You are on page 1of 12

ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan________________________________________________________________

Pangkat ________ Guro ___________________________________________________

Aralin IMPORMAL NA SEKTOR


8
I. Layunin: MELC/ Kasanayan

Nabibigyang- halaga ang mga gampanin ng impormal na sektor at mga patakarang


pang- ekonomiyang nakatutulong dito. (AP9MSP-IVH-16)

II.Inaasahan : Matapos ang araling ito inaasahan na

1. Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian ng Impormal na Sektor Commented [m1]: Naipapaliwanag ang kahulugan at katangian
2. Nakapagbibigay ng mga epekto ng Impormal na Sektor. ng Impormal na Sektor.

3. Nasusuri ang mga bats, programa at patakarang pang ekonomiya na may kaugnayan Commented [m2]: Nasusuri ang mga batas,programa at
sa Impormal na Sektor sa pagpapaunlad ng ekonomiya. patakarang pang-ekonomiya na may kaugnayan sa Impormal na
Sektor.

ANO NGA BA ANG ATING INAASAHAN


SA ARALING ITO???

Ang pangunahing pokus ng araling ito ay ang impormal na sektor ng ekonomiya. Commented [Ma3]: Sa bawat bahagi ng modyul sa pagbbigay
ng instructions iparamdammo s mag –aaral na ikaw ang kausap
Upang higit mong maunawaan ang mga konseptong nakapaloob sa paksang ito, ikaw niya.laging pleasant at friendly ang pagbibigay ng nais mong gawin
ay haharap sa mga impormatibong tekstong siyang magbibigay sa iyo ng mga nila allthroughout the module itself
impormasyon at mga mapanghamong gawain na pupukaw sa iyong interes at
magdudulot ng kaalaaman. Sa pagtatapos ng araling ito, inaasahang ikaw ay
makapagsusuri ng mga dahilan at epekto ng pagkakaroon ng impormal na sektor sa
ekonomiya at mapahahalagahan ang mga patakarang pang-ekonomiya na may
kaugnayan sa impormal na sektor.

Pero, bago yan…halina’t sagutin ang


Paunang Pagsusulit

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Panuto: Kumpletuhin ang mga letra upang mabuo ang mga salitang tinutukoy sa mga
sumusunod na pahayag.

1. _m_or_l na Sektor binubuo ng mga manggagawa o negosyo na hindi rehistrado


sa pamahalaan.
2. _O_E Institusyon ng pamahalaan na nangangasiawa sa mga mangagawang
Pilipino.
3. P_IL_E_L_H Intitusyon ng pamahalaan na nangangalaga sa pangkalusugan ng
mga mangagawang Pilipino.
4. _D_ Kabuuang kita sa loob ng isang bansa.
5. _ne_gr_u_d E_o_o_y ay tinatawag din na impormal na sektor.

Binabati kita! Mukhang handa ka na sa panibagong aralin.


Ngayon, ano nga ulit ang ating nakalipas na aralin???

Panuto: Tukuyin ang mga katawagan sa mga sumusunod na konsepto.

1. Sektor na nagbibigay-paglilingkod sa transportasyon, komunikasyon, media, Commented [m4]: IREVISED YUNG IBANG TANONG NA
pangangalakal, pananalapi, paglilingkod mula sa pamahalaan, at turismo. NAGSISISMULA SA SALITANG SEKTOR
2. Ang pangunahing layunin ng sektor na ito ay maiproseso ang mga hilaw na
materyal o sangkap na materyal upang makabuo ng mga produktong ginagamit
ng tao.
3. Nagtataguyod ang sektor na ito sa malaking bahagdan ng ekonomiya dahil ang
lahat ng sektor ay umaasa sa ditto upang matugunan ang pangangailangan sa
pagkain at mga hilaw na sangkap na kailangan sa produksiyon.
4. Paraan kung saan ang mga mangingisda ay gumagamit ng malalaking lambat na
may pabigat. Ito ay hinihila upang mahuli ang lahat ng isdang madaanan, maliit
man o malaki.
5. Tinutukoy nito ang pagbabagong teknolohikal na sinasabayan ng mga
pagbabagong pangkultura, panlipunan, at pansikolohiya.

