You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
Buenavista, Guimaras
GRADUATE SCHOOL

FILIPINO 324– Panunuring Pampanitikan

Jocelyn Esmalla Genalyn L. Moscaya,Ph.D.


Taga-ulat Propesora

Pagsusuri at Pag-aaral sa Tula

RofelE.Brion – Isinilang si Rofel G.Brion sa Lungsod ng San Pablo noong 1953.


Nagtapos ng AB sa ekonomika at M.A. sa Panitikan sa Pamantasang Ateneo de Manila.
Sandali siyang nagtrabaho sa pamahalaan ng Lungsod ng San Pablo at sa Bank of
Philippine Islands. Nagwagi siya ng unang gantimpala sa Unang Gawad Galian sa Tula
(1981) at ikatlong gantimpala sa U.P. Summer writers Worksho(1984).Kasalukuyang
siy’y nagtuturo sa Kagawaran ng Filipino at sa Programa ng araling Interdisiplinaryo ng
Pamantasang Ateneo de Manila at sa Loyola House of Studies.

Ang Galing ni Inay


Ni: Rofel G. Brion

Napakahusay manulsi ni Inay,


Ano mang laking butas
Kaya niyang tagpian
Ng sinulid at karayom lang .
Madalas ay ganito…
Pinagdidikit niya ang gilid ng maliit na butas
Kaya walang maiiwan kundi munting tuldok
Ng sinulid na kakagatin niyang sagad sa buhol.

Ngunit kung minsan….


Pinaglalawa-lawa ang karayom niya
Ang pagkahaba-habang sinulid,
Masinop ,mabagal, maingat na maingat,
Hanggang magulat kana lamang
Sakanyang na likha,
At malimutan mo
Na dati nga pala itong
Pagkalaki-laking butas.

Mga sangkap ng Tula

1.Ritmo -
Napakahusay manulsi ni Inay,
Ano mang laki ng butas
Kaya niyang tagpian
Ng sinulid at karayom lang .
Madalas ay ganito…
Pinagdidikit niya ang gilid ng maliit na butas
Kaya walang maiiwan kundi munting tuldok
Ng sinulid na kakagatin niyang sagad sa buhol.

 Ang himig ng mga salita ay masaya. Masayang ipinagmamalaki ng persona kung


gaano kagaling ang kanyang ina sa pananahi,kung paano natatakpan ang mga
butas ng damit hanggang sa isang munting tuldok lamang ang makikita.

2. Imahe- Pinagdidikit niya ang gilid ng maliit na butas


Kaya walang maiiwan kundi munting tuldok
Ng sinulid na kakagatin niyang sagad sa buhol.

 Ang paggamit ng mga pahayag na ito ay nakakatulong upang ang guni-guni


ng mga mambabasa ay maglakbay para mas maunawaan at madama ang nais
ilarawan ng may-akda.

3.Kaisipang Pampanulaan- Ang tulang ito ay may mabuting kaisipan dahil ang nakapaloob
sa tula ay nababatay sa totoong karanasan ng may- akda. Ang nilalaman ng tulang ito ay
nagpapahayag kung paano hinangaan at ipinagmalaki ng may-akda ang kanyang ina sa
totoong buhay.

4.Tugma –Ang mga tunog ng mga huling salita sa bawat saknong ay hindi magkakapareho.
Kaya ang tulang ito ay walang tugma.

5. Damdamin–Tuwa ang damdaming nangingibabaw sa tulang ito dahil hindi lahat ay


makagagawa tulad ng ginawa ng ina ng persona.Natutuwa siya at ipinagmamalaki ang
kakaibang kakayahan ng kanyang nanay.

6.Wikang Pangkaisipan – Kongkreto o Aktwal na kahulugan ng mga salita ang ginamit ng


may akda sa tula. Ang mga salita ay hindi nagtataglay ng malalalim na kahulugan o
talinghaga. Dahil ditto mas madali ito ng maunawaan ng mga mambabasa.

7.Sukat – walang sukat

8.Sining o Kariktan –Ang may akda ay gumamit ng payak na mga salita kaya madaling
maunawaan ang tula at maiuugnay ng mga mambabasa ang mga pangyayar isa tula sa tunay
nabuhay.

9.Talinghaga- Walang matalinhagang mga salitang ginamit sa tula.

10.Anyo ng tula – Ang tula ay nasa anyong Malayang Taludturan dahi lwala itong sukat at
walang tugma.

11. Tono/Indayog – Ang namamayaning damdamin sa tula ay naglalahad kung gaano


kagaling ang taong inilalarawan.

12.Persona–Ikatlong panauhan

You might also like