Professional Documents
Culture Documents
Cuf DLL1
Cuf DLL1
Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF BATAAN
PALILI INTEGRATED SCHOOL
PUROK 1 PALILI SAMAL BATAAN
CATCH-UP FRIDAY
DLL
Pagpapayabong ng talasalitaan
1. Kumandong - kumalong
2. Nahagilap - nakuha
3. Marahas - mabagsik
4. Nakatunghay - nakamasid
5. Natinag - naapektuhan
6. Naglagos - tumagos
7. Pinawi - pinalitan
8. Pag-inog – pag-ikot
9. Takipsilim – malapit ng magwakas
10. Pagkalinga – pag-aaruga
Sumunod ang tinig ng magandang si Carmen. Malamig na tinig na hindi niya maunawaan ang
sinasabi. Malamig na tinig na nanuot nang malalim sa kanyang mga buto.
Sinlamig ng patak ng ambong kumopkop sa kanya sa marahang paggulong ng kanyang upuan
sa terraza. Sinlamig ng takipsilim na yumapos sa butuhan niyang katawan.
Si Tinay, ang utusan, ang nakatagpo sa kanya sa terraza.
“Naku, sang matanda na ari – bakit magbasa ikaw sang ulan? Halika sang luub. Anu nang
ibulung sa imu – Misis Valli, Misis Valli, Misis Valli. Naku, siguro mag-ulian nang talaga sang
Lula. Halika sang luub.”
Ga-daigdig ang kaamuan, ang kahabagan sa tinig ni Tinay – ang utusan
Gawain:
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Sino si Lydia? Ano ang dahilan ng kanyang labis na kagalakan?
2. Ano ang ibinalita ni Ramon, na ama ni Lydia sa kanyang lola? Paano
tinanggap ng kanyang lola ang balitang ito?
3. Anu-ano ang sumagi o pumasok sa isip ng matanda nang malaman niyang
siya ay magbabakasyon sa bahay ng kanyang bunsong anak na si Rey?
4. Sa iyong palagay, ano ang paksa ng pag-uusap nina Ramon at Carmen na pilit
na inuulinig o pinakikinggan ng matanda?
5. Masasabi mo bang nagging mabuting magulang ang matanda at ang kaniyang
asawa? Bakit?
Dalawahang Aktibiti