You are on page 1of 17

10

0
Araling Panlipunan
Ikaapat na Markahan
Modyul 3: Karapatang Pantao
Modyul Karapatang Pantao
3
Ikaapat na Linggo
Pamantayang Pangnilalaman:
Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng
pagkamamamayan at pakikilahok sa mga gawain pansibiko tungo sa
pagkakaroon ng pamayanan at bansang maunlad, mapayapa at may
pagkakaisa.
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mga mag-aaral ay nakagagawa ng pananaliksik tungkol sa kalagayan
ng pakikilahok sa mga gawaing pansibiko at politikal ng mga mamamayan
sa kanilang pamayanan.
Pamantayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang kahalagahan ng pagsusulong at pangangalaga sa
karapatang pantao sa pagtugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Paksa: Karapatang Pantao
Subukin
Magandang buhay mga butihin kong estudyante. Bago natin simulan
ang pagtatalakay sa paksang nakapaloob sa modyul na ito mas nakabubuti
na sagutin muna ang mga pagsubok para mabigyan ng panimulang ideya
ukol sa kung ano ang paksang nakapaloob sa kwarter na ito.
Paalala: Huwag munang buksan at basahin ang talakayan habang
sumasagot ka sa bahaging ito. Maging tapat sa iyong sarili.
Panuto: Piliin ang sagot mula sa pagpipilian at isulat ang titik ng tamang
sagot sa inyong sagutang papel.
1. Ito ay ang karapatang likas at wagas para sa lahat.
A. Civil Rights C. Statutory Rights
B. Natural Rights D. Constitutional Rights
2. Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang
proteksyon ng konstitusyon ng bansa.
A. Civil Rights C. Statutory Rights
B. Natural Rights D. Constitutional Rights
3. Ito ay ang mga batas na pinagtibay ng Kongreso o Tagapagbatas.
A. Civil Rights C. Statutory Rights
2
B. Natural Rights D. Constitutional Rights
4. Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at tahimik
na pamumuhay.
A. Civil Rights C. Statutory Rights
B. Natural Rights D. Constitutional Rights
5. Kinatawan nito ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at
pagdesisyon sa pamumuno at proseso ng pamahalaan.
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
6. Nagpapatungkol ito sa mga karapatan sa pagpili, pagpupursige at
pagsulong ng kabuhayan.
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
7. Pinangangalagaan nito ang mga taong akusado o nasasakdal. A.
Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
8. Nakapaloob dito ang karapatan na makibahagi at lumahok sa
pagsasabuhay, pagpapatuloy at pagpapalawak ng sariling tradisyon,
gawi at pag-uugali.
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
9. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas kung saan
nakapaloob na hindi dapat magbalangkas ng batas sa pagtatatag ng
relihiyon o pagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. A. Seksyon 2 B.
Seksyon 3 C. Seksyon 4 D. Seksyon 5
10. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas kung
saan nakapaloob na hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa
kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan. A.
Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Seksyon 4 D. Seksyon 5
11. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 kung saan
nakapaloob na hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa
kanyang sarili.
A. Seksyon 15 B. Seksyon 16 C. Seksyon 17 D. Seksyon 18

3
12. Pinipilit ng isang pulis na umamin si Fredo sa pagkakasalang hindi
niya ginawa. Ito ay paglabag sa:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Politikal B. Karapatang
Pangkultura D. Karapatan ng Nasasakdal
13. Sumali sa unyon ang tatay kaya siya tinanggal sa trabaho. Nilabag
nito ang:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan
14. Nang matanggap ni Luna ang kanyang sulat, ito ay bukas na. Ito ay
paglabag ng:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan
15. May nakitang isang patay na sanggol sa tulay. Ito ay paglabag sa
karapatan ng bawat bata na:
A. Mapaunlad ang kakayahan
B. Makapagpahayag ng sariling pananaw
C. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
D. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad

Aralin 1: Karapatang Pantao

Alamin
Isang malugod na pagbati mga butihing estudyante, isa na namang
makabuluhang paglalakbay ang tatahakin natin at tuklasin ang mga bagong
kaalaman na tiyak ay marami kayong matutunan. Halina at simulan ang
paglalakbay sa ikaapat na markahan. Sa bahaging ito, matutunghayan mo
ang mga karapatang pantao.
Upang magkaroon ng mas komprehensibong pagkatuto kayo ay
inaasahan na maisagawa ang mga sumusunod:
1. nasusuri ang mga karapatang pantao;
2. naipapaliwanag ang kahulugan ng karapatang pantao; at 3.
napahahalagahan ang aktibong pakikilahok ng mamamayan batay sa
kanilang taglay na mga karapatang pantao.

Panimulang Gawain

Pagnilayan: Kilalanin ang iyong mga karapatan ayon sa iyong napag


alaman. Gawin ang diagram.

Aking mga Karapatan

Tinatamasa 1.
2. 1. Anong ibig sabihin ng
karapatan?
3. Hindi Tinatamasa 1.
2.
3.
Pamprosesong Tanong

2. Ano ang mga hadlang upang hindi natin ito matatamasa? 3.


Paano nga ba natin mapangangalagan ang ating mga karapatan?

Tuklasin at Suriin
Sa mga naunang aralin, natatalakay ninyo ang kahalagahan ng
aktibong pagkamamamayan. Sa araling ito naman ay mas lalo pa nating
maunawaan ang mga karapatang pantao. Simula sa pagkapanganak ay
tinatamasa na natin ang tiyak, di-mahihiwalay, buo at di-maitatangging
mga karapatan ng tao na mananatili sa kanya hanggang sa kanyang libing.

5
Bigyang pansin ninyo ang mag sumusunod na pahayag na
nagpapatibay sa mga karapatan na dapat taglayin at tinatamasa ng isang
malayang Pilipino.
Uri ng Karapatan
1. Karapatang Likas o Natural – Ang karapatang ito ay likas at wagas
para sa lahat. Halimbawa nito ay ang magkaroon ng pagkakakilanlan.
2. Karapatan ayon sa Batas
a. Constitutional Rights – Ang mga karapatang kaloob at
pinangangalalagaan o binibigyang-proteksyon ng konstitusyon ng
bansa. Maaring baguhin, dagdagan, o alisin ang mga ito sa
pamamagitan ng mga susog sa konstitusyon.
b. Statutory Rights – Ang mga karapatang kaloob ng mga batas na
pinagtibay ng kongreso o tagapagbatas. Halimbawa nito ay ang
magmana ng mga pag-aari.
Kategorya ng Karapatang ayon sa Batas
1. Karapatang Sibil o Panlipunan (Civil Liberties/Rights)
- Nakapaloob dito ang karapatang magkaroon ng matiwasay at
tahimik na pamumuhay, kalayaan sa pagsasalita, pag-iisip, pag
oorganisa, pamamahayag, malayang pagtitipon, pagpili ng tirahan
na lugar, at karapatan laban sa diskriminasyon.
2. Karapatang Pampulitika
- Ang karapatan na makilahok sa pagtatakda at pagdedesisyon sa
pamumuno at proseso ng pamamahala na gaya ng pagboto,
pagkandidato sa eleksiyon, pagwewelga bilang bahagi ng
pagrereklamo sa goberno, at pagiging kasapi ng anumang
partidong politikal.
3. Karapatang Pang-ekonomiya o Pangkabuhayan
- Mga karapatan sa pagpili, pagpupursige at pagsulong ng
kabuhayan. Naglalaman ito ng karapatan na magkaroon ng ari
arian at gamitin ito sa anumang nais basta’t ito ay naayon sa
batas.
4. Karapatang Pangkultural

