Bylaws

You might also like

You are on page 1of 10

Yamaha Sniper Club Philippines Y15ZR-VVA (YSCP), Inc

By-Laws
CN 2021070020409-01

Ang Yamaha Sniper Club Phillipines Y15ZR-VVA, Inc ay isang samahan ng mga
responsableng nagmamayari ng motor na Yamaha Sniper 150/155 pataas sa buong
Pilipinas na boluntaryong sumali upang makamit ang adhikain sa larangan ng
pagmomotor at makatulong sa kapwa sa pamamagitan ng “Charity Events”.

Artikulo I

YSCP, Inc. Board of Trustees/National Officers

President - Angelito O. Cabilin


Vice President - Marc Alfred C. Campañano
Secretary General - Ely Andrew B. Virtudazo
Secretary - Paul Dexter Santiago
Asst. Sec - Teodoro Nodado
Treasurer - Rex Boongaling
Assistant Treasurer - Randolph Jason Paghubasan
Auditor - Vandrick Xhyrus John Pingad
Assistant Auditor - Armando R. Ycaro Jr
Head.Admin - Jonas V. Gonato
Admin/NCR - Jason Oliva
Admin/Isabela - Denver B. Santiago
Admin/ Cagayn Valley Downstream - Edison Basilad
Admin/Cagayn Valley Central - Jonathan Panopio
Admin/North Mindanao - Arnil Rosell
Admin/ Western Mindanao - Sonny Zantua
Admin/South Minadanao - Pao Palma
Admin/East Mindanao - Freddie G. Cotanda, Jr
Admin/Zambales - Roseller Rosario
Admin/Bulacan - Boybie Casupanan
Admin/Cavite - Rodel B. Lunzaga
Admi/ Pampanga - Rogie Roslin Infiesto
National Coordinator - Adriel Sunga
National Coordinatior - Wesley Cotanda
Asst. Head Coor. - Jay-R Calleja
Head Marshall - Paul Dexter Santiago
Ass. Marshall - Ron Kirby Anore
Sgt. At Arms - Jun Onete
Asst. Sgt. At Arms - Teodoro Nodado

1|Pag
All rights
ARTIKULO II
Mga Patakaran at Regulasyon

Ang mga patakaran at regulasyon ay mahigpit na isusulong ng YSCP Inc. kapag ang isang
miyembro ay lumabag sa patakaran at regulasyon, ang mga opisyales ng YSCP Inc ang mag-
didesisyon kung ano ang ipapataw na parusa.

2.1. Membership

Ang YSCP, Inc ay isang samahan ng mga responsableng tao na nag mamayari ng
motor na Yamaha Sniper 150 /155 pataas na may edad 18 pataas lamang.

Lahat ng miyembro ay kinakailangan magsulat at pumirma ng membership form.

2.1.1. Karagdagang Pangangailangan

a. Kopya ng Drivers License (hindi expired)

b. Kopya ng OR/CR if 1st owner / deed of sell

c. Litrato ng sasali kasama ang kanyang motor

d. 2x2 Picture (1pc)

e. Facebook Account legit account only

f. 3 EB, 2 Rides

g. 10 EB w/o rides pero kailangan magbigay ng kaunting tulong o ayuda sa mga charity events.
Na may pahintulot ng Team Leader.

2.2.2. Karagdagang Impormasyon

a. Ang YSCP, Inc ay bukas sa lahat ng taong nagmamayaari ng Yamaha Sniper 150-MXi/155-
VVA patna may edad 18 pataas sa buong Pilipinas, may ibang grupo man o wala. Kung
sakaling may ibang grupo, dapat ipagbigay alam at payag ang iba nyang grupo sa pagsali sa
YSCP, Inc.

b. (5) Limang miyembro o higit pa ang kailangan upang makabuo ng isang chapter sa isang
bayan, lungsod at probinsya.

c. ang lahat ng member sa isang bagong chapter ay awtomatikong legit at sila ang magiging
opisyales nito.

c.1 ang bagong chapter ay kinakailangang magsumite ng EB pictures kasama ang mga motor
para ma-recognized ng National officers

2|Pag
All rights
2.2. EB/Meeting/Bonding

Ang Team Leader ang responsable sa EB/Meeting dalawang beses sa isang buwan.
Ginagawa ito upang mapanatili at mas maging matatag ang samahan ng isang chapter at ng
buong YSCP Inc.

Kapag ang miyembro ay hindi nagpunta sa EB isang beses sa tatlong buwan ay may
ipapataw na parusa. Maari namang mag-abiso sa Team Leader o sa Assistant Team Leader
kung ang miyembro ay hindi makakapunta sa EB/Meeting at magbigay ng balidong rason.