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

II. Kilalanin ang mga sumusunod na larawan at isulat sa patlang ang uri ng
kanilang hanapbuhay.
1. ______________ 2. _______________ 3. _______________

4._______________ 5. _______________

ANG IMPORMAL NA SEKTOR: ISANG PAGPAPALIWANAG

Ayon kay W. Arthur Lewis sa kanyang economic development model. Inilarawan


niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang
(developing countries). Partikular sa mga ito ang uri ng trabahong hindi bahagi ng
makabagong sektor ng industriya.

Ang kita ng impormal na sektor ay hindi naisasama sa kabuuang Gross Domestic


Product (GDP) ng bansa subalit tinataya na ang halaga ng produkto at serbisyo mula
rito ay nasa 30%. Ayon naman sa IBON Foundation, isang non-government organization
(NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, politikal, at ekonomiko ng
bansa, ang impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa
tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa
tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan. Maliban pa dito, inilalarawan din
nito ang pag-iral ng kawalan ng hanapbuhay at ang kahirapan ang siyang nagtutulak
sa tao na pumasok sa ganitong uri ng sitwasyon.

Maliban pa rito, ayon sa artikulo ni Cielito Habito sa Philippine Daily Inquirer


(PDI) noong Enero 21, 2013, kaniyang sinabi na ang tinatayang kabuuang bahagdan
ng impormal na sektor sa GDP ay 40%. Tinawag niya rin ang impormal na sektor bilang
underground economy o hidden economy.

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Kabilang din sa sektor na ito ang mga gawaing ipinagbabawal ng batas tulad ng
prostitusyon, ilegal na pasugalan, pamimirata (piracy) ng mga optical media gaya ng
compact disc (CD) at digital video disc (DVD).
Kaugnay nito, ang sumusunod ay mga karaniwang katangian ng impormal na
sektor:
Hindi nakarehistro sa pamahalaan;
Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita;
Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng
pamahalaan para sa pagnenegosyo.

DAHILAN AT EPEKTO NG IMPORMAL NA SEKTOR SA EKONOMIYA

Sa pangkalahatan, sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang hindi


pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya. Maliban pa rito, ang kakulangan ng
sapat na hanapbuhay o kung hindi naman ay ang tamang pagpapatupad ng batas
tungkol sa paggawa ay ilan sa dahilan sa pag-iral ng impormal na sektor.

Ilan sa pinaniniwalaang kadahilanan kung bakit pumapasok ang mga


mamamayaan sa impormal na sector ayon sa aklat na Ekonomiks: Mga Konsepto at
Aplikasyon” (2012) nina Balitao at etal…
• Makaligtas sa pagbabayad ng buwis sa pamahalaan;
• Makaiwas sa masyadong mahaba at masalimuot na proseso ng
pakikipagtransaksiyon sa pamahalaan o ang tinatawag na bureaucratic red tape.
Sa aspektong ito ay pumapasok ang labis na regulasyon ng pamahalaan;
• Kawalan ng regulasyon mula sa pamahalaan na kung saan ang mga batas at
programa ay hindi naipapatupad nang maayos;
• Makapaghanapbuhay nang hindi nangangailangan ng malaking kapital o
puhunan; at
• Mapangibabawan ang matinding kahirapan.

Gayumpaman, masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay


nagpapakita ng pagkakaroon ng ugaling mapamaraan ng mga Pilipino upang
mapaglabanan ang hamon ng kahirapan.

Sa kabilang dako, ang pag-iral ng impormal na sektor ay nagdudulot ng


sumusunod na epekto sa ekonomiya:

1. Pagbaba ng halaga ng nalilikom na buwis – Dahil ang mga kabilang sa


impormal na sektor ay hindi nakarehistro, hindi rin sila nagbabayad ng buwis
mula sa kanilang kinikita o operasyon.