6
- Mga karapatan na makibahagi at lumahok sa pagsasabuhay,
pagpapatuloy, at pagpapalawak ng sariling tradisyon, gawi, at pag
uugali.
5. Mga Karapatan ng Akusado/Nasasakdal (Rights of Accused) -
Halimbawa ng karapatang ito ay ang karapatan sa pagpapalagay na
siya ay walang sala hangga’t hindi napatutunayan ang kasalanan at
may karapatan laban sa di-makataong parusa.
Ang Katipunan ng mga Karapatan ay nakasaad sa Artikulo III ng ating
saligang batas. Ito ay pinagtibay at sinuportahan ng Pandaigdigang
Deklarasyon ng Karapatang Pantao o UDHR (Universal Declaration of Human
Rights).
ARTIKULO III
KATIPUNAN NG MGA KARAPATAN
SEKSYON 1. Hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan, o ari-arian ang sino
mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas, ni pagkaitan ang sino mang
tao ng pantay na pangangalaga ng batas.
SEK. 2. Ang karapatan ng mga taong-bayan na magkaroon ng kapanatagan
sa kanilang sarili, pamamahay, papeles at mga bagay-bagay laban sa hindi
makatwirang paghahalughog at pagsamsam sa ano mang layunin ay hindi
dapat labagin, at hindi dapat maglagda ng warant sa paghalughog o warant
sa pagdakip maliban kung may malinaw na dahilan na personal na
pagpapasyahan ng hukom matapos masiyasat ang mayhabla at ang mga
testigong maihaharap niya sa ilalim ng panunumpa o patotoo, at tiyakang
tinutukoy ang lugar na hahalughugin, at ang mga taong darakpin o mga
bagay na sasamsamin.
SEK. 3. (1) Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at
korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang
naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.
(2) Hindi dapat tanggapin para sa ano mang layunin sa alin mang hakbangin
sa paglilitis ang ano mang ebidensya na nakuha nang labag dito o sa
sinusundang seksyon.
SEK. 4. Hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa kalayaan sa
pananalita, pagpapahayag, o ng pamahayagan, o sa karapatan ng mga
taong-bayan na mapayapang magkatipon at magpetisyon sa pamahalaan
upang ilahad ang kanilang mga karaingan
SEK. 5. Hindi dapat magbalangkas ng batas para sa pagtatatag ng relihiyon,
o nagbabawal sa malayang pagsasagamit nito. Dapat ipahintulot
7
magpakailanman ang malayang pagsasagamit at pagtatamasa ng
paghahayag ng relihiyon at pag-samba nang walang pagtatangi o pamimili.
Hindi dapat kailanganin ang pagsusulit panrelihiyon sa pagsasagamit ng
mga karapatang sibil o pampulitika.
SEK. 6. Hindi dapat bawalan ang kalayaan sa paninirahan at ang
pagbabago ng tirahan sa saklaw ng mga katakdaang itinatadhana ng batas
maliban sa legal na utos ng hukuman. Ni hindi dapat bawahan ang
karapatan sa paglalakbay maliban kung para sa kapakanan ng
kapanatagan ng bansa, kaligtasang pambayan, o kalusugang pambayan
ayon sa maaaring itadhana ng batas.
SEK. 7. Dapat kilalanin ang karapatan ng mga taong-bayan na mapag
pabatiran hinggil sa mga bagay-bagay na may kinalaman sa lahat. Ang
kaalaman sa mga opisyal na rekord, at sa mga dokumento at papeles tungkol
sa mga opisyal na gawain, transaksyon, o pasya, gayon din sa mga datos sa
pananaliksik ng pamahalaan na pinagbabatayan ng patakaran sa
pagpapaunlad ay dapat ibigay sa mamamayan sa ilalim ng mga katakdaang
maaaring itadhana ng batas.
SEK. 8. Hindi dapat hadlangan ang karapatan ng mga taong-bayan kabilang
ang mga naglilingkod sa publiko at pribadong sektor na magtatag ng mga
asosasyon, mga unyon, o mga kapisanan sa mga layuning hindi labag sa
batas.
SEK. 9. Ang pribadong ari-arian ay hindi dapat kunin ukol sa gamit
pambayan nang walang wastong kabayaran.
SEK. 10. Hindi dapat magpatibay ng batas na sisira sa pananagutan ng mga
kontrata.
SEK. 11. Hindi dapat ipagkait sa sino mang tao ang malayang pagdulog sa
mga hukuman at sa mga kalupunang mala-panghukuman at sa sapat na
tulong pambatas nang dahil sa karalitaan.
SEK. 12. (1) Ang sino mang tao na sinisiyasat dahil sa paglabag ay dapat
magkaroon ng karapatang mapatalastasan ng kanyang karapatang
magsawalang-kibo at magkaroon ng abogadong may sapat na kakayahan at
malaya na lalong kanais-nais kung siya ang maypili. Kung hindi niya
makakayanan ang paglilingkod ng abogado, kinakailangang pagkalooban
siya ng isa. Hindi maiuurong ang mga karapatang ito maliban kung
nakasulat at sa harap ng abogado.
(2) Hindi siya dapat gamitan ng labis na pagpapahirap, pwersa, dahas,
pananakot, pagbabanta, o ano pa mang paraan na pipinsala sa kanyang
malayang pagpapasya. Ipinagbabawal ang mga lihim na kulungan, solitaryo,
ingkomunikado o iba pang katulad na mga anyo ng detensyon.