Kinakailangan magbigay ng Agenda ang TL/ATL sa National Officer bago mag EB. Ito
ay isang paraan upang mamonitor ng National Officer kung ano man ang naapag-uusapan ng
bawat Chapter. Isa rin itong paraan upang maiwasan ang komplikasyon ng Team Leader at
National Officers.

2.3. General Meeting (Quarterly) January, April, July at October

Ang buong samahan ng YSCP Inc ay ineenganyong mag EB/Meeting apat na beses sa
isang taon. Ito ay pinamumunuan ng National Officers ng YSCP Inc.

2.4. Official Facebook Page

Lahat ng aspiring at legit members ng YSCP Inc ay kinakailangang mayroong facebook


account (Artikulo 2.1.1,e). Ang YSCP Inc ay may isang Official Facebook Account. Inaatasan
ang bawat T.L at A.T.L na ipasok lahat ng miyembro sa Official Facebook Page ng YSCP Inc.

Kailangan mag post ng litrato ang bawat chapter ng kanilang rides, isa ito sa paraan
upang malaman kung maayos ang kalagayan ng bawat miyembro.

2.4.1. Group Page/Group Chat per Chapter

Kada chapter ay mayroong Official Group Page at Group Chat, ang National Officers
lamang ang maaaring makihalo o makapasok sa Group Page ng bawat team.

Ang National Officers ay otorisadong magpasok ng “Newbie” sa lahat ng Chapter.


Ikokonsidera ng isang Chapter na nasala na ito ng National Officer.

Mahigpit na ipinagbabawal ng YSCP Inc ang anumang kabastusan, scam, pagmumura sa


facebook page at group chat. May kaukulang parusa sa sino mang lalabag sa patakaran
at regulasyon.

Sa YSCP TRADING & SELLING Chat Group lamang pwedeng magbenta ng kahit na ano
sa loob ng YSCP. Hindi maaaring magbenta sa loob ng Chat Group ng bawat Chapter.

3|Pag
All rights
2.5. Pondo

Ang YSCP Inc ay isang samahan na ang layunin ay tumulong sa kapwa sa


pamamagitan ng charity events, serbisyo sa komunidad, kalamidad, emergency fund atbp.

a. Bawat chapter ng YSCP Inc ay may Treasurer at Auditor na resbonsable sa pagkolekta


ng pondo para na rin sa aninaw ng bawat chapter at ng buong YSCP Inc.

b. Ang treasurer ng bawat chapter ay kailangan magreport ng kalagayan ng pondo na may


kalakip na pirma ng auditor sa tuwing mag EB.

c. Ang tulong pinansyal na P10 o higit pa ng bawat member ng YSCP ay maibibigay


lamang kapag ang legitimate family member ay na admit ng 24hrs o dumaan sa major
operation, at namatayan.

Category:

Single – Tatay, Nanay at mga Kapatid.

Married – Asawa at mga anak.

d. Ang YSCP Inc ay hindi sumusuporta sa anumang aksidente na ang kadahilanan ay


pagkalango sa alak o anumang paglabag sa batas trapiko, criminal case at
pagkasangkot sa droga.

e. May tinatawag na “Paikot Helmet” naman ang YSCP Inc para sa karagdagang tulong
pinansyal sa bawat miyembro, ito ay boluntaryong ibinibigay ng bawat miyembro sa
kahit anong halaga.

f. Magkaiba ang pondo ng National sa Chapter, hindi maaaring galawin ng National ang
pondo bawat Chapter. Mang-gagaling ang pondo ng National sa pamamagitan ng
“SPONSOR” at “RAFFLE” sa pangkalahatan. Ang pondo ng National ay ginagamit sa
pangkalahatang event ng buong YSCP, Inc gaya ng Christmas Party, Anniversary at
Grand EB.

2.6. OBR (Official Back-Ride)

Mahigpit na ipinagbabawal ng YSCP Inc ang papalit palit na OBR. Ang


Asawa/Anak/Kapatid o GF (unang ipakikilala sa grupo) lamang ang pinahihintulutan na maging
OBR ng miyembro.

Kung sakali namang maghiwalay ang magkasintahan, pagkalipas ng 2 buwan, saka


lamang maaring magpalit ang miyembro ng OBR. 2 months Policy

4|Pag
All rights
2.7. Official Rides

Ineenganyo ang bawat isang chapter na magkaroon ng rides (long or short rides) ng
dalawang beses sa kada 3 buwan. Ito ay isang paraan upang mas mapalalim at mas tumibay
ang samahan ng bawat chapter at ng buong YSCP.

