You are on page 1of 3

BALAKIN AT INSTRUMENTONG AMERIKANO

Ang Pangulo ng Amerika sa pananakop nito sa Pilipinas ay William Mckinley, isang


Republikano (mapanakop na partidong pampulitika) ng Ohio. Ang teritoryo ng mga
mapanakop na sugar barons (na nagnais ng malaking Mercado at pagkukuhanan pa ng
mas maraming asukal) na naglunsad ng pagpapalawak ng kolonya, ang planong Manifest
Destiny. Ito diumano ay lumabas sa kanyang panaginip ang dakilang anghel na si Gabriel
at sinabihan siya nito na magpalaganap ang Amerika ng kanyang emperyo’t
kapangyarihan sa tawid ng dagat Pasipiko. Ito ay isasagawa sa “pinakasibilisado at
matahimik” diumanong pamamaraan kung kaya’t tinawag nila itong Benevolent
Assimilation. Isa rin patunay na kaiba ang kanilang pamamahala sa mga kastila ay
tinawag nila ang kanilang pamahalaan na Civil Government. Ang una rito ay si William
Howard Taft, nagpapakilala na unang Civil Governor sa Pilipinas ngunit ito’y
magandang palamuti lamang pala ito sa militar na pananakop na tunay na lumupig at
pumatay ng napakaraming Pilipino para maging matagumpay ang isinagawang
Benevolent Assimilation.

Militarisasyon sa Islas Filipinas


Luzon- ipinadala si Gen. Franklin Bell upang patayin ang mga taga-Balayan Batangas.
Ang mga balayanons ay pinaniwalaan na tagasuporta ni Hen. Miguel Malvar, isa sa mga
tapat na heneral ni Gat Andres Bonifacio. Ang pagpapakita ng suporta ng balayanons ay
ang pagbibigay ng pagkain sa mga rebolusyonaryo habang dumadaan sa bayang ito. Ang
klarong paliwanag na ito ay pagpapakita lamang ng kulturang Pilipino na “Filipino
Hospitality” na di maintindihan ng mga Amerikano ang naging dahilan na isipin na ang
mga balayanon ay lahat kalaban nila. Ang eksperto sa Reconcentration Zone o Military
Cordon na si Gen Franklin Bell ang ipinadala ni Taft para lupigin ang mga balayanon.
Naglunsad si Bell ng 31 Memorandum Orders of Death sa buwan ng Disyembre, taong
1901. Sa bawat araw ng Disyembre ay may kautusan na maaaring ikamatay ng libo bawat
araw. Isa sa mga magaan na utos ay ang huwag kang aalis sa bayan mo o ikakamatay mo,
huwag kang lalabas sa bahay mo o ikakamatay mo, kukunin lahat ng alagang hayop sa
labas ng bahay mo, kukuhanin ang lahat ng makakain mo sa loob ng bahay mo. Sa araw
araw na utos na mga ito ay nangamatay ang mahigit kumulang 33000 katao dahil sa
sistemang Benevolent Assimilation ni Taft. Ang mga batis pangkasaysayan ay mula kay
Dr. Luis Dery, First Philippine Army.
Visayas-ang naipadala ni Taft sa Balangiga, ang masasabing ang pinakamalupit sa lahat.
Siya ay pinadala sa isang lugar na dati ay matahimik, ang Balangiga, Samar. Ito ay may
kampong military ngunit walang maligalig na kalaban ng pamahalaan kung kaya’t ang
mga walang kalaban na mga Amerikanong sundalo ay malimit lasing at kinukuha ang
mga babaeng nagtitinda sa palengke sa labas ng kanilang moog upang maging aliwan.
Mahigit dalawang dosena ang babaeng nagahasa sa nasabing kampo na labing-isa
diumano ang namatay mula sa edad na 7-60 anyos. Nagalit ang mga kalalakihan ng
bayang ito at ipinangakong paghihigantihan nila ang yumurak at pumatay sa kanilang
minamahal. Sila ay nagbihis babae at nagbuhos ng dugo ng manok kung kaya’t tinawag
silang Pulahanes. Sila ay nagdala ng bayong na sa loob at may upot patola ngunit
nakapaloob sa gitna ay ang kanilang Talibong o mahabang bolong matalim. Ito ay
ginamit nila sa pagpugot ng ulo ng mga natutulog na sundalong Amerikano. Mahigit
liman daan Pulahanes ang nagsagawa nito. Ngunit hindi ito hinayaan ng mga Amerikano
kahit na ang pang-aabuso ay sila ang nagpasimula. Ipinadala si Hen Jacob “Howling”
Smith, ang beteranong heneral ng Indian Expeditionary Force, kilabot na heneral na
pumatay ng mga mandirigmang Indian sa America. Inutusan nia ang kanyang mga tauhan
na lahat ng nakakatayo ay “Scalp them dead,” pupungusan at hayaang lumabas ang utak
ng mga taga-Balangiga bilang parusa sa mga Pulahanes na pinaniniwalaang pitong libo
ang namatay sa bayang ito. Kasama sa nawala sa bayang ito ay ang kanilang batingaw na
dinala ng mga Amerikano bilang war booty.Si Smith diumano ay na Court Martial sa
Amerikano dahil sa kawalang hiyaan ginawa sa digmaan ngunit sa Pilipinas ay binigyan
parangal pa siya ni Taft.
Mindanao-sa mga Tausug ng Sulu, ang pagkakaroon ng mga armas ay karaniwan lamang
sapagkat sila ay mandirigma. Ngunit ang panahon ng mga Amerikano kahit na tinawag
nila itong Civil Government ay nagbabalat-kayong panahong militar na maaaring higit pa
sa panahong Kastila. Nagbigay ng kautusan ang mga Amerikano na bawal magdala ng
armas ang mga mandirigmang Tausug kung kayat ang mga pumuputok na armas ay
isinuko nila ngunit ang mga matalim na armas ay kailangan ibigay din daw isuko sa mga
Amerikano. Nagalit naman ang mga Tausug kung kaya’t minarapat nila na umakyat ng
bundok na Bud Dajo at Bud Bagsak (ang Bud ay bundok sa mga Tausug) upang magtago
sa mga Amerikanong sundalo. Pinadala ang Heneral na si William Pershing na nagdala
ng kanyang paboritong instrumentong pandigma, ang Howitzer. Ang bagong kanyon na
ginamit ng mga Amerikano sa bundok ng Sulu upang malupig ang mga Tausug. Ang
labis na paglusob ng matatapang na mga Tausug na di diumano mapigilan ng mga .38
revolver ng mga Amerikano kung kaya’t naimbento nila ang .45 caliber pistol noong
1911. Isa pang naimbento nila ay sa patuloy na paglusob sa mga Kabundukan ng Sulu
ay nadagdag sa kanilang salita ang Boondock.
Cure for Rebelliousness
Water Cure- isa sa torture na ginagawa ng mga Amerikano sa mga rebolusyonaryong
Pilipino. Ang mga napapaghinalaan ng mga Amerikano ay pinapahiga at tatalian at
bubuhusan ng gallon-galong tubig. Kapag nailuluwa na ng rebelde ang tubig ay may
malaking Amerikano na aakyat sa hagdan at tatalunan ang sikmura ng pinaghihinalaan.
Paulit ulit itong gagawin.
Electric Cure- isa pang uri ng torture ng mga Amerikano ay ang pagpapadaloy sa hubot
hubad na katawan ng pinaghihinalaan at babasain ng tubig upang lalong maramdaman
ang hirap hanggang tuluyan mamatay ang rebeldeng ito.

You might also like