You are on page 1of 17

7

Republic of the Philippines


Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBALES

FILIPINO
Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto
Kahalagahan ng Paggamit
ng Suprasegmental
Ikatlong Markahan-Unang Linggo
(Aralin 1)
FILIPINO – Ikapitong Baitang
Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto
Ang kahalagahan ng Paggamit ng Suprasegmental
Ikatlong Markahan – Unang Linggo

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng kagamitan. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito. Walang anomang
parte nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa
Kagawaran.

Bumuo sa Pagsulat ng Kagamitan


sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto

Manunulat: Jaime G. Raguine EdD


Editor: Rosanna Damaso
Tagasuri: Marie Ann C. Ligsay PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Rhona Liza C. Echaluse ,Ryan C. Pastor
Tagaguhit: Norvadez Gonzales
Tagalapat: Ryan C. Pastor
Tagapamahala: Leonardo D. Zapanta EdD, CESO V
Michelle Ablian- Mejica EdD
Ma. Lilybeth M. Bacolor EdD
Garry M. Achacoso
Rachelle C. Diviva

Inilimbag sa Republika ng Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon


Rehiyon III
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Tel./Fax No. (047) 602 1391
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Website: www.depedzambales.ph
Kahalagahan ng Paggamit
ng Suprasegmental

Panimula

Kumain ka na ba nang walang lasa? Ang hirap di ba? Oo mahirap kumain


nang walang lasa. Una ay di ka mabubusog , ikalawa ay baka di mo pa makain ang
kinakain mo. Bakit ko naitanong iyan? Ngayon kasi ay pag-aaralan mo ang
ponemang suprasegmental. Alam mo ba na ang ponemang suprasegmental ay
maihahambing sa isang pagkain? Tama, halimbawa na lang ay sa nilagang karne ng
baka. Hindi maaaring pakuluan lamang ang karne ng baka, kailangan din ng
sangkap nito upang magkalasa. Ano kaya ang magiging lasa ng walang rekadong
nilagang baka? At kung sa pagbigkas naman kaya ng salita o pangungusap na
walang tono, diin o antala maging maliwanag kaya ang magiging usapan?

Halika at iyong isa-isahin ang mga pampalasang ito na ginagamit sa


pakikipagtalastasan na tinatawag nating suprasegmental.

Kasanayang Pampagkatuto

Naipaliliwanag ang kahalagahan ng Paggamit ng suprasegmental (tono,

diin, antala) F7PN-IIIa-c-13

1 | Pahina
Mga Layunin

Sa pagtatapos ng Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto


na ito, ikaw ay inaasahang:
1. nakapagbibigay kahulugan ng salita ayon sa tamang diin, tono at antala;
2. natutukoy ang gamit ng mga suprasegmental (tono, diin,at antala); at
3. naipaliliwanag ang kahalagahan ng paggamit ng suprasegmental sa isang
malayang pagsulat.

Balik Aral

Alam kong sabik na sabik ka nang magsimula, subalit bago ka tuluyang


magpatuloy, alamin muna natin ang iyong mga natatagong kaalaman sa mga
sumusunod na pangungusap. Sundin mo ang panuto.
Panuto: Isulat ang TAMA kung sumasang-ayon ka at MALI kung hindi ka sumasang-
ayon sa pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
_______________1. Ang wikang pambansa natin ay Filipino.
_______________2. Ang ating alpabetong Filipino ay 26.
_______________3. Mahalaga sa isang bansa na may iisang wika upang madaling
magkaunawaan.
_______________4. Ang Pilipino ay asignatura.
_______________5. Ang Wikang Filipino ay hango sa Tagalog.
_______________6. Ang tuldok ay ginagamit sa pagsasalaysay.
_______________7. Ang tandang pananong ( ? ) ay ginagamit sa pagtatanong.
_______________8. Ang tandang padamdam ( ! ) ay ginagamit sa masidhing
damdamin.
_______________9. Ang Kuwit ( , ) ay ginagamit sa sandaling paghinto.
_______________10.Ang tutuldok ( : ) ay ginagamit sa pakikiusap.

2 | Pahina
Pagtalakay sa Paksa

Magaling ang ginawa mong panimula. Ngayon ay may inihanda akong


kuwento. Alam kong magugustuhan mo ito. Simulan mo na.

Isang Himala

ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School

May isang patimpalak tungkol sa pakikipagtalastasan, maaaring ito ay


pasulat o pasalita na lalahukan ng mga mag-aaral sa lalawigan ng Zambales. Ito
ay nakatakdang isagawa ngayong ikatlong markahan. Ang mga mag-aaral ay pinili
ayon sa kanilang husay sa klase. Isa sa mga kalahok ay si Jaime. Kinagigiliwan
siya ng mga guro dahil sa kanyang husay sa pagsulat at pagiging magalang.

