You are on page 1of 10

Republic of the Philippines

Department of Education
Caraga Administrative Region
Division of Agusan Del Sur
Trento District 1
Name of Teacher MELBA SARAH C. BARRIOS Grade Level IV
Teacher III
Learning Area EPP Time 3:10 – 4:0
Quarter SECOND Week 3
Observer JOSIE L. LIBREA, MT1 Date November 1
2022
TRENTO CENTRAL ELEMENTARY SCHOOL

EKSPLISIT NA PAGTUTURO
I. LAYUNIN Nakikilala ang mga Uri ng kasuotan
EPP4HE-Ob-3
II. NILALAMAN
A. PAKSA Uri ng Kasuotan

B. KAGAMITAN PANTURO Mga larawan, Tsart, Pandikit, Gunting, Kartloina,


Manila Paper.

C. INTERGRASYON ESP- Kalinisan at Kaayusan


III. PAMAMARAAN
A. BALIK- ARAL Balikan ang wastong pag- aayos at pag- aalaga sa
sarili.
B. PAGGANYAK
Ano nga ang isusuot kapag kayo ay papasok sa
paaralan?

Ano naman ang inyong gagawin para hindi ito


madumihan?

Pag- uwi ninyo galing sa paaralan, ano naman ang


inyong gagawin sa inyong uniporme?
C. PAG- UUGNAY SA Pagpapakita ng mga larawan ng ibat’ibang uri ng
BAGONG ARALIN kasuotan:

1.

Ano ang nakikita niyo sa mga larawan?

2. Saan naman ginagamit ang damit


na ito?

3. Pwede bang gamitin ang damit na ito para


pantulog?
D. PAGTATALAKAY NG BAGONG Ipakita ang iba’t ibang uri ng mga kasuotan.
KONSEPTO AT PAGLALAHAD
NG BAGONG KAALAMAN/
PAGMOMODELO

Ano ang kasuotan?

- Ito ay nagbibigay proteksyon sa ating


katawan. Ito ay isinusuot upang
isanggalang ang katawan sa init, ulan, at
lamig.

IBA’T IBANG URI NG KASUOTAN

DAMIT PAMBAHAY

- Ito ay maluwang at maginhawa sa katawan


katulad ng daster, shorts, t- shirts, at mga
lumang damit ngunit maayos pa.

Halimbawa
DAMIT PAMASOK

- Karaniwang blusa at palda para sa


kababaihan, polo at pantalon o short naman
para sa kalalakihan gaya ng uniporme.

Halimbawa

DAMIT PANLARO

Ito ay ginagawang maluwang upang malaya at


maginhawa ang pagkilos ng katawan. Ito ay
maaaring kamiseta, t- shirt, sando, short o
bloomer.
Halimbawa

DAMIT PANTULOG

- Ang kasuotan ito ay maluwang din sa


katawan katulad ng pajama, night gowns.
Ang luma ngunit malinis na damit ay
maaari ring gamitin.

Halimbawa

DAMIT PANG- PORMAL

- Ito ay yari at naiibang damit gaya ng baro at


saya. Ginagamit sa espesyal at pormal na
selebrasyon, pagtitipon at programa.
-

Halimbawa

E. GINABAYANG PAGSASANAY Panuto: Tukuyin ang Uri ng mga kasuotan.


Pagkabitin ang Hanay A sa Hany B.

HANAY A HANAY B

1.  Ito ay maluwang din sa


katawan katulad ng
pajama, at night
gowns.

2.  Ito ay ginagawang
maluwang upang
Malaya at maginhawa
ang pagkilos ng
katawan. Ito ay
maaaring kamiseta t-
shirt, sando, short o
bloomer.

3.
 Ito ay yari at naiibang
damit gaya ng baro at
saya. Ginagamit sa
espesyal at pormal na
selebrasyon, pagtitipon
at programa.
4.

 Karaniwang blusa at
palda para sa
kababaihan, polo at
pantalon o short
naman para sa
5. kalalakihan gaya ng
uniporme.

 Ito ay maluwang at
maginhawa sa
katawan katulad ng
daster, short, t- shirt,
at mga lumang damit
na maayos pa.

F. MALAYANG PAGSASANAY Panuto: Hanapin sa Word Search ang mga


pangalan ng damit.

WORD SEARCH
1. Pajama K G S S C P R U
2. Daster A D L A P L N U
3. Bloomer
M E S N W I F Z
4. Sando
A B A D P T V H
5. Uniforme
J B L O O M E R
A M R U O L O P
P M I T S B N P
E R E T S A D M

G. PAGLALAHAT
Ano ang kasuotan?

Ang naman ang iba’t ibang uri ng kasuotan?

H. PAGLALAPAT Ngayon mga bata ay ipapangkat ko kayo sa


tatlong grupo. May ibibigay akong mga larawan sa
inyo, ang gagawin niyo ay alamin kung saan ito
gagamitin, kung ito ba ay damit pambahay, damit
pampasok, damit panlaro, damit pantulog, at
damit pang porma, pagkatapos ay idikit ang mga
larawan sa pisara.

DAMIT DAMIT DAMIT DAMIT DAMIT


PAMBAHAY PAMASOK PANLARO PANTULOG PANG-
PORMAL
I. PAGTATAYA Panuto: Piliin ang bawat sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit


pantulog?

A. B. C.

2. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit


pambahay?

A. B. C.

3. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit


pang porma?

A. B. C.

4. Alin sa mga sumusunod ang dapat isinusuot bilang damit


pamasok?

A. B. C.
5. Alin sa mga sumusunod ang ang dapat isusuot bilang
damit panlaro?

A. B. C.

J. TAKDANG ARALIN 1. Pag- uwi mo sa bahay, tingnan mo ang iyong


mga pansariling kagamitan.
2. Gumawa ka ng tseklist na katulad ng nasa
baba.
3. Palagdaan ito sa iyong magulang.

KAGAMITAN INAAYOS HINDI


INAAYOS
Mga damit

Mga sapatos

Maruruming
damit
Nilabhan ang
Hinuhubad na
Panloob na
damit

You might also like