8
(3) Hindi dapat tanggaping ebidensya laban sa kanya ang ano mang
pagtatapat o pag-amin na nakuha nang labag sa seksyong ito o Seksyon 17
nito.
(4) Dapat magtadhana ang batas ng mga kaparusahang penal at sibil sa mga
paglabag sa seksyong ito at gayon din ng bayad-pinsala at rehabilitasyon sa
mga biktima ng labis na mga pagpapahirap o katulad ng mga nakagawian, at
sa kanilang mga pamilya.
SEK. 13. Ang lahat ng mga tao, maliban sa mga nahahabla sa mga paglabag
na pinarusahan ng reclusion perpetua kapag matibay ang ebidensya ng
pagkakasala, bago mahatulan, ay dapat mapyansahan ng sapat na pyador,
o maaaring palayain sa bisa ng panagot ayon sa maaaring itadhana ng
batas. Hindi dapat bawahan ang karapatan sa pyansa kahit na suspindido
ang pribilehyo ng writ of habeas corpus. Hindi dapat kailanganin ang malabis
na pyansa.
SEK. 14 (1) Hindi dapat papanagutin sa pagkakasalang kriminal ang sino
mang tao nang hindi sa kaparaanan ng batas.
(2) Sa lahat ng mga pag-uusig kriminal, ang nasasakdal ay dapat ituring na
walang sala hangga’t hindi napapatunayan ang naiiba, at dapat magtamasa
ng karapatang magmatwid sa pamamagitan ng sarili at ng abogado,
mapatalastasan ng uri at dahilan ng sakdal laban sa kanya, magkaroon ng
mabilis, walang kinikilingan, at hayagang paglilitis, makaharap ang mga
testigo at magkaroon ng sapilitang kaparaanan upang matiyak ang pagharap
ng mga testigo at paglitaw ng ebidensya para sa kanyang kapakanan. Gayon
man, matapos mabasa ang sakdal, maaaring ituloy ang paglilitis kahit wala
ang nasasakdal sa pasubaling marapat na napatalastasan siya at di
makatwiran ang kanyang kabiguang humarap.
SEK. 15. Hindi dapat suspindihin ang pribilehyo ng writ of habeas corpus,
maliban kung may pananalakay o paghihimagsik, kapag kinakailangan ng
kaligtasang pambayan.
SEK. 16. Dapat magkaroon ang lahat ng mga tao ng karapatan sa madaliang
paglutas ng kanilang mga usapin sa lahat ng mga kalupunang
panghukuman, mala-panghukuman, o pampangasiwaan.
SEK. 17. Hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa kanyang
sarili.
SEK. 18. (1) Hindi dapat detenihin ang sino mang tao dahil lamang sa
kanyang mga paniniwala at hangaring pampulitika.
(2) Hindi dapat pairalin ang ano mang anyo ng sapilitang paglilingkod,
maliban kung kaparusahang pataw ng hatol ng pagkakasala.