2. Banta sa kapakanan ng mga mamimili - maaaring ang mga produkto o serbisyo


ay hindi pasado sa quality control o standards ayon sa itinakda ng Consumer
Act of the Philippines, kung kaya’t ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay
maaaring mapahamak, maabuso, o mapagsamantalahan

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

3. Paglaganap ng mga ilegal na gawain – Halimbawa ng mga gawaing labag sa


batas ay ang prostitusyon, pagbebenta ng ipinagbabawal na gamot, at ang
pagkakaroon ng mga ilegal na pasugalan. Isa sa pinakamaiinit na isyu ngayon
ay ang pamimirata partikular na ang software piracy. Ayon sa Microsoft
Corporation, ang software piracy ay tumutukoy sa ilegal o walang permisong
pangongopya ng mga computer software na kung saan nilalabag ng isang tao ang
karapatang pagmamay-ari ng lumikha o orihinal na nagmamayari nito
(Intellectual Property Rights---IPR).

Mga Batas, Programa, at Patakarang Pang-Ekonomiya Kaugnay sa Impormal na


Sektor

1. REPUBLIC ACT 8425 Ang batas na ito ay kilala din bilang Social Reform
and Poverty Alleviation Act of 1997. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala
sa impormal na sektor bilang isa sa mga disadvantaged sector ng lipunang
Pilipino na nangangailangan ng tulong sa pamahalaan sa aspektong panlipunan,
pang-ekonomiko, pamamahala, at maging ekolohikal. Isinulong ng batas na ito
ang tinatawag na Social Reform Agenda (SRA) na naglalayong iahon sa
kahirapan ang mga Pilipinong kabilang sa impormal na sektor.

Ayon sa Seksyon 3 ng R.A. 8425 ang mga bumubuo sa basic at disadvantaged


sectors ng lipunang Pilipino ay ang sumusunod; magsasaka, mangingisda,
manggagawa sa pormal na sektor, migrant workers (OFW), kababaihan, senior
citizens, kabataan at mga mag-aaral (15-30 taong gulang), mga bata (minors - 18
taong gulang pababa), urban poor (mga taong naninirahan sa mga lungsod na ang
kita ay lubhang mababa), mga manggagawa sa impormal na sektor, mga
katutubo, mga may kapansanan (differently-abled persons), non-governmental
organizations (NGO’s), at mga kooperatiba

• National Anti-Poverty Commission (NAPC) bilang ahensiyang tagapag-ugnay


at tagapayo tungkol sa mga usaping may kinalaman sa mga bumubuo sa
impormal na sektor. Isa sa mga kasapi ng NAPC ay mula sa sektor ng mga
kababaihan bilang pagkilala sa kanilang ambag sa ekonomiya ng bansa.

2. REPUBLIC ACT 9710 Ang National Commission on the Role of Filipino


Women (NCRFW) ay naging Philippine Commission on Women (PCW). Ito ay
isinabatas bilang pandaigdigang pakikiisa ng ating bansa para sa layunin ng
United Nations (UN) para sa Convention on the Elimination of all Forms of
Discrimination Against Women’s (CEDAW). Kumikilala ito sa ambag at
kakayahan ng kababaihan para itaguyod ang pambansang kaunlaran.

Sa ilalim ng batas na ito ay inaalis ang lahat o anumang uri ng diskriminasyon


laban sa kababaihan, kinikilala at pinangangalagaan ang kanilang karapatang
sibil, politikal, at pang-ekonomiko gaya na lamang ng karapatan para
makapaghanapbuhay at maging bahagi ng lakas-paggawa, katiyakan para sa
kasapatan ng pagkain at mga pinagkukunang-yaman, abot-kayang pabahay,

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

pagpapanatili ng kaugalian at pagkakakilanlang kultural (cultural identity) at iba


pang panlipunang aspekto.

3. PRESIDENTIAL DECREE 442 Ito ay mas kilala bilang Philippine Labor Code
na naisabatas noong Mayo 1, 1974. Itinuturing ito bilang pangunahing batas ng
bansa para sa mga manggagawa. Ito ay naglalaman ng mga probisyon para sa
“espesyal na manggagawa”---kabilang ang mga industrial homeworker,
kasambahay, batang manggagawa, at kababaihan---na kabilang sa impormal na
sektor.

4. REPUBLIC ACT 7796 Ito ay ang Technical Education and Skills


Development Act of 1994 na nilagdaan bilang batas noong Agosto 25, 1994.
Layunin ng batas na ito na hikayatin ang kabuuang partisipasyon at pakikiisa
ng iba’t ibang sektor ng lipunan gaya ng industriya, paggawa, lokal na
pamahalaan, teknikal, at bokasyonal na mga institusyon upang mapaghusay ang
mga kasanayan para sa pagpapataas o pagpapaibayo ng kalidad ng yamang tao
ng ating bansa.
• Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) bilang
ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong
teknikal.

5. REPUBLIC ACT 8282 Social Security Act of 1997. Itinatadhana ng batas


na ito na tungkulin ng estado na paunlarin, pangalagaan, at itaguyod ang
kagalingang panlipunan at seguridad ng mga manggagawa.
• SOCIAL SECURITY SYSTEM (SSS) Sa pamamagitan ng mga personal na
kontribusyon ng mga manggagawa ito ay magsisilbi nilang pondo at maaaring
magamit sa oras ng kanilang pangangailangan.

6. REPUBLIC ACT 7875 Ito ay naging batas noong Pebrero 7, 1995 at kinilala
bilang National Heath Insurance Act of 1995.
• Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth) na naglalayong
mapagkalooban ang lahat ng mga mamamayang Pilipino ng isang maayos at
sistematikong kaseguruhang pangkalusugan. Nakapaloob sa programang ito na
ang pamahalaan ay magkakaloob ng subsidy sa mga mamamayan na walang
sapat na kakayahang pinansiyal sa oras na sila ay magkaroon ng
pangangailangang medikal at pangkalusugan gaya na lamang ng operasyon at
hospitalization program.

Ang sumusunod ay ilan sa mga programa at proyekto ng pamahalaan para sa


mga mamamayan na bumubuo sa impormal na sektor:

• DOLE INTEGRATED LIVELIHOOD PROGRAM (DILP)

Ang programang ito ay ipinatutupad ng Department of Labor and Employment


(DOLE) na nauukol sa pangkabuhayang pangkaunlaran sa pamamagitan ng mga
pagsasanay ng mga mamamayan partikular na para sa mga self-employed at mga
walang sapat na hanapbuhay.

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

• SELF-EMPLOYMENT ASSISTANCE KAUNLARAN PROGRAM (SEA-K) Isa sa


mga pangkabuhayang programa ng Department of Social Welfare and
Development (DSWD) na nagbibigay ng mga gawain at pagsasanay upang
mapaunlad ng mga mahihirap na pamilya ang kanilang mga kasanayan at
makapagsimula ng sariling negosyong pangkabuhayan at pagtatayo ng mga
samahang panlipunan na maaaring magpautang sa mga kasapi gaya ng Self-
Employment Kaunlaran Associations (SKA’s).

• INTEGRATED SERVICES FOR LIVELIHOOD ADVANCEMENT OF THE


FISHERFOLKS (ISLA) Ang proyektong ito ay para sa mga munisipalidad o
bayan na ang pangunahing ikinabubuhay ay pangingisda. Tinutulungan ng
pamahalaan ang mga mangingisda sa pamamagitan ng pagkakaloob ng mga
pagsasanay upang mas mapaghusay pa nila ang kanilang hanapbuhay. Maliban
pa rito, nagtatayo ng mga training center para sa mga mangingisda at kanilang
pamilya upang sanayin sa iba pang alternatibong mga gawaing pangkabuhayan
na maaari nilang pagkunan ng karagdagang kita.

• CASH-FOR-WORK PROGRAM (CWP) Ito ay programa ng Department of


Social Welfare and Development (DSWD), na kung saan sa ilalim nito, ang mga
biktima ng kalamidad o mga evacuee ay bibigyan ng kabayaran kapalit ng
serbisyong kanilang isasagawa o pagtulong sa panahon ng rehabilitasyon at
rekonstruksiyon ng mga nasalantang lugar. Ang programang ito ay ipinatutupad
ng pamahalaan bilang pansamantala o alternatibong mapagkukunan ng
kabuhayan o kita ng mga taong nawalan ng hanapbuhay dulot ng mga nabanggit
na sitwasyon.

