka-kakilabot na higante, na mahilig makipag-away at handa


nang lumaban.

Nathan/Lius: "Ha! Papatayin ninyo mga sarili niyo para sa Hari niyong si Kim? Nakakatawa
naman."

Shenise/Narator: Pagsapit ng gabi nagplano ang mga sundalo at si Haring Kim kung ano ang
gagawin nila upang matalo ang higante na Liuis. Ngunit, hindi alam ni Haring Kim, isa sa mga
sundalong sinanay niya ay may nakababatang kapatid, isang bata na magpapabago ng digmaan
ng tuluyan.

Si Lhouis, isang maliit at mahinang bata, pero may pusong purong ginto. Sa gitna ng usapan,
nagpunta si Lhouis sa kastilyo ng hari upang humingi sa kanya ng pabor.

Naki/Lhouis: "Haring Kim! Ako ay nandito dahil alam kong kayang kong talunin si Lius at
naniniwala akong binigyan ako ng Diyos ng kapangyarihan para talunin ito.

Shenise/Narator: Natawa ang hari. Tumingin ang hari kay Lhouis na parang itong baliw.

Dk/Haring Kim: "Ikaw? Gustong tumulong ng batang katulad mo? Huwag kang magpatawa.
Napakahina mo, magpapakamatay ka lang sa proseso. Umalis ka na."

Shenise/Narator: Ngunit hindi iyon naging hadlang sa kanya, gusto ni Lhouis na talunin si Lius.
At mabilis pumunta ang bata sa lugar ng digmaan para hanapin si Lius.

Shenise/Narator: Pagsapit ng umaga dumating na si Lhouis sa lugar kung saan nagaganap ang
digmaan, handang sakupin ang higante, habang gamit lamang ang isang tirador at isang piraso ng
bato. Tinawag niya si Lius.

Naki/Lhouis: "Lius, nandito ako para tapusin ang digmaang ito at talunin ka!"

Narinig iyon ni Lius at lumingon, tumingin sa gilid niya para hanapin kung sino ang tumawag sa
kanya ng ganoon. Pagkatapos, nahuli ni Lhouis ang kanyang mata, sinusuri siya.

Nathan/Lius: "Hahaha! Tiyak na hindi ikaw ang nagsabi niyan, bata? Kung oo, siguradong
naghahanap ka ng paraan upang mapatay! Hahaha!"
Naki/Lhouis: "Ako nga!"

Shenise/Narator: Tumigil sa pagtawa si Lius, pareho silang seryosong nakatingin sa isa't isa,
tumataas ang tensyon. At sa isang kisap-mata, pareho silang umatake sa isa't isa. Ngunit bago pa
man maabot ni Lius ang bata, itinutok ni Lhouis ang kanyang tirador sa kanyang ulo at tinamaan
ito.

Naki/Lhouis: Sa wakas natalo na kita! Malaki ang tiwala sakin ng Diyos kaya ako ang ginawa
niyang istrumento, huwag niyong minamaliit ang kapangyarihan niya!

Shenise/Narator: Sa wakas, natapos ang digmaan. Ang hari at ang nakatatandang kapatid ni
Lhouis ay nagpunta upang batiin siya at sabihin sa kanya kung gaano sila ipinagmamalaki sa
kanya.

Shenise/Narator: Pinapakita nitong storyang ito, kahit maliit o malaki, malakas o mahina, kapag
kasama natin at naniniwala tayo sa Diyos, kaya natin gawin ang kahit ano.

You might also like