Lahat ng rides ay dapat ipinapaalam sa T.L. o A.T.L. ng bawat chapter, (2) dalawang
linggo bago ang maganap ang ride, ang T.L. at A.T.L. ang magpapaalam sa National Officers
kung kalian at saan ang napiling puntahan. Ito ay paraan upang maging opisyal ang lakad, at
maisagawa ang paghahanda, proteksyon, at mamonitor ang mga babyahe, upang sa oras ng
aberya ay may nakahandang sumagip o tumulong.

Bago mag rides, kailangan mag post ng TL/ATL/Secretary ng Chapter sa kanilang


Chapter Page ng listahan ng pangalan ng hindi bababa ng 3 marshal.

Hindi rin magiging Official Ride ang isang ride kung may tatamaan na Major Event
tulad ng Christmas Party, Anniversary, Grand EB atbp., maliban nalang kung hindi
tatamaan ang lugar kung saan mag-kakaroon ng Grand EB.

2.8 Ang mga kasaping Sundalo at Pulis, ay pinahihintulutan na di dumalo sa EB,Rides, at


o anumang YSCP Event kung sila ay nasa panahon ng pagtugon sa kanilang Tungkulin.

NO GEAR, NO RIDES POLICY

Ang lahat ng kasama sa rides ay dapat magsuot ng mga sumusunod:

1. Helmet w/ ICC Sticker


2. Riding Gloves
3. Riding Pants
4. Riding Shoes o Rubber Shoes
5. Knee & Elbow Armor Guard
6. Face Mask (Optional)
7. Riding Jacket (Optional)

Mahigpit na ipinagbabawal ang naka-shorts at nakatsinelas habang bumabyahe o sa


EB/Meeting.

5|Pag
All rights
2.8. Vest

Ang lahat ng LEGIT MEMBER at LEGIT OBR ng YSCP ay malaya sa pagsuot ng vest
saan mang panig ng Pilipinas. Tuwirang ipinagbabawal ang magpahiram ng vest o gamitin ang
vest sa ibang unit ng motor; ito ay may kaukulang parusa.

2.8A. Tshirt/LongSleeve and Logo

Ang lahat ng Tshirt, Long Sleeve at logo ng mga chapter ay kinakailangan ipaapprove
sa national officers bago ilabas at ipagawa.

2.9. Riding Guidance

Ang ride ay pinamumunuan ng mga sumusunod:

a. Spearhead
b. Marshall (2 tao o higit pa)
c. Swiper (2 tao o higit pa)
d. Tail end (1 tao o higit pa)

Ineenganyo ang lahat na magpatakbo lamang ng hanggang 90kph ang bawat isang rider sa
byahe. Maaaring magpatakbo ng mas mabilis sa 90kph depende sa luwag ng kalsada,
kailangan lamang mag-paalam at pumayag ang Spearhead.

Panatilihing ligtas ang bawat miyembro sa bawat byahe ng YSCP Inc sa lahat ng oras.

Hindi magiging official ride ang biyahe hanggat walang kasamang Marshall na hindi bababa sa
(3) tatlo.

6|Pag
All rights
3.0. Leadership

Ang lahat ng national officers ng YSCP Inc ay idadaan sa botohan ng kapwa national
officers at ang Opisyales naman ng Bawat chapter mula H.T.L, T.L hanggang sgt at arms
ay pagbobotahan ng mga members na nasasakupan nito.

Ang bawat chapter ng YSCP Inc ay pamumunuan ng Team Leader, Assistant Team
Leader, Secretary, Assistant Secretary, Treasurer, Auditor at Admin.

Head Team Leader naman ang mamumuno sa isang malaking sakop bawat probinsya.

Magkakaroon ng botohan kada (1) isang taon para sa posisyon na A.T.L pababa upang bigyan
ng pagkakataon ang lahat na maging officer sa bawat chapter ng YSCP Inc.

3.1. Kapahintulutan

Para sa ikabubuti ng YSCP Inc sa pamamagitan ng tamang pagdidisiplina ng


officers/legit/aspiring members, ang sino mang lumabag sa mga patakaran at regulasyon ay
may katumbas na parusa.

a. 1st Offense - “Verbal Warning”


b. 2nd Offense - “Written Warning”
c. 3rd Offense - “5 days suspension”
d. 4th Offense - “15 days suspension”
e. 5th Offense - “1 month suspension”
f. 6th Offense - “Permanent Kick”

3.1.1. Proseso

Maaaring magpaliwanag o ipahayag ang dahilan ng isang nagkamaling miyembro sa


National Officers upang madepensahan nito ang kanyang sarili.