“Jaime, ikaw ang isasali ko sa


paligsahan sa pagsulat.” Ang sabi ng kanyang
guro sa Filipino.

Hindi nakatanggi si Jaime sa sinabi ng


kanyang guro, subalit kinakabahan siya dahil
sa siya ang kakatawan sa kanilang paaralan.
Pag-uwi ni Jaime ay agad-agad niya itong
ibinalita sa kanyang magulang.

“Itay, Inay alam niyo po bang sinabi sa akin ng aking guro na isasali raw
niya ako sa isang paligsahan, pero kinakabahan po ako”. Ang nagagalak at may
takot na salubong ni Jaime.

“Anak, natutuwa kami ng iyong ina sa iyong ibinalita, sapagkat


pinagkatiwalaan ka ng iyong guro.

“Huwag kang matakot anak, ang mabisang solusyon diyan ay manalangin


ka”. Ang pagpapayo ng kanyang Itay.

3 | Pahina
Ganoon nga ang ginawa ni Jaime, nanalangin siya
bago matulog. Sa kanyang pagtulog ay
napanaginipan niya na siya raw ay nakikinig ng
panayam. Ang mga ito raw ay ipinakilala ng
tagapagdaloy.

“Ngayon ay ating pakinggan ang mga


mahuhusay na tagapagsalita na sina Tono, Diin at
Antala. Palakpakan po natin si Tono”. Ang bungad ng
tagapagdaloy.

“Ako po si Tono, kailangan nyo po ako sa pagbigkas. Ang pagtaas at


pagbaba ng tono sa pagbigkas ng pantig sa isang salita ay napakahalaga upang
higit na maunawaan ang iyong sinasabi. Halimbawa na lamang ang salitang
kahapon ay maaaring dalawa ang maging kahulugan. Subukin mong bigkasin ang
kahapon na ang tono o pagpapataas ay nasa pon at ang isa naman ay nasa ha .
Hindi ba’t ang kahulugan ng kahapon na ang pagtaas ay nasa pon ay pagtatanong
o pagdududa? Samantalang ang kahapon na ang pagtaas ng tono ay nasa ha ay
nagsasalaysay ng panahon na nagdaan. Maaari ninyo pang malaman ang tono,
kung isusulat naman ay sa pamamagitan ng paglalagay ng bantas. Halimbawa ay
matalino ako?, siya ay nagtatanong ,sapagkat may tandang pananong
katunayang pataas ang bigkas. Samantalang ang matalino ako. ay nagsasalaysay
sapagkat may tuldok ang hulihan, ang bigkas ay banayad lamang at kapag
matalino ako!, ito naman ay nagpapahayag ng damdamin niya, maaaring
ipinagmamalaki niya at mabilis ang bigkas na may pwersa ang tono.” Ang
pagpapakilala at pagpapaliwanag ni Tono.

“Ako naman si Diin, gaya ni Tono ay kailangan ninyo rin ako sa pagbigkas.
Ako ang lakas ng bigkas sa isang pantig ng salita. Kung ang pinsang kong si Haba
ay pagpapahaba ng bigkas ako naman ang magbibigay ng lakas sa bigkas, subalit
di kami maaaring paghiwalayin nina Tono, at Haba. Halimbawa ang salitang
hapon. Ang salitang hapon ay maaaring iba ang kahulugan ayon sa bigkas, kapag
sinabi mong haPON na ang diin ay nasa hulihan o ang diin ay nasa pon ang
ibigsabihin ay tao samantalang kung ang diin ay nasa ha ang magiging kahulugan
ay panahon”. Ang pagpapakilala at pagpapaliwanag ni Diin.

“Ako naman si Antala, kilala rin ako sa hinto.” Gaya nina Tono, Diin at
pinsan niyang si Haba ay mahalaga rin ako sa pakikipagtalastasan. Ako lang
naman ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maging malinaw ang nais
iparating ng mensaheng ipinapahayag. Maaari kang gumamit ng kuwit, tuldok,
tuldok-kuwit o tutuldok sa pasulat na pakikipagtalastasan. Halimbawa na lamang
ang “Hindi puti” ay nangangahulugan hindi talaga puti sapagkat walang antalang

4 | Pahina
naganap subalit kung gaya ng “Hindi, puti” ay nangangahulugang puti nga ang
sinasabi. Mapapansing may kuwit na ginamit, ibig sabihin may antala.

“Nawa’y marami kayong natutunan, Ikaw handa ka na baaaaaa?” Ang


huling binanggit ng Tagapagdaloy.

