You are on page 1of 2

INDIA

Dinastiya ng Gupta (320-137 CE) Ang pagkamatay ni Asoka noong 238 BCE, ang naghudyat ng simula ng paghina ng dinastiya ng Maurya.
Nahating muli ang India sa iba't ibang magkakaribal na pinuno. Noong 100 CE, nagtagumpay ang mga Kushan sa pananakop ng halos buong
bahagi ng hilagang-kanluran ng India. Si Kanishka ang naghari sa Afghanistan at sa hilagang-kanluran ng India. Siya ang itinuturing na
pinakamakapangyarihang hari ng Kushan. Itinatag niya ang kanyang kabesera sa Peshawar at naging patron ng Buddhism. Sa ilalim ng kanyang
pamumuno ang Mahayana Buddhism ay nabuo, Isinulong ng Mahayana Buddhism ang pagsamba ng mga taong nakakamit na ng kaliwanagan
(enlightenment) subalit nanatili sa mundo upang tulungan ang iba pang nabubuhay na makamtan din ang kaliwanagan. Sila ang itinuturing na
bodhisattvas. Dumating ang panahon, ang paaralan ng Buddhism na ito ay lumaganap sa buong Hilagang Asia, China, Mongolia, Tibet, at Japan
habang ang Hinayana o Theravada School ay lumaganap sa Myanmar, Thailand, Malaya, at Sri Lanka. Pinanatili ng mga Kushan ang kanilang
masiglang pakikipagkalakalan sa mga Greek at Roman. Noong 400 CE, may panibagong kapangyarihang lumitaw sa India na nagbigay-daan sa
Ginintuang Panahon sa kulturang Hindu. Naghari ang mga Gupta sa India mula noong 320 hanggang 535 CE. Ang mahahalagang nagawa sa
larang ng kultura noong panahong iyon ay bunga ng kayamanan ng mga pinunong Gupta na nagmula sa taripa na kinokolekta sa iba't ibang
daungan, sa buwis na ipinapataw sa mga produktong agrikultural, at sa kita galing sa lupain ng mga hari. Lumago ang kalakalan at paggawa o
manufacturing. Ang cotton, calico, cashmere, at chintz ay ilan sa mahahalagang produktong ikinakalakal nila sa buong rehiyon. Sa larang ng
agham at matematika, pinag-usapan ng mga Indian mathematician ang halaga ng pi at dinibelop ang decimal system. Sila rin ang nag-imbento ng
place value at ng zero at ang mga simbolo para sa mga numero. Noong panahong iyon, ang mga doktor na Indian ay marunong nang mag-sterilize
ng mga sugat at mag-opera. Sa larang ng literatura, nakalikha ang mga Gupta ng pinakatanyag na aklat ng mga kuwento, ang Panchatantra na
may 87 mga kuwento. Ayon sa táyà ng mga iskolar, isinulat ito noong 300 hanggang 500 CE. Maaaring ang pinakamahalagang pagsulong noong
panahong ito ay ang pangingibabaw ng Hinduism sa Buddhism.Habang ang paghahari ni Chandragupta II, 380 hanggang 413 CE (walang
kaugnayan kay Chandragupta Maurya) ang naging tanda ng karurukan ng kapangyarihan ng mga Gupta, ang kanyang kamatayan din ang
naghudyat ng paghina ng imperyo o dinastiya. Nahati-hati ang imperyo sa maliliit na kaharian kung kaya't madali silang nasalakay ng iba't ibang
mga grupo. Ang mga Hun ang pinakamahalaga sa lahat ng ito, Tumulak sila patungong hilagang- kanluran ng India noong matatapos na ang
ikalimang dantaon. Ito ay halos kasabay ng kanilang pananalasa sa Europe at sa ibang bahagi ng Asia.

Rajputs
Noong panahong 650 hanggang 1250 CE, nagkakagulo sa India. Ito panahon kung kailan nanirahan ang mga Rajput sa hilagang-kanluran ng India
mula sa Gitnang Asia. Nagtatag sila ng maliliit na kahariang pinamunuan ng Rajput warrior-kings. Tinanggap nila ang Hinduism at naging miyembro
ng Kshatriyas. Bilang mga mandirigma, isinabuhay nila ang isang code of honor. nila ang Hinduism at sila ang may kapangyarihang Maaaring dahil
tinanggap mamuno, halos nawala ang Buddhism sa lugar na ito. Noong 800, lumitaw ang tatlong pangunahing diyos ng mga Hindu. Sila ay sina
Brahman, the Creator, Shiva, the Destroyer, at si Vishnu, the Preserver. Maraming mga templo ang naipatayo para sa kanila noong panahong iyon.