9
SEK. 19. (1) Hindi dapat ipataw ang malabis na multa, ni ilapat ang malupit,
imbi o di-makataong parusa, o ang parusang kamatayan, matangi kung
magtadhana ang Kongreso ng parusang kamatayan sa mga kadahilanang
bunsod ng mga buktot na krimen. Dapat ibaba sa reclusion perpetua ang
naipataw nang parusang kamatayan.
(2) Dapat lapatan ng kaukulang batas ang pagpapahirap na pisikal,
sikolohikal, o imbing pagpaparusa sa sino mang bilanggo o detenido o ang
paggamit ng mga kaluwagang penal na di-makatao.
SEK. 20. Hindi dapat ibilanggo ang isang tao nang dahil sa pagkakautang o
hindi pagbabayad ng sedula.
SEK. 21. Hindi dapat na ang isang tao ay makalawang masapanganib ng
kaparusahan sa iisang paglabag. Kung pinarurusahan ng batas at ng
ordinansa ang isang kagagawan, ang pagkaparusa o pagkaabswelto sa
ilalim ng alin man dito ay magiging hadlang sa iba pang pag-uusig sa gayon
ding kagagawan.
SEK. 22. Hindi dapat magpatibay ng batas ex post facto o bill of attainder.
Maliban sa Katipunan ng Karapatan ay may mga karapatan rin
na para sa mga bata. Ito ay sa katuwirang kinikilala ang kahalagahan ng
mga kabataan sa pagbuo ng bansa, ang kanilang kagalingan ay itinataguyod
ng ating pamahalaan. Tinadhana ng Saligang Batas 1987 ng Pilipinas ang
tungkol dito.
Bilang pagtupad sa Artikulo II, Seksyon 13 ng Saligang Batas
1987 ng Pilipinas, nilikha ang Child and Youth Welfare Code upang
pangalagaan ang mga karapatan ng bata. Nakatala rin dito ang mga
karapatan ng bata. Ito ay naaayon sa United Nations Convention on the
Rights of a Child.
Sampung Karapatan ng Bawat Batang Pilipino
1. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
2. Magkaroon ng tahanan at pamilyang mag-aaruga
3. Manirahan sa payapa at tahimik na lugar
4. Magkaroon ng sapat na pagkain, malusog at aktibong katawan
5. Mabigyan ng sapat na edukasyon
6. Mapaunlad ang kakayahan
7. Mabigyan ng pagkakataong makapaglaro at makapaglibang 8.
Mabigyan ng proteksyon laban sa pang-aabuso, panganib at karahasan
9. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
10. Makapagpahayag ng sariling pananaw

10

Isaisip
Panuto: Punan ng tamang salita ang bawat patlang upang mabuo ang
konseptong nakapaloob sa karapatang pantao. Piliin ang mga salitang
nasa loob ng kahon. Gawin ito sa sagutang papel. bansa kasarian relihiyon

karapatan mamamayan

Taglay na ng isang tao ang kanyang mga (1.)__________ simula nang


siya ay isinilang. Ang karapatan ay batayan ng karapat-dapat na kalayaan
para sa lahat ng tao, anumang edad, rasa, kulay, (2.)__________, wika,
(3.)__________, paniniwalang politikal, nasyon o panlipunang
pinanggalingan. Bilang isang (4.)____________ ay dapat tinatamasa natin ang
ating mga karapatan at mariin nating tinutupad ang ating mga
pananagutan sa ating (5.)_________ na walang hadlang at pag-aalinlangan.

