You are on page 1of 1

ARALIN 5: ANG IMPORMAL NA SEKTOR

• economic development model (W. ARTHUR LEWIS)


o sinasabing nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor.
o Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing
countries).
• Keith Hart, isang antropolohistang Ingles na nagsuri ng mga gawaing pang-ekonomiya ng mga taong nanirahan sa Ghana.
• International Labour Organization (ILO)batay sa kanilang isinagawang First ILO World Employment Mission saKenya, Africa
noong 1972. Nalaman nilang marami ang mga may hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinatakda ng
batas.
• Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o
trabaho at magdulot ng kita sa taong lumalahok dito.
• Ang mga gawain dito ay naisasagawa dulot ng mababang antas ng organisasyon, hindi pagsunod sa itinatakdang kapital at
pamantayan, at napakaliit na antas ng produksiyon.
• Ito ay walang pormal na pagsunod sa mga patakarang itinakda ng pamahalaan.
• Sa kabilang dako, ayon sa papel ni Cleofe S. Pastrana, isang kawani ng National Economic and Development Authority
(NEDA),na pinamagatang “The Informal Sector and Non-Regular Employment in the Philippines”, kaniyang binigyang-diing
ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan.
• Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic Product (GDP)ng bansa subalit tinataya
na ang halaga ng produkto at serbisyo mula rito ay nasa 30%.
• ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer (PDI)noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang
tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang
underground economy o hidden economy.
• Ilan sa mga halimbawa ng mga taong kabilang sa sektor na ito ay ang mga:
1. nagtitinda sa kalsada (sidewalk vendor) 4. pedicab driver
2. mga hindi rehistradong operasyon ng mga pampublikong sasakyan (colorum). 5. karpintero
3. mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng:
a. prostitusyon,
b. ilegal na pasugalan,
c. pamimirata (piracy)gaya ng compact disc (CD) at digital video disc ( DVD ).
• Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na sektor:
Ø Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Ø Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Ø Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.

ILAN SA MGA BATAS, PROGRAMA, AT MGA PATAKARANG PANG-EKONOMIYA NA MAY KAUGNAYAN SA IMPORMAL NA
SEKTOR AY ANG SUMUSUNOD:
1. REPUBLIC ACT 8425 (Social Reform and Poverty Alleviation Act of 1997).
Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunan.
Isinulong ng batas na ito ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA)na naglalayong iahon sa kahirapan ang mga
Pilipinong kabilang sa impormal na sektor
2. REPUBLIC ACT 9710 (Magna Carta of Women).
Ayon sa batas na ito, ang National Commission on the Role of Filipino Women (NCRFW)ay naging Philippine Commission
on Women (PCW). Ito ay isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng United Nations (UN)
para sa Convention on the Elimination of all Forms of Discrimination Against Women’s (CEDAW).
3. PRESIDENTIAL DECREE 442 (Philippine Labor Code).
Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa
“espesyal na manggagawa”-kabilang ang mga industrial homeworker, kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---
na kabilang sa impormal na sektor.
4. REPUBLIC ACT 7796 (Technical Education and Skills Development Act of 1994)
Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng
industriya, paggawa, lokal na pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang mga
kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao ng ating bansa.
5. REPUBLIC ACT 8282 (Social Security Act of 1997).
Itinatadhana ng batas na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang kagalingang panlipunan
at seguridad ng mga manggagawa. Upang maisakatuparan ito ipinag-utos na lahat ng mga manggagawa sa pribadong
sektor maging ang kabilang sa impormal na sektor ay maging bahagi ng Social Security System (SSS).
6. REPUBLIC ACT 7875 (National Heath Insurance Act of 1995).
Sa pamamagitan nito ay naitatag ang Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth)na naglalayong mapagkalooban
ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at sistematikong kaseguruhang pangkalusugan.

MGA PROGRAMA AT PROYEKTO NG PAMAHALAAN PARA SA MGA MAMAMAYAN NA BUMUBUO SA IMPORMAL NA SEKTOR:
1. DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)
Ang programang ito ay ipinatutupad ng DOLE na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga pagsasanay
ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga walang sapat na hanapbuhay.
2. SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K)
Isa sa mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD)na nagbibigay ng mga gawain at
pagsasanay upang mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at makapagsimula ng sariling negosyong
pangkabuhayan at pagtatayo ng mga samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-Employment
Kaunlaran Associations (SKA’s).
3. INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE FISHERFOLKS (ISLA)
Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng
pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang
kanilang hanapbuhay.
4. CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP)
Ito ay programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga biktima ng
kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng
rehabilitasyon at rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar.

Gawain 5.1: I’M A BLOGGER


Panuto: Kumuha ng isang larawan ng impormal na sektor na makikita sa inyung komunidad at lagyan ng angkop na
caption/hashtag. Ipaliwanag ang mabuting epekto at di-mabuting epekto nito sa ating ekonomiya.

You might also like