Ang Dinastiya ng mga Mughal (1526-1857)


Sa kasagsagan ng pagpapalawak ng Islamic Empire, dinala ng mga ang kanilang relihiyon sa Kanluran na umabot hanggang sa Spain at sa
Silangan naman umabot hanggang sa India. Pagdating ng 711 CE, nakapagtatag na ang mga Muslim ng base sa timog na bahagi ng Indus Valley.
Naglunsad si Mahmud (997 CE), ang Turkish na Sultan ng Ghazni, ng mga ekspedisyon sa India at nag-iwan ng bakas ng pagkawasak sa mga
lugar na dinaanan nito. Sa pagitan ng ika-11 hanggang ika-12 dantaon, pinatindi nila ang kanilang panggigipit sa India. Pagdating ng 1000
hanggang 1500 CE, nakapagtatag sila ng mga Sultanate sa iba't ibang bahagi ng Hilagang India. Ang isa sa pinakamahalaga rito ay ang Delhi
Sultanate (1200-1526). Ang mga sultan ng Delhi ang may kontrol sa Indo-Gangetic Plain. Bagama't nagtagumpay ang mga sa pagtatatag ng
kontrol sa buong India liban sa dulo ng timog na bahagi ng Subcontinent noong 1318, ang mga kaharian ng Hindu ay nagpatuloy na nanatiling
malalayang estado sa Deccan. Muslim Noong panahong humihina na ang Delhi Sultanate, nilusob ito ni Tamerlane, ang pinunong Mongol ng
Samarkand noong 1998 at ito ay pinagnakawan. Ginawa niya ito, tatlong taon matapos niyang matalo ang Golden Horde (Mongol-Tatar Army) na
naglugmok sa Hilagang India sa kaguluhan. Sa kabila nito, hindi napahina ang kapit ng Islam sa India kahit na ito ay isang minoryang relihiyon sa
Hinduism. Binigyang-pansing bagama't ang mga orihinal na Mongol ay hindi Muslim, si Tamerlane at ang kanyang mga tao ay naging tagasunod ng
Islam. Noong 1500, pinamunuan ni Babur, isang descendant ni Genghis Khan, ang ilang pananalakay sa India gamit ang mga daanan sa hilagang
bahagi nito. Nasakop niya ang Lahore noong 1524 at natalo ang Sultanate ng Delhi. Siya ang kinikilalang nagtatag ng Mughal dynasty noong 1526.
Ang pagpapalawak ng kanyang imperyo ay naiwan sa kanyang apo na si Akbar. Sa ilalim ng pamumuno nito, lumaki ang Imperyong Mughal.
Napasailalim nito ang buong Indo-Gangetic Plain, ang pangkasalukuyang Afghanistan kasama ang Baluchistan. Sinakop nito ang mga lupain sa
timog ng kabundukan ng Vindhya at ang hilagang-kanlurang bahagi ng Deccan. Noong 1595, si Akbar ang naging ganap na pinuno ng hilagang
bahagi ng India. Sinasabing ang pinakamahalagang pamana ni Akbar ay hindi ang lawak ng kanyang mga nasakop na teritoryo kundi ang mga
kontribusyon niya sa larangan ng pamamahala at pagsulong ng religious tolerance. Sa loob ng 49 na taong pamumuno, marami siyang nagawa
upang mapagbuklod ang kanyang imperyo. Napahusay niya ang pamamahala sa pamamagitan ng isang burukrasyang tinauhan ng mga
edukadong civil servants na pinasasahod ng estado. Gumamit siya ng iisang sistema ng timbangan (weights) at panukat (measure) na nagpadali
ng kalakalan sa buong imperyo. Naglagay siya ng isang sistematikong proseso ng pagbubuwis at binago ang pananalapi. Maituturing na ang
pinakamahalaga niyang nagawa ay ang pagpapatupad ng patakaran sa pagbibigay (accommodation) at pagpapaubaya (tolerance) para sa mga
taong nasakop niya. Ayon sa ilang salaysay, pagkatapos niyang talunin ang mga Rajput, inanyayahan niya ang mga itong tumulong sa gawain ng
pamamahala. Nagpakasal siya sa isang prinsesang Rajput upang lalo pang palakasin ang ugnayan niya sa mga tradisyonal na pinuno ng India.
