You are on page 1of 3

Leo at Juan

May isang kaharian na may hari at reyna, si haring Leonardo ang diyos ng mga diyos (makapangyarihang
diyos) at si reyna Juana ang diyosa ng kalinisan. Meron silang dalawang anak na, ang panganay na si Prinsipe Leo at
ang bunsong anak na si Prinsipe Juan. May malakas na kapangyarihan si Prinsipe Leo, kaya niyang makipaglaban/
makapatay ng mahigit na dalawang daang kaaway sa sampung minuto tinatawag siyang diyos ng Katapangan habang
si Juan naman ay nagiintay parin kung anong kapangyarihan ang makukuha pero tinatawag ito ng karamihan ng diyos
ng kabaitan, Kilalang kilala ito sa lahat ng kaharian
Hinahangaan ang lahat noon si Prinsipe Leo dahil sa ipinamalas na talento nito ngunit ng dumating na sa
buhay niya ang kanyang kapatid na si Prinsipe Juan ay itinuring niya itong kalaban/kaaway dahil na din sa angking
kagandahang lalaki nito. Inggit ang naging ugali ng kapatid dahil pati narin ang mga magulang ng dalawa ay kay Juan
na nakatuon.
Isang araw tinawag ng hari ang dalawang Prinsipe, sinabi nito na malubha na ang karamdaman nito. Inutos ng
hari na hanapin ang nagiisa niyang kapatid sa Bundok Bandayo. Labis ang taka ng dalawa sa sinabi ng Hari, dahil
hindi alam ng dalawa na may kapatid ito. Ibinigay ng Hari ang litrato ng kapatid. Sinabi din ng hari ang mga lugar na
pupuntahan nila bago makarating sa Bundok.
Nagsimula ng maghanda ang dalawa para sa gagawing paglalakbay. Habang iniintay ni Prinsipe Juan ang
kapatid tumungo muna ito sa silid ng kanyang ama upang kausapin ang hari).
Nagsimula ng maglakbay ang dalawa patungo sa kaharian ng mga sundalo. Habang naglalakad ang dalawa sa
kahariaan namukhaan si Prinsipe Juan ng isa sa mga tao doon, nagsimula ng nagtipon ang mga tao sa harapan ng
dalawang prinsipe.
Maya-maya lamang ay nagsimula nang mainis si Prinsipe Leo sa mga tao doon kaya naman kaysa makipag-
away sa kapatid ay pinili nalamng na iwan niya ang kapatid sa lugar ng mga sundalo. Hindi nakita ni prinsipe Juan na
umalis ang kapatid.
Ilang oras ang nakalipas nagtaka na si prinsipe hari dahil hindi niya na makita ang kapatid kaya naman
nagsimula na itong maghanap, maya-maya lang ay may lumapit na lalaki sa kanya at tinanong kung sino ang
hinahanap niya. “Nakita mo ba ang aking kapatid?, kasama ko lamang iyon kanina at bigla nalang nawala sa paningin
ko” nagaalalang tanong ni Juan. Tango lang ang naging sagot nito at sinabi kung saan nagtungo ang kapatid. Hindi na
nakapagpasalamat si Juan kasi may tumawag sa lalaki. Laking gulat nalang ni Juan ng marinig niya ang pangalan.
Ang diyos ng lupa ang nakausap niya kanina, isa iyon sa mga sinabi ng kanyang ama bago sila umalis.
“Huwag kayong mag-alala tutulungan naman kayo ng mga kaibigan ko doon.” Sabi ng hari. “Diyos ng lupa,
Diyos ng tubig, Diyos ng disyerto, Diyosa ng mga mahika, Diyosa ng kalikasan. May iba’t ibang kapangyarihan iyon,
ngunit magiingat kayo sa Diyos ng kasamaan dahil may matindi itongng kapangyarihan.” Dugtong ng hari bago
umalis si Juan ng silid.
Umalis na ang prinsipe at tumungo sa itinuro na daan ng Diyos ng lupa.
Isang malakas na sigaw ang narinig ni Juan sa kaharian ng mga pirata, kaya nagsimula itong nangamba sa
kapatid. Nakita niya ang kapatid na nakikipagdigmaan sa mga pirata kaya naman agad niya itong pinuntahan.
Hindi masabi ang mga itsura ng piratang nakita nila. Malalaki ang isang mata at ang isa ay nakataklob ng itim
na tila, may bilog na mga mukha, mabalbon ang mga kamay nito. Walang takot ang dalawa sa pagpatay sa mga ito,
ngunit napapansin nila na hindi namamatay ang mga ito.
