You are on page 1of 3

AWITING BAYAN

-ang awiting bayan o tinatawag ding “kantahing bayan” ay isang tulang inaawit na
nagpapahayag ng damdamin, kaugalian, karanasan, pananampalataya, hanapbuhay o
gawain ng isang taong naninirahan sa isang pook.
Mga Uri ng Awiting Bayan
1. Kumintang- awit sa pakikidigma
Hal.
Ang nuno nating lahat,
Sa gulok di nasindak,
Sa labanan di naaawat,
Puhunan buhay, hirap
Upang tayong mga anak
Mabuhay nang mapanatag

2. Diona- awit sa kasal na inaawit habang isinasagawa ang seremonya


Hal.
Umawit tayo at ipagdiwang,
Ang dalawang pusong ngayon ay ikakasal
Ang daraanan nilang landas,
Sabuyan natin ng bigas

3. Talindaw- awit sa pamamangka


Hal.
Sagwan, tayo’y sumagwan
ang buong kaya’y ibigay
malakas ang hangin
baka tayo’y tanghaliin
pagsagwa’y pagbutihin

4. Soloranin- awit ng mga manggagawa


Hal.
Hala gaod tayo, pagod ay tiisin
Ang lahat ng hirap, pag-aralang bathin
Kahit malayo man kung ating ibigin
Daig ang malapit na ayaw lakbayin

5. Oyayi/Hele- ito ay awiting bayan para sa pagpapatulog ng mga bata na kung


saan ay naglalaman ng mga paalala o bilin.
Hal.
Tulog na bunso
Ang ina mo ay malayo
Di ka niya masundo
Pagkat ang daa’y maputik
At mabaho

6. Dalit/Imno- awit sa Diyos o Diyosa


Hal.
Pumanaog, pumanaog si Mansilatan
Saka si Badla ay bababa,
Mamimigay ng lakas,
Pasayawin ang mga Baylan,
Paligiran ang mga Baylan

7. Kundiman- awit tungkol sap ag-ibig


Hal.
Noong unang panahon ako ay bata pa,
natitisod mo na’y di mo alintana
nang ako’y lumaki at maging dalaga,
tila sa wari ko’y may pagbabanta ka

Pagsinta mo sa aki’y di ko tatanggapin


pagkat akong ito’y alagaan sa tingin
ako ay mahirap, pangit pa sa tingin
bakit naman ngayo’y iyong iibigin?

Iba pang katutubong awitin


1. Atin Cu Pung Singsing
2. Leron, Leron Sinta
3. Bahay Kubo
4. Paruparong Bukid
5. Sitsiritsit Alibangbang
6. Magtanim ay Di Biro
7. Tong Tong Tong Tong Pakitong-kitong
8. Manang Biday
9. Pamulinawen
10. Dandansoy

Patakarang Pansilid
L-aging ugaliing disiplina’y panatilihin nang ang pang-unawa’t pakikinig
ay nakatuon sa leksyon natin
I-wasang maki-umpok sa mga kaklase at itabi ang mga bagay na hindi
naman kailangan sa ating talakayan
G-awing pagsagot ng po at opo sa guro ay wag kalimutan kung sakaling
may sasabihin o katanungan
T-ratuhin ang lahat ng kaklase nang may pagmamahal at paggalang
A-asahan kong sa bawat indibidwal at pangkatang gawain,
kooperasyon nyo ay ibibigay ng buo sa akin
S-iguraduhing maunawaan ang talakayan at magtanong kung
Kinakailangan

Huni ng Hayop: Baboy, Aso, Ibon, Bibe, Bubuyog, Pusa, Manok, Kambing, Ahas
“Oink,oink,oink”
“Aww, aww, aww”
“Twit, twit, twit”
“Kwak, kwak.kwak”
“Bzzz, bzzz”
“Meow, meow, meow”
“Kruk,kruk,kruk”
“Meh, meh, meh”
“Hsss,hssss”

PANGKATANG GAWAIN
PAGSUSULIT

You might also like