Upang matugunan ang pagkakahati ng tao dahil sa relihiyon, hinikayat niya ang mga Hindu na magsilbi sa matataas na posisyon sa pamahalaan at
tinanggal niya ang mga espesyal na buwis na ipinataw sa kanila ng mga dating pinuno. Sa pamamagitan nito, naisulong niya ang ideya ng pagtrato
nang pantay-pantay sa mga at Muslim. Tila niyakap niya ang pagpapaubaya (tolerance) sa lahat ng mga pananampalataya. Dagdag pa rito,
nagtatag siya ng kanyang sariling relihiyong nakilala bilang Din Ilahi (Divine Faith) na nagbuklod sa iba't ibang ideya galing sa iba't ibang relihiyon.
Hindi ito nakakalap ng maraming tagasunod at sa huli, sa pagkamatay ni Akbar, naglaho rin ito. Sa kanyang pagkamatay noong 1605, ang hilagang
bahagi ng India ay naging isa nang estadong nagkakaisa. Ito ang dahilan kung bakit si Akbar ay itinuturing na pinakadakilang emperador ng
Imperyong Mughal. Binigyan siya ng titulong "Guardian of Mankind Ang sumunod sa kanya ay ang kanyang anak na si Jahangir (1605-1627)
Hinalinhan naman siya ng kanyang anak na si Shah Jahan (1628-1685). Ang pinakamahalaga niyang naipatayo ay ang Taj Mahal na nasa Agra
bilang libingan ng kanyang pinakamamahal na asawa. Sinasabing tinanggal sa posisyon at ipinakulong ni Aurangzeb (1658-1707) ang kanyang
ama na si Shah Jahan. Bilang isang marubdob na Muslim, ang kanyang matibay na paniniwala sa mga turo ng Islam ang nagtulak sa kanya na
magpatupad ng mga batas laban sa mga Hindu. Dahil dito, napalayo siya sa kanyang mga nasasakupang Hindu na kumakatawan sa mas malaking
porsiyento ng populasyon. Ipinagbawal niya ang suttee o ang pagsunog sa mga biyuda pati na rin ang castration ng mga batang lalaki para ibenta
bilang eunuch Noong 1669, ipinag-utos niya ang pagsira sa mga templo ng mga Hindu at ibinalik ang mga espesyal na buwis para sa mga Hindu.
Sinupil din niya ang mga Sikh sa pamamagitan sa pagsunog ng kanilang mga templo at pagpatay sa pinuno nito, ang ikasiyam sa mga Guru.
Maaaring ang resulta ng ganitong mga aksiyon laban sa mga Sikh ang nagtulak sa kanilang protektahan ang kanilang sarili sa pamamagitan ng
pagbuo ng komunidad ng mga sundalo at ang paghasa ng kanilang kapangyarihang militar. Naging mabigat silang kalaban ni Aurangzeb sa buong
panahon ng kanyang paghahari. Sa kalaunan, nakapagtatag a ng isang malayang estadong militar sa hilagang bahagi ng India noong panahon na
ang Imperyong Mughal ay nagsisimula nang humina Bagama't narating ng Imperyong Mughal ang tugatog ng lawak at kaningningan nito sa
panahon ni Aurangzeb, ito rin ang naging simula ng paghina nito. Maaaring resulta ito ng marami niyang naging kaaway dahil sa kanyang mga
ipinatupad na patakaran at malupit na pamumuno. Hindi lamang niya napalayo ang loob ng mga Hindu na kumakatawan sa mas malaking bahagi
ng populasyon at ng mga Sikh, hindi rin niya nakontrol Mahratta. Ang mga Mahratta (Maratha) ay binubuo ng mababang caste ng mga Hindu na
gumagamit ng iisang wika. Si Sivaji, ang kanilang naging pinuno ay nagpasimula ng pagbubuklod sa kanila bilang isang kumpederasyon. Ang
Marata Confederacy ay naging isang malakas na puwersa sa Deccan noong 1707. Noong mamatay si Aurangzeb, ang Imperyong Mughal ay
pahina na. Ang pananalakay ng mga Persian noong 1789 at ang pandarambong ng Delhi ay nagpadali ng kahinaan ng imperyo mula sa loob.