Ilang minuto ang nakalipas may dumating na isang grupo papalapit sa kanila, hindi maiwasang tumakbo ang
dalawa dahil malalaki ang mga ito kumpara sa kanila. Napatigil sila ng tinawag ang mga pangalan nila. Kaya naman
nagulat sila ng may narinig silang isang malakas na buhos ng tubig, kaya napatingin si Juan para silipin kung tama ba
ang nasa isip niya. Lumapit si Juan sa lalaki at sumunod lang si Leo. “Ikaw nga, ikaw nga ang diyos ng tubig”.
Nabigla nalang ang sinasabi ng diyos ng mga tubig. “Maraming salamat sa pagtulong upang patayin ang mga pirata.”
Mahaba ang naging kwentuhan ng tatlo tungkol sa ama ng dalawa. Nang biglang nagsalita si Leo tungkol sa
paglalakbay nila. Kaya naman hindi na nagtagal ang dalawa sa pakikipagusap sa diyos ng tubig.
Nagpahinga muna si Juan sa sobrang pagod, ngunit si Leo ay patuloy parin sa paglalakad. “Magpahinga muna
tayo” sabi ni Juan, kitang kita sa mukha nito ang pagod. Sumunod naman ito agad sa kadahilanang gabi na.
Ilang minuto lang ang itinagal ng pagpapahinga nila at nagsimula na silang maglakbay patungo sa Kaharian
ng mga mahika. Kitang kita sa mata ni Juan ang pagkamangha sa mga iba’t ibang mahika ngunit hindi din sila
nagtagal doon. Pumasok ang dalawa sa isang kuweba ng may biglang narinig si Juan ng ingay. “Tulong! Tulong!”
sabi ng dalaga. Kaya tumakbo agad ito kung saan nanggagaling ang inagy. Namangha siya sa kanyang nakita,
nabighani agad ang dalawa sa angking ganda ng dalaga. Ngunit ng lalapitan na ni Leo ang dalaga para tulungan ay
hinila ito ni Juan at sinabing “Hindi natin iyan kilala baka, mapahamak ka”. Ngunit hindi parin ito na kuntento at
itinuloy parin ang paglapit dito. Maya-maya lang ay nagulat ang dalawa sa pagiiba ng anyo nila ng masinagan ng
araw. Napalayo si Leo sa nasaksihan niya, kaya naman dahil sa nasaksihan niya nagbunot ito nagispada at
nagsimulang atakihin. Pinipigilan ito ni Juan, ngunit hindi ito nakinig. Hindi kaya ng diyos ng katapangan ang lakas
nito, kaya hindi nagdalawang isip na tulungan ni Juan si Leo.
Sugatan na ang dalawa, ng biglang himatayin nalang ang dalaga kanina na ngayon ay isang hindi masabing
nilalang. Nagulat sila ng makita nila ang diyosa ng mga mahika, nalaman nila ito dahil sa kwentas sa leeg niya.
Habang nakwekwento ang diyosa ay agad na napakaw ang atensyon nito ng makita ang anak niya na si
Dianna galing sa silid nito. Si Dianna ay isang diyosa rin katulad ng kanyan ina, siya ay ang diyosa ng kagandahan
kaya marami humahanga sa ganda nito. Sa hindi inaasahan, lumapit si prinsipe gaby kay Dianna. Hindi mapinta ang
mukha ni Juan ng makita niya ang dalaga. Mukhang may pagtingin ang dalaga kay Juan kaya naman nagsimula ng
magalit sa inggit si Leo. Hinila niya ito at nagpaalam sa maginang diyosa.
Matapos sa nangyari, nagaway ang dalawa ng makalayo sa tirahan ng diyosa kaya nabaling lahat ang atensyon
ng mga halaman at hayop doon. Natakot ang mga nagsasalitang halaman at hayop kaya naman umalis sila ng lugar.
Ilang minuto lang, ay may mga halaman na pinuluputan sila, kaya hindi naka galaw ang dalawa. Maya-maya
lang ay nagiging hugis tao ang punong nasa harapan nila. Nagsalita ito “Wala kayong karapatan upang mag-away sa
lugar ko”. Nakikita ang galit sa Isa’t isa sa mukha ng dalawa. “Pati mga alaga kong halaman at hayop inaabala niyo”
sabi niya. “Sino kayo at anong ginagawa niyo dito sa lugar ko” tanong niya. “Anak kami ni haring Leonardo,
ipinapahanap niya sa amin ang kapatid niya”. Sabi ni Juan. Nagulat nalamang ang babae sa sinabi niya, at
pinakawalan ang dalawang bihag. Nagusap ang dalawa maliban kay Leo. Sinabi ng babae na siya ang diyos ng
kalikasan, kaya laking gulat niya ng malaman iyon.
