You are on page 1of 2

ANG PAYO NG IBONG ADARNA KAY DON JUAN

Saknong 753-778

753 “O, Prinsipe ng Berbanya, katoto kong sinisinta, sa tulog mo’y gumising ka’t ako ay
may ibabadya.” Nag-inot na nang paglakad kabundukan ay tinahak,
ang hinanap nang makarating agad.

754 Ngunit siya ay dinalaw ng malaking kapaguran, humanap ng masilungang ligtas sa


init ng araw.

755 Sa isang punongkahoy na malaki’t mayamungmong humilig nang mahinahon


hanggang magdapithapon.

756 Pagka’t labis yaong pagal di naglaon at nahimlay, pati na ang kagutuman ay hindi
na naramdaman.

757 Nakatulog nang mahimbing patay wari ang kahambing bakit ang simoy ng hangin
sa may dusa’y isang aliw.

758 Sa kanyang pagkagulaylay ang Adarna ay dumatal ang prinsipe’y natanawa’t agad
nakilala naman.

pagod dumating

762 Sa tinig na mataginting si Don Juan ay nagising, tuwa, lugod, at paggiliw sa Adarna
nang mapansin.

763 Pinakinggan ang pagkantang lalong kaaliwan niya, sa sarili’y nasabi pang “Tila ito’y
langit ko na!”

764 “ Anong haba na ng araw ang sa ati’y namagitan mulang tayo’y maghiwalay sa
Berbanyang iyong bayan.”

kaibigan

766 “Salamat at hawla lamang ang naisip nilang buksan, ang talagang pinakapakay
ikaw’t ako ay mapatay.

767 “Kung ako man ay umalis di sa iyo’y hinanakit manapa nga’y sa pag-ibig maligtas
ka sa pasakit.”
768 “Ngunit anhin pa ba natin ang nagdaa’y sariwain, ang marapat ngayong gawin,
ligaya mo ay hanapin. “Limutin sa alaala ang giliw mong si Leonora dito ay may lalalo
pa sa karangalan at ganda.

769 “Malayo nga lamang dito ang kinalalagyang reyno, gayon pa man, Prinsipe ko,
pagpagurang lakbayin mo.

770 “Bayang kanyang tinitirhan sa ganda ay hahangaan, isang sadyang kaharian sa


dako ng silanganan.

771 “Sila’y tatlong magkakapatid nag-aagawan sa dikit tatlong mutya ng pag-ibig sa


mundo’y walang kaparis.

772 Sila’y anak ni Salermo hari sa nasabing reyno, kapwa hari’t maginoo’y gumagalang
na totoo.

773 “Sa tatlo’y iyong piliin si Maria Blancang butihin, ganda nito ay tantuin daig ang
talang maningning.

774 Dalawang kapatid niya’y si Isabel at si Juana, una’y tala sa umaga’t bituin ang
pangalawa.

775 “Kaya hayo na, Don Juan, sa Reino de los Cristales, iyong ipagkakarangal sa ama
mong minamahal.

776 Awit ng Ibong Adarna tinapos sa pagbabadyang “Don Juan, huwag mangamba sa
hirap at mga dusa.

777 “Manalig kung walang hirap na di nagtatamong-palad pagmasdan mo’t yaong ulap
hinahawi ng liwanag.”

778 Sa payo nitong Adarna, ang Prinsipe’y lumakad na, nalimutan si Leonora’t puso’y
na kay Maria Blanca.

You might also like