Nagsilbi itong malaking dagok sa mga sumunod kay Aurangzeb na nagbigay-daan sa pagkakawatak- watak ng imperyo sa maliliit na malalayang
estado. Ang pinakamahalaga rito ay ang Hyderabad. Sa pagtatapos ng ika-18 dantaon, ang Imperyong Mughal ay naging anino na lamang ng dati
nitong katanyagan.
Ang Pagdating ng mga European sa India
Ang kontrol sa mga karagatan ang nagbigay sa mga European ng kalamangan sa kanilang pagtulak sa pagbubukas ng mga bagong lupain at sa
kanilang tagumpay sa kanilang pangingibabaw sa iba't ibang bahagi ng mundo. Ito ang nangyari sa India. Noong 1498, narating ni Vasco da Gama
ang baybayin ng India sa pamamagitan ng paglalayag sa palibot ng Cape of Good Hope. Ang makasaysayang paglalakbay na ito ang nagpasimula
ng sunod- sunod na ekspedisyong nagbigay-daan sa pagtatatag ng mga European ng trading ports sa subcontinent ng India. Ang kauna-unahang
nasilayan ng mga European ay ang kadakilaan at kayamanan ng mga pinuno ng Imperyong Mughal at ibang maliliit na kaharian ng Hindu na
nakakalat sa bahaging timog ng baybayin ng India. Maaaring hindi itinuring ng mga Mughal na banta sa kanilang kapangyarihan ang pagdating ng
mga Kanluranin dahil ang kanilang pagpasok noong una ay limitado lamang sa mga baybaying lugar at tila ang motibasyon ay para lamang sa
kalakalan. Hindi inasahan ng mga Mughal ang pangangailangang gumawa ng mga barkong pandigmaang nagbigay sana sa kanila ng sapat na
puwersang pandagat upang makontrol, kung hindi man mapigilan, ang pagdagsa ng mga European sa India. May ilang mga historyador maliliit na
mga kaharian ng Hindu ang isa sa pinakamahalagang dahilan ng kanilang pagbagsak sa huli. bumisita sa iba't ibang Bago pa man nagsimulang
maglayag ang mga European sa ibayong-dagat, madalas nang marami nang ibang grupo mula sa iba't ibang lugar ang nakikipagkalakalan na sa
India. Ang mga Greek at Roman ay daungan sa India noong panahon ng kanilang kalakasan. Nagtatag ang mga Persian merchant ng mga
pamayanan sa ilang bayang malapit sa baybayin. Ang mga Arab ay nagsilbing mahalagang tagapamagitan para sa mga produktong ika-13
nanggagaling sa Silangan at sa Kanluran sa loob ng maraming dantaon. Ang ibang mga Kanluranin ay nakarating din sa India mula pa noong
dantaon subalit iilan lang ang mga ito at hindi naman nag-iwan ng anumang mahalagang marka sa India. Noong kalagitnaan ng ika-19 na dantaon
nagkaroon ng mahalagang pagbabago sa anyo at katangian ng Western Imperialism. Maraming iba't ibang bagay ang nagtulak sa mga
Kanluraning colonial powers na suriing muli ang kanilang mga interes at magsagawa ng mga pagbabago sa kanilang patakaran ng pakikipag-
ugnayan sa kanilang mga colony. Isang halimbawa ay ang Great Britain. Batay sa kanilang pagsusuri ng kanilang interes sa India, napagpasiyahan
nilang ito ay gawing bahagi ng British Empire. Noong panahong iyon, 1857, ang mga huling emperador ng Mughal ay naging puppet emperors na
lamang. Nawalan sila ng tunay na kapangyarihan liban sa mga seremonyal na tungkulin na patuloy nilang nagampanan. Ito ang naghudyat ng
katapusan ng Imperyong Mughal.

You might also like