Tunay ngang maganda ang mga batas, programa, at proyekto ng pamahalaan


para sa impormal na sektor. Kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga
mamamayan upang makamit natin ang minimithing pambansang kaunlaran. Hindi rin
natin masisi ang mga tao kung sila ay maging bahagi ng impormal na sektor
“Gugustuhin pa ng mga tao ang lumabag sa batas kaysa magutom o mamamatay”
. Bernardo Villegas, (isang kilalang ekonomistang Pilipino.)

Ating PAGYAMANIN ang iyong natutunan!!

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Gawain 1: TRI-LINEAR MODEL


Isulat ang iyong mga natutunan sa pamamagitan ng diagram sa ibaba.

Konsepto

Mga Halimbawa ng Hanapbuhay

Iba pang Katawagan

Gawain 2: DAHILAN O EPEKTO

Isulat ang kung DAHILAN at kung EPEKTO ng Impormal na Sektor ang mga
sumusnod na pahayag.

1. Hindi pantay na pag-unlad ng mga sektor ng ekonomiya.


2. Kakulangan ng sapat na hanapbuhay.
3. Malaking pagbawas sa kabuuang koleksiyon o maaaring kitain ng pamahalaan
sa pangongolekta ng buwis.
4. Maaaring ang mga mamimiling tumatangkilik dito ay mapahamak, maabuso, o
mapagsamantalahan.
5. Ang migrasyon ng mga tao mula sa kanayunan patungo sa Metro Manila at iba
pang malalaking lungsod.

Gawain 3: TAKTAK-UTAK

Ipaliwanag:
1. Paano tinutulungan ng pamahalaan ang mga mamamayan na nasa Impormal na
Sektor? Magbigay ng isang halimbawa na iyong nakikita sa inyong komunidad.

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

2. Sa panahon ng pandemya, paano nakatulong ang impormal na sektor sa mga


pangangailangan ng mga mamamayan?

TANDAAN

Ang pag-iral ng IMPORMAL NA SEKTOR sa iba’t ibang bansa ay kakikitaan


lamang ng pagkakaiba-iba nito ayon sa lawak, dami, at pangkalahatang sistema ng
operasyon. Gayumpaman, hindi maikakaila ang kontribusyon nito sa pag-unlad ng
ekonomiya ng bansa, partikular na sa pagbibigay ng empleyo o hanapbuhay sa mga
mamamayan. Kinakailangan ang pagtutulungan ng pamahalaan at mga mamamayan
upang makamit natin ang minimithing pambansang kaunlaran. Kung kaya’t, upang
maiwasan ito, marapat lamang na ang mga mamamayan at pamahalaan ay magkaisa
para sa implementasyon ng mga magagandang batas, programa, at patakarang pang-
ekonomiya para sa kabutihan ng lahat.

PANUTO: Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Isulat ang titik ng
tamang sagot sa patlang.
______1. Kabilang sa sektor na ito ang mga pedicab driver, vendors at iba pang negosyo
na hindi rehistrado sa pamahalaan.
a. Agricultural b. industriya c. paglilingkod d. impormal
______2. Tinawag rin ang impormal na sektor bilang _____
a. Underground economy c. non-market economy
b. b. upper class economy d. trade off economy
______3. Sinasalamin ng pag-iral ng impormal na sektor ang ________________ng mga
sektor ng ekonomiya.
a. Kawalan ng pag-unlad c. kawalan ng edukasyon
b. hindi pantay na pag-unlad d. hindi sapat na edukasyon
______4. Masasabi rin nating ang paglaganap ng impormal na sektor ay nagpapakita ng
pagkakaroon ng ugaling _________ng mga Pilipino.
a. Mapamaraan b. madasalin c. magalang d. madaingin