“Jaime, Jaime, anak gising na.” Ang pagkalabit ng ina ni Jaime.

“Bakit ka nakangiti anak?”, ang usisa ng ina ni Jaime.

“Inay handa na po ako sa paligsahan, ang husay po ng aking


napanaginipan. Isang himala po,”tugon ni Jaime.

At lumahok nga si Jaime sa paligsahan. Dahil sa panalangin ay nabigyan ng


solusyon ang kanyang alalahanin. Nagtiwala siya sa magagawa ng panalangin.

Oh nagustuhan mo ba ang kuwento? Ikaw ba ay nagtitiwala rin sa


panalangin? Magaling !

Ngayon, sagutin mo nga ang mga sumusunod na gabay na tanong sa iyong


kwaderno.

Gabay na tanong.

1. Sino ang pangunahing tauhan sa kuwento?


2. Ano ang ipinayo ng magulang ng pangunahing tauhan sa kanyang
alalahanin?
3. Sino-sino ang mga tagapagsalita na nagpakilala sa pangunahing tauhan sa
pamamagitan ng panaginip?

Ngayong nasagot mo na ang mga gabay na tanong, iyo pang palawakin ang
iyong pag-aaral tungkol sa suprasegmental.

Ano ba ang ponemang suprasegmental? Ang ponemang suprasegmental ay


ang pag-aaral sa tono, diin at antala. Ito ang mga sangkap na magbibigay linaw sa
pakikipagtalastasan, at mas magiging maliwanag na maipararating ang tamang
damdamin sa pagpapahayag.

1.Tono- ang pagtaas-baba na iniuukol natin sa pagbigkas ng pantig


sa isang salita. Sa pamamagitan ng tono ay nalalaman natin kung
nagtatanong, nagsasalaysay o nagpapahayag ng kasiyahan ang nagsasalita
o sumusulat. Pansinin ang halimbawa.

pon? ha
a. b.
ka ? ka pon
a a 5 | Pahina
ha
Ang kahapon (a) ay nagtatanong na may hudyat na tandang pananong
samantalang ang kahapon (b) ay nagsasalaysay. Sa paraang pasulat, ang
pagtatanong ay karaniwang inihuhudyat ng tandang pananong.

2.Diin- ito ay tumutukoy sa lakas ng bigkas o bahagyang pagtaas ng


tinig sa isang pantig. Halimbawa: Ang salitang PIto na sa Ingles ay whistle
at piTO na sa Ingles ay seven. Mapapansin na dahil sa diin ay nagbabago
ang kahulugan.

3.Antala- ang saglit na pagtigil sa pagsasalita upang mas maging


malinaw ang nais iparating ng mensaheng ipinapahayag. Ang antala ay
inihuhudyat ng kuwit, tuldok, tuldok-kuwit o tutuldok.

Halimbawa: 1.Guro ang tatay ko. (ipinakikilala mo ang tatay mo ay guro)


2.Guro, ang tatay ko.( ipinakikilala mo sa guro ang tatay mo)
Iba pang halimbawa: pang-anay- (pamuksa ng anay)
Panganay – ( pinakamatandang anak)

Hayan, alam kong maliwanag na sa iyo ang suprasegmental. May mga


inihanda akong pagsasanay para iyo, alam kong kayang-kaya mo ang mga ginawa
ko. Gawin mo ito sa iyong sagutang papel. Sige simulan mo na.

Gawain

Pinatnubayang Pagsasanay 1
A.Panuto: Bigkasing mabuti ang mga sumusunod na salita. Ibigay ang kahulugan
ng mga sumusunod ayon sa diin . Isulat ang salita at kahulugan sa iyong
sagutang papel.

Halimbawa: BUko- Sagot: BUko- uri ng prutas


1. BAba- 2.baBA- 3. PAla- 4. BAta- 5. TAla-

B.Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang ayon sa antala. Ibigay ang kahulugan
ng mga ito ayon sa pagkakasulat. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

6 | Pahina
Hal:Hindi, ako si Linda ---sagot: ipinagdidiinan niyang siya talaga si Linda

1.Kapitan ang tiyuhin ko .


2.Doktor, ang tatay ko.
3.Hindi, akin ang perang iyan.
4.Pang-aso
5.kapatid, siya ang ate ko.

Pinatnubayang Pagsasanay 2
A.Panuto: Suriing mabuti ang bawat bilang. Piliin mula sa kahon ang tamang
salitang angkop sa bawat patlang ayon sa diin nito upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
1. Bu.kas, Bukas
___________________ na tayo pumunta sa silid-aklatan upang magbasa.
2.
bu.hay, buhay

Ang wika ay _______________ kaya’t nagbabago sa pagdaan ng panahon.