Ang National Officers kasama ang officers ng bawat chapter ang magdedesisyon kung
ano ang ipapataw na parusa sa miyembrong lumabag sa patakaran at regulasyon.

*Termination of Membership

Ang pagkansela ng pagiging miyembro ay maaaring Automatic, Voluntary o Involuntary.

Automatic – Ang sino mang hindi dumalo o pumunta sa EB/Rides/Charity Event sa loob ng (6)
buwan ay awtomatikong kakanselahin ang membership sa YSCP Inc maliban kung ang
miyembro ay isang Sea Man o Overseas Filipino Worker.

Voluntary – Ang sino mang miyembro sa kahit na anong rason ay pwedeng umalis sa grupo,
bigyang lamang ng paunang abiso ang Board of Trustees.

7|Pag
All rights
Involuntary – Ang miyembro ay maaaring maalis sa grupo sa pamamagitan ng pagboto ng
nakararami ng Board of Trustees sa alin man sa mga sumusunod:

a. Ang sino mang miyembro na lumabag sa probisyon ng by-laws, batas at regulasyon ng


YSCP Inc.
b. Ang sino mang opisyales o miyembro na sinisiraan ang YSCP Inc sa kahit na anong
pamamaraan.
c. Ang sino mang gumawa ng sariling batas na sumasagka sa by-laws ng YSCP inc.
d. Ang sino mang miyembro na mambastos o makipagusap ng walang respeto sa officers
o kapwa miyembro ng YSCP.
e. Ang member na may expired na Drivers License o OR/CR ay bibigyan ng tatlong Buwan
(3months) na palugit para asikasuhin ito. Pagkalipas ng tatlong Buwan at expired pa din
ang alin man sa dalawa ay pansamantalang kakanselahin ang membership sa YSCP
Inc at ibabalik lamang ito pagkatapos ma renew ang kanyang Drivers License o OR/CR
ng kayang motor.

Artikulo III

Amendment of By-Laws

4.0. Amendment

Ang By-Laws na ito ay bukas sa ano mang pagbabago na naaayon sa kasunduan at


botohan ng Board of Trustees at miyembro ng YSCP.

Lahat ng Chapters sa buong Pilipinas ay inaatasang sumunod sa batas at regulasyon ng YSCP


Inc.

SA SAKSI KUNG ANO MAN, kami, Board of Trustees/Officers/member na-nakalagda at


humaharap sa ngalan ng mga miyembro ng buong organisasyon ay tinatanggap ang
responsibilidad na maaaring mangyari sa kabuuan ng YSCP Inc. ngayong araw ng buwan
ng taong 2021 sa Metro Manila, Philippines.

8|Pag
All rights
A ngelito O. M arc Alfred C. E ly Andrew B. Virtudazo
Cabilin Campañano
President Vice President Secretary General
YSCP Inc.. YSCP Inc. YSCP Inc.

P aul Dexter T eodoro R ex Bonggaling


Santiag Nodado
Secretary Asst. Secretary Treasurer
YSCP Inc.. YSCP Inc. YSCP Inc.

R andolph Jason Paghubasan Vandrick Xhyrus John Pingad A rmando R. Ycaro, Jr


Asst. Treasurer Auditor Asst. Auditor
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

J onas V. J ason D enver Santiago


Gonato Oliva
Head Admin Admin/NCR Admin/Isabela
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.,

E dison J onathan A rnil Rosell


Basilad Panopio
Admin/ CagayanDownstream Admin/ Cagayan Admin/North Mindanao
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

S onny P ao V. F reddie G. Cotanda, Jr


Zantua Palma
Admin/West Mindanao Admin/South Mindanao Admin/ East Mindanao
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

R oseller Rosario B oybie Casupanan Rodel B. Lunzaga


Admin/Zambales Admin/Bulacan Admin/Cavite
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

R ogie Roslin A driel W esley Cotanda


Infiesto Sunga
Admin/Pampanga National Coordinator National Coordinator
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

9|Pag
All rights
J ay-R P aul Dexter R on Kirby Anore
Calleja Santiago
Asst. Head Coor Head Marshall Asst. Head Marshall
YSCP Inc. YSCP Inc. YSCP Inc.

J un Onate T eodoro Nodado


Sgt at Arms Asst. Sgt. At Arms
YSCP Inc. YSCP Inc.

10 | P a
All rights

You might also like