You are on page 1of 4

Ang Pananakop ng mga Muslim sa India

All:

Makasaysayang araw sa inyong lahat. Kami ang Group 1 at kami ay magsasalaysay tungkol sa

kasaysayan at kuwento ng pananakop ng mga Muslim sa India.

Jonie:

Ang Pananakop ng Muslim sa India ay naganap sa loob ng dalawang yugto ng panahon ng

pananalakay. Ang unang pagsalakay ay naganap noong 997 CE. Ang mga Muslim na ito ay

nagmula sa Afghanistan at Turkmenistan. Sa simula, ang balak nila ay manloob at

mangdambong lamang.

Angela:

Ngunit dahil sa hindi nila mawaring institusyong caste ng mga Hindu, tuluyan na nila itong

sinakop at itinatag ang dominyong Muslim sa pusod ng relihiyong Hinduism. Ang ikalawang

pagsalakay naman ay naganap noong 1526. Ang mga pangkat naman ng mga Muslim na ito

ay nagmula sa Gitnang Asya na binubuo ng mga tribong hukbong Turkic-Mongol at iba pang

nandarayuhan sa nabanggit na rehiyon.

Trisha:

Noong 1000-1027, nilusob ni Mahnud Ghazni ang India ng 17 beses at ikinabit ang Hilagang-

Kanlurang Punjab sa kanyang kahariang Afghan. Pininsala siya nang husto ang Delhi, ang

kabisera ng India.

Rae:

Noong 1181-1206 sinimulang sakupin ni Muhammad Ghori ang mga lungsod ng India

hanggang sa marating ang Benares. Samantala, noong 1206 hanggang 1288 itinatag ni Kitb-

ud din ang “Dinastiyang Alipin,” ang unang Dinastiyang Muslim sa India.

Geoff: Noong 1288 hanggang 1320 ay pinabagsak ni Khilki ang Dinastiyang Alipin at

pinalawak ang kapangyarihang Muslim. Itinatag ang sultanato ng Delhi, ang

pinakamakapangyarihang sultanato sa India.

Jonie:

Samantala noong 1320 hanggang 1398 ay inagaw ni Firuz Shah Tughlak ang sultanato mula

sa pinakamahusay na sultan ng Delhi. Naging magulo ang sultanato sa kanyang pamumuno.

Jacob: Nilusob ni “Timur the Lame” o Tamerlane noong 1398 hanggang 1414 ang India

ngunit nagtungo ito sa Russia.


Rae:

Noong 1414 hanggang 1450 bumagsak ang Dinastiyang Tughlak at pinalitan ng Dinastiyang

Sayyid.

Angela:

Samantala noong panahong 1526 hanggang 1556, si Babur “The Tiger” ang nagtatag ng

imperyong Mughal sa India. Siya ay nagmula sa kahariang nasasakop sa kasalukuyan ng

Tajikistan at Uzbekistan. Sa kanyang pamumuno, ninais ni Babur na maipalaganap ang Islam sa

lupain kapalit ng Hinduism.

Trisha:

Noong panahong 1556 hanggang 1605, natamo ng imperyong Mughal ang “Ginintuang

Panahon” sa pamumuno ng apo ni Babur na si Akbar the Great.

Geoff:

Samantala noong 1605 hanggang 1627, ang India ay pinamunuan ng anak ni Akbar na si

Jahangir, ang kilalang “Grasper of the World.” Ang imperyo ay pinamahalaan ng kanyang

asawang si Nur Jahan.

Jacob:

Noong 1627 hanggang 1658, ang India ay napasakamay ng anak ni Jahangir na si Shah

Jahan, ang nagpatayo ng Taj Mahal.

Angela:

Noong panahong 1658 hanggang 1707, si Shah Jahan ay pinalitan ng kanyang anak na si

Aurangzeb. Ipinatanggal niya ang mga templong Hindu.


Trisha:

Noong 1000-1027, nilusob ni Mahnud Ghazni ang India ng 17 beses at ikinabit ang Hilagang-Kanlurang Punjab sa
kanyang kahariang Afghan. Pininsala siya nang husto ang Delhi, ang kabisera ng India.

Rae:

Noong 1181-1206 sinimulang sakupin ni Muhammad Ghori ang mga lungsod ng India hanggang sa marating ang
Benares. Samantala, noong 1206 hanggang 1288 itinatag ni Kitb-ud din ang “Dinastiyang Alipin,” ang unang Dinastiyang
Muslim sa India.

Geoff: Noong 1288 hanggang 1320 ay pinabagsak ni Khilki ang Dinastiyang Alipin at pinalawak ang kapangyarihang
Muslim. Itinatag ang sultanato ng Delhi, ang pinakamakapangyarihang sultanato sa India.

Jonie:

Samantala noong 1320 hanggang 1398 ay inagaw ni Firuz Shah Tughlak ang sultanato mula sa pinakamahusay na sultan
ng Delhi. Naging magulo ang sultanato sa kanyang pamumuno.

Jacob: Nilusob ni “Timur the Lame” o Tamerlane noong 1398 hanggang 1414 ang India ngunit nagtungo ito sa Russia.

You might also like