Isagawa/Pagyamanin
Suri Larawan: Tingnan mabuti ang mga larawan at kilalanin kung anong
KARAPATANG PANTAO ang nais itaguyod nito. Piliin ang tamang sagot sa
kahon na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.
_______________________ 6. __________________________

11

2.
_______________________ 7. ___________________________

3.
_______________________ 8. ___________________________

4. ____________________ 9.
____________________

5. ___________________ 10.
___________________ 6.
Freedom from Discrimination Freedom from Slavery Freedom of Religion
Freedom of Assembly Right to Citizenship Right to Privacy
Right to Vote Right to Life Right to Education Right to Equality12

Tayahin
Panuto: Gamit ang iyong sagutang papel. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 kung saan
nakapaloob na hindi dapat pilitin ang isang tao na tumestigo laban sa
kanyang sarili.
A. Seksyon 15 B. Seksyon 16 C. Seksyon 17 D. Seksyon 18
2. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas 1987 kung saan nakapaloob
na hindi dapat magbalangkas ng batas sa pagtatatag ng relihiyon o
pagbabawal sa malayang pagsasagamit nito.
A. Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Seksyon 4 D. Seksyon 5
3. Seksyon ng Artikulo III ng Saligang Batas ng 1987 kung saan
nakapaloob na hindi dapat magpatibay ng batas na nagbabawas sa
kalayaan sa pananalita, pagpapahayag, o ng pamamahayagan. A.
Seksyon 2 B. Seksyon 3 C. Seksyon 4 D. Seksyon 5
4. Ito ay ang karapatang likas at wagas para sa lahat.
A. Statutory Rights C. Karapatang Sibil
B. Karapatang Natural D. Constitutional Rights
5. Ang EED Production ay hindi nakapagbigay ng nararapat na binipisyo
para sa mga nagtatrabaho dito kaya ang mga manggagawa ay sumali
sa unyon. Ang lahat ng sumali sa unyon ay ipinatawag ng kompanya
at tinanggal sa trabaho. Nilabag nito ang:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan
6. Nang matanggap ni Luna ang kanyang sulat, ito ay bukas na. Ito ay
paglabag ng:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Politikal D. Karapatang Pangkabuhayan

13
7. Ang kabataan na may edad 16 ay maaari ng bumuto para sa
sangguniang kabataan. Ito ay kabilang sa:
A. Statutory Rights C. Karapatang Sibil B. Karapatang
Natural D. Constitutional Rights
8. Pinipilit ng isang pulis na umamin si Fredo sa pagkakasalang hindi
niya ginawa. Ito ay paglabag sa:
A. Karapatang Sibil C. Karapatang Politikal B. Karapatang
Pangkultura D. Karapatan ng Nasasakdal
9. Ito ang mga karapatang kaloob at pinangangalagaan o binibigyang
proteksyon ng konstitusyon ng bansa.
A. Statutory Rights C. Karapatang Sibil B. Karapatang
Natural D. Constitutional Rights
10. Dahil gusto niya ng pagbabago, kakandidato si Renato sa susunod
na eleksyon. Ito ay naglalarawan ng:
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
11. Bago naganap ang pandemya noong isang taon, naipagdiwang pa ng
mga taga-Cebu ang Sinulog. Ito ay isang halimbawa ng:
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
12. Isa si Arthur sa nahuli na pinagbibintangan na nagnakaw sa isang
gas station. Ikinulong siya ng mahigit tatlong araw. Ito ay paglabag sa:
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B. Karapatang
Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika
13. Si Sarah ay may bahay sa syudad pero mas pinili niya na tumira sa
probinsya at mananim. Ang pinili ni Sarah na klase na pamumuhay
ay nakapaloob sa:
A. Statutory Rights C. Karapatang Sibil B. Karapatang
Natural D. Constitutional Rights
14. Si Aling Tita ay pinagbawalan ng pinuno ng barangay na magbukas
ng kanyang tindahan dahil marami na ang nagtitinda sa kanilang
komunidad. Ito ay isang uri ng paglabag sa:
A. Karapatan ng Akusado C. Karapatang Pangkultura B.
Karapatang Pang-ekonomiya D. Karapatang Pampulitika