Maya-maya lang ay natapos na ang paguusap nila. At tumungo sa Bundok Bandayo para hanapin ang kapatid
ng ama nila.
Nang may maramdaman silang parang sumusunod sa kanila ay nataranta ang dalawa. Lumingon sila sa likod
ngunit walang nakit. Nagulat sila ng bumulaga ang tinatawag na diyos ng kasamaan. Nalaman agad ito ni Juan dahil
may nakita itong mala demonyong sungay.
Hindi natakot ang dalawa sa diyos ng kasamaan. Inatake agad ni prinsipe Leo ang demonyo kaya hindi ito
napigilan o nasabihan ni Juan kung paano tatalunin ang diyos ng kasamaan. Napaisip-isp si Juan kaya hinayaan niya
lang ito para makipaglaban.
Kitang kita sa mukha ni Leo ang pagod, kaya naman nagsimula na itong tulungan ni Juan. Bago matalo ni Leo
ang diyos ng kasamaan ay nagiwan muna ito ng salita sa kapatid “Hindi mo kaya kung wala ako” sabi nito. Wala
nagawa si Leo dahil hinang hina na ito. Sinimulan ng kalabanin ni Juan ang diyos ng kasamaan, ginamit niya lahat ng
kaalaman na natutunan niya sa paglalakbay nila.
Hindi makapaniwala si Leo sa nakita niya, dahil napatay ni Juan ang diyos ng kasamaan ng kawakan lang ni
Juan si Leo. Nang matalo nila ang diyos ng kasamaan ay nagpahinga ang dalawa.
Matapos ang dalawang araw na paglalakbay ng dalawa, narating din nila ang Bundok Bandayo. Hinanap agad
nila ang tirahan ng kapatid ng hari nasi Fernando.
Nang makita na nila ito, kinausap nila ito. Sa loob kasi ng ilang taong pagaaway ng dalawa ay gusto pa niya
akong maka-usap. Hindi itinuturing ng hari ang lalaki bilang isang kapatid, ang trato niya rito noon ay isang malaking
sagabal sa pamilya. Kaya naman kinausap niya ito at inutusang umalis ng kaharian para bumalik ang paghanga ng
mga tao sa kanya. Walang nagawa si Fernando, sinunod niya nalang ang gusto ng kapatid.
Kinalaunan ay pumayag na ang lalaki na pumunta sa kaharian. Naghahanda na si Fernando at ang dalawang
magkapatid para maglakbay pabalik ng kahariaan.
Matapos ang dalawang araw ay nakabalik na ang dalawang prinsipe sa kaharian kasama ang kapatid ng hari.
Nagulat na lamang si Fernando ng makita ang lagay ng hari. Hindi kasi sinabi ng dalawa ang dahilan kasi yun yung
utas ng kanilang ama. Hindi maiwasang umiyak ang magkaptid na sina haring Leonardo at si Fernando. Sa loob ng
ilang taon ay nagkasundo na ang dalawa at sinabi pa ni haring Leonardo na siya ang papalit bilang hari. Hindi
makapaniwala si Fernando ngunit sabi niya na hindi pa niya kaya pumalit bilang hari. “Ako nga nakaya ko, ikaw pa
kaya” sabi ni haring Leonardo.
Ilanga raw lang matapos ilibing si haring Leonardo. Marami ang nakiramay, mga diyos, kaibigan, at iba pa.
Hindi maipinta sa mukha ng magkapatid ang pagkawala ng ama ganun na din ang kanilang ina at kaptid ng hari.
Itatanghal na sa isang araw si Fernando bilang isang hari, at siya ang pumalit bilang isang Diyos ng mga Diyos. Wala
ng pumigil dito dahil iyon ang kagustuhan ng hari. Matagal na ding hindi nag-aaway ang dalawa, dahil naging aral na
sa kanila ang sinabi ng ama na “Hindi natin alam kung kalian tayo mawawala, kaya huwag nating sayangin ang oras
na nabubuhay tayo”. Simula ng sinabi yung ng kanilang ama ay nagiging magkasangga na ang dalawa sa mga
problema at hamon na nararanasan nila.

You might also like