0% found this document useful (0 votes)
25 views2 pages

DULA Exposition

Uploaded by

TrishiaBuan YT
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
25 views2 pages

DULA Exposition

Uploaded by

TrishiaBuan YT
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd

Armando: (Tumakbo nang mabilis patungo sa kagubatan) Rafael! Edgar!

Wala na bang mas


bibilis sa takbo ninyo?

Rafael: (Hinihipo) Binibilisan na nga, ah!

Edgar: ‘Wag ka ngang praning, Armando! Hindi naman tayo hinahabol ng pulis, eh. Tsaka alam
na ngang may hika si Rafael, pinapabilisan mo pa. Pambihira!

Rafael: Pambihira talaga! Halina’t magpahinga muna tayo sa ilalim ng puno. (Naglakad
papalapit sa ilalim ng puno)

Armando: May saltik ba kayo sa ulo? Baka nakakalimutan niyong katatakas lang natin sa
kulungan? May gana pa talaga kayong magpahinga at magpakasarap sa ilalim ng puno.

Edgar: Alam mo kung may “Most-Praning Award”, sa’yo ko iyon ibibigay. Nasa gitna tayo ng
kagubatan, Armando, ang makakita ng pulis dito ay isang himala.

Rafael: Umupo ka na’t magpahinga, Armando. Huwag ka nang mahiya!

Armando: Ito na! Magpapahinga na! Nakakainis. (Pinuwesto niya ang kanyang sarili sa tabi ni
Rafael at Edgar) (May isang matandang lalaki at isang mayuming na dalaga ang tila’y lumapit sa
tatlong bilanggo)

Tata Echo: Aba, aba! Totoo ba ang aking nakikita? (Nilapit ng lolo ang kanyang mukha sa
tatlong bilanggo) Pambihirang magkaroon ng bisita ang parte ng kagubatang ito. Bakit kayo
nandito? Hindi ba dapat nasa paaralan kayo?

Armando: Eh bakit kayo, wala sa nursing home? (Tumawa ng malakas)

Edgar: Ang bastos! (kinotongan si Armando) Naku, tay, huwag niyo ho pansinin yang si
Armando. Matalas lang talaga ang kanyang dila.

Tata Echo: Ayos lang! Ako pala si Tata Echo. Ningning ang pangalan nitong apo ko. (Inakbayan
ang kanyang apo)

Rafael: Ako po si Rafael. Ito naman po si Edgar (tinuro si Edgar), at si Armando naman po yung
walang respeto.

Armando: Anong walang respe-


Edgar: Nga pala! (pinutol ang nais sabihin ni Armando). Wala ho kasi kaming matutuluyan at
ang araw ay palubog na rin, nais po sana naming makitulog muna sa inyong tahanan.

Rafael: Oho, mababait naman kami. Pagpasensyahan niyo lang po ang ugali ni Armando.

Tata Echo: Siguraduhin niyong hindi kayo gagawa ng kalokohan sa amin, maging sa aming
tahanan. Pansin ko sa inyong kasuotan ang isang malaking P sa likod, na nagsasabing isa kayong
bilanggo. Tumakas ga kayo, kaya kayo nandito? Ngunit sino ang may pake, mga bata pa rin
naman kayo. Ikinagagalak kong papasukin ko kayo sa aking tahanan.

Edgar: Maraming salamat po! (Nakipagkamay siya sa matandang lalaki)

Tata Echo: Walang anuman! Ngunit, may isang kondisyon. Bawal niyong kausapin o hawakan
ang aking apo, kahit isang cell ng epithelial tissue pa yan. Kapag may nakarating sa sakin na
lumabag kayo sa aking kondisyon, hindi niyo magugustuhan ang kapalit! (Nanlaki ang mata ng
matandang lalaki)

Armando: Haha, nakakatakot. (Binigkas na parang hindi sineseryoso ang bilin ng matanda)

Rafael: Oho, Tata! Walang interaksyon ang mangyayari samin kay Ningning.

Edgar: Kami ho’y inyong mapagkakatiwalaan.

You might also like