14
15. Dahil hindi siya pinanagutan ng kanyang boyfriend, ipinalaglag ni
Lena ang sanggol sa kanyang sinapupunan. Ito ay paglabag sa
probisyon ng karapatang:
A. Mapaunlad ang kakayahan
B. Makapagpahayag ng sariling pananaw
C. Maipagtanggol at matulungan ng pamahalaan
D. Maisilang at magkaroon ng pangalan at nasyonalidad
Karagdagang Gawain / Takdang Aralin
Bumuo ng sariling “Katipunan ng mga Karapatan at Pananagutan ng
mga Mag-aaral sa Panahon ng Pademya” kung saan nakapaloob ang mga
karapatan at pananagutan ng mga mamamayan na nakatakda sa Saligang
Batas at ang mga karapatan ng bata/kabataan na itinatakda ng iba pang
batas. Gawin ito sa short bondpaper na may kaukulang margin.

Katipunan ng mga Karapatan at Pananagutan ng mga


Mag-aaral sa Panahon ng Pandemya
Karapatan Pananagutan
1.Karapatan na makakuha ng modyul 1.Ang pagpasa sa modyul sa
sa takdang araw itinakdang petsa
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.
6. 6.

15

Susi sa Pagwawasto
Freedom of Assembly 10. Right to
equality 5.
9. Right to Citizenship Right to vote 4.
8. Right to Privacy Freedom from
Slavery 3.
Right to life 7. Right to Education 2.
Freedom from discrimination 6.
Freedom of Religion 1.
Pagyamanin
Panimulang Gawain:
Sanggunian
• Evangeline M. Dallo, E. D. (2017). Kayamanan - Kontemporaryong Isyu.
Quezon City: Rex Printing Company Inc.
• Ronaldo
Ba. Mactal, PhD. (2017). Padayon 10 - Mga Kontemporaryong Isyu.
Quezon City: Phoenix Publishing House
• Module sa Araling Panlipunan - Kontemporaryong Isyu. (n.d.). Kagawaran ng
Edukasyon.
• officialgazette.gov.ph

• https://www.google.com/imgres?imgurl=https://www.thoughtco.com/thmb
/ao5--
Od3OkizxBbwg_aGKwJhEf8%3D/1333x1000/smart/filters:no_upscale()/R
a cismProtest
58bf352f5f9b58af5cd8f631.jpg&imgrefurl=https://www.thoughtco.com/thi
n gs-you-can-do-to-help-end-racism-3026187&tbnid=UCHa
pqS1TjEcM&vet=1&docid=qLXxmFGxlPOdbM&w=1333&h=1000&source=s
h /x/im

16
• https://georgedowdell.org/2016/07/21/what-is-wrong-with
religion/?hcb=1
• https://www.google.com/imgres?imgurl=http://www.cartoongallery.eu/engl
ishversion/wp-content/gallery/imartirena/dfx-martirena
mundolecturau.jpg&imgrefurl=http://www.cartoongallery.eu/englishversio
n /gallery/cuba/alfredo
martirena/&tbnid=rCvn0Ax_qrLsNM&vet=1&docid=u4v_EZQJeeeodM&w=8
0 0&h=800&source=sh/x/im
• https://www.google.com/imgres?imgurl=https://www.pregnancypahrump.c
om/wp
content/uploads/2019/03/choose_life_still_background2.jpg&imgrefurl=ht
t
ps://www.pregnancypahrump.com/&tbnid=xTL1a01EbfsR5M&vet=1&doci
d =RvAGdQSCUlsXXM&w=1210&h=485&source=sh/x/im
• www.cartoonmovement.com/cartoon/1501

• http://www.hastingspress.co.uk/history/sufpix.htm

final copy (5/21/21)

17

You might also like