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

______5. Tumutukoy sa ilegal o walang permisong pangongopya ng mga computer


software na kung saan nilalabag ng isang tao ang karapatang pagmamay-ari ng lumikha
o orihinal na nagmamayari nito.
a. Local piracy b. software piracy c. hardware piracy d. dvd piracy
______6. Itinatadhana ng batas na ito ang pagkilala sa impormal na sektor bilang isa sa
mga disadvantaged sector ng lipunang Pilipino
a. Republic Act 7796 c. Republic Act 8425
b. Republic Act 9710 d. Republic Act 1972
______7. Ito ay ang pinagmumulan o nagsisilbing badyet o pondo ng pamahalaan upang
maisagawa ang mga program at proyektong panlipunan.
a. Buwis b. kita c. sahod d. dibidendo
______8. Ang itinuturing bilang pangunahing batas ng bansa para sa mga manggagawa.
a. Phlippine Labor Code c. Magna Carta for Small Enterprise
b. Bills of Right d. Code of Conduct
______9. Ang tawag sa programa ng pamahalaan na may kinalaman sa kalusugan, o
serbisyong medikal para sa mga manggagawa.
a. Security Program c. Philhealth Program
b. Business Program d. Benefits Program
_____10. Ang ahensiya ng pamahalaang itinatag upang makapagbigay ng edukasyong
teknikal at kasanayan sa mga Pilipino.
a. TESDA b. DOLE c. SSS d. DSWD

Panuto: NAKAKABUTI BA O NAKASASAMA SA EKONOMIYA ANG PAG-IRAL NG


IMPORMAL NA SEKTOR. lagyang ng iyong sariling pananaw ang mga bilog upang
mabuo ang mathematical sentence.

NAKABUBUTI NAKASASAMA KONKLUSYON

Commented [m5]: AYUSIN YUNG BILOG NG NAKAKABUTI AT


NAKASASAMA

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

Panuto : SOCIO-POLITICAL CARICATURE

Gumawa ng isang socio-political caricature na kung saan maglalaman ng


larawang guhit bilang representasyon o sumasalamin ng impormal na sektor. Ito ay
dapat naglalaman ng kalagayan ng mga impromal na sektor sa panahon ng pandemya
ng epekto, at mga batas o patakarang pang-ekonomiya ukol dito.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang pangunahing konsepto ng impormal na sektor ang inyong ipinakita
sa caricature?

2. Isa-isahin at ipaliwanag ang mga simbolismong inyong ginamit para ilahad ang
mensahe ng caricature.

3. Sa iyong palagay, maliwanag bang naipapakita ng inyong larawan ang konsepto ng


impormal na sektor? Pangatwiranan ang inyong sagot.

RUBRIK PARA SA SOCIO-POLITICAL CARICATURE


PAMANTAYAN INDIKADOR PUNTOS NATAMONG
PUNTOS
Kaangkupan sa Akma ang
Tema kabuuang
caricature sa
hinihinging 10
mensahe at tema
para sa impormal
na sektor.
Kaisipan Mahusay na
nailahad ang
pananaw/kaisipan 10
gamit ang mga
elemento o
simbolismo
Presentasyon Masining na
ipinakita ang ideya 10
batay sa kabuuang
larawan.
KABUUANG
PUNTOS 30

MAHUSAY, BINABATI KITA!

AP9- QRT4- Week 8


ARALING PANLIPUNAN 9- IKAAPAT NA MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL- Qrt.4- Week 8

PANGALAN: _________________________________________________________

PANGKAT: ____________________________ Guro: _______________________

PANIMULANG PAGSUSULIT
1. 2. 3. 4. 5.

BALIK-TANAW
A. 1. 2. 3. 4. 5.

B. 1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 1:
• Nakabatay sa guro.

Gawain 2:
1. 2. 3. 4. 5.

Gawain 3:
• Nakabatay sa guro

Panghuling Pagsusulit
1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.

Pagninilay

Gawain 1:
• Nakabatay sa guro

Gawain 2:
• Nakabatay sa guro

AP9- QRT4- Week 8

You might also like