3. sa.ya, saya

Bihira na sa kababaihan ang nagsusuot ng _________ sa panahong ito.

4. Pu.no, Puno
________ ang itanim upang pagbaha ay maiwasan.

5. sama.han , samahan
Sabi ko sa iyo sumali tayo sa isang ____________.

B. Basahin at unawaing mabuti ang mga sumusunod na bilang. Suriin ang


sumusunod na pahayag ayon sa damdaming hinhingi nito. Isulat ang letra nang
tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. “Jaime,ikaw ang isasali ko sa paligsahan sa pagsulat.”


a.nagtatanong b. naglalahad c. nagsasalaysay
2. “H’wag kang matakot anak, ang mabisang solusyon diyan ay manalangin
ka”.
a.nagtatanong b. nagpapayo c. nagtataka

7 | Pahina
3. “Bakit ka nakangiti anak?”
a.nagtatanong b. nagpapayo c. nagtataka
4. “Inay handa na po ako sa paligsahan, ang husay po ng aking
napanaginipan.
a.Nagagalak b. Nalulungkot c. Naniniyak
5. “Jaime, Jaime, anak gising na.”
a.Pasigaw b. Pabulong c. Patanong

Pang-isahang Pagsasanay
A. Panuto: Piliin ang letra nang tamang kahulugan ayon sa diin ng bigkas ng
sumusunod na banyagang wika. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1.will go fishing a. ma.ngingis.da b. mangingis.da c. mangingisda


2.citizen a. ma.mamayan b. mama.mayan c. mamama.yan
3.vegetable vendor a. maggugu.lay b. maggugulay c. mag.gu.gulay
4.barber shop a. pagupi.tan b. pagu.pitan c.pa.gupitan
5.bathroom a. paliguan b. pali.guan c. pa.liguan

B. Panuto: Isulat muli ang sumusunod na salita/pangungusap at lagyan ng angkop


na bantas kung may antalang naganap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1.mag-alis ( nagtanggal ng gamit)


2.mangahas ( inagaw ang minamahal)
3.Hindi ako si Juan ( ipinagdidiinang siya talaga si Juan)
4.Hindi ako ang kumuha ( sinasabi na wala siyang kinalaman)
5.Pang-ahit ( ginagamit ng barbero)

C. Panuto: Suriin ang bawat salita at salin nito sa Ingles. Ilapat ayon sa tono ng
bigkas ng bawat pantig. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Halimbawa: mag-aral- to study

a
mag ral

1. magsasaka - farmer
2. magtuturo - will you teach
3. manghuhula - fortune teller
4. magtatanong - ask question repeatedly
5. babasahin - reading material

8 | Pahina
Pagsusulit

Malapit ka nang matapos sa araling ito. Mapapansin mo sa bandang ibaba


may mababasa kang isang talata. Nais ko sanang tulungan mo akong matapos ito.
Sundin mo ang panuto sa ibaba.

Panuto: Tukuyin ang tamang salita o parirala na angkop sa talata. Piliin ang tamang
sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel. Sundin ang pamantayan sa ibaba. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

Ang Mabuting Bata


ni Jaime G. Raguine EdD, Castillejos National High School

Si Jaime ay masipag na 1. (BAta, baTA). Kinagigiliwan siya ng matatanda


dahil sa kanyang sipag at tiyaga. Ang nanay niya ay naglalako at ang tatay niya ay
nag-aalaga ng mga hayop. Paggising sa umaga ay tumutulong siya sa pagpapastol
ng 2. (BAka, baKA). Pag-uwi sa kanilang tahanan ay tutulong naman siya sa
pagkayod ng 3. (buKO, BUko) na inihahalo sa panindang kakanin ng kanyang ina.
4. (PItong, piTONG) taong gulang lamang si Jaime ng mamulat sa gawaing bahay.
Ngayon ay nasa baitang 5. (piTO, PIto) ng na siya at hindi pa rin nawawala ang
pagiging masipag at matulunging 6. (baTA, BAta). 7. “( Hindi, palakaibigan, hindi
palakaibigan) si Jaime,” ‘yan ang madalas na sinasabi ng mga tao sa kanya. Sa dami
niyang kaibigan ay hindi pa rin niya nalilimutan ang pagtulong sa kanyang
magulang. Mahilig sa gulay si Jaime lalo na sa 8. ( GAbi, gaBI) na hinaluan ng dilis.
Pagkatapos kumain ililigpit niya ang pinagkainan at hindi niya nalilimutang
pakainin ang alagang 9. ( aSo, Aso). 10. (kaYA, KAya) bago siya matulog ay
nananalangin kalakip ang pasasalamat sa maghapon.
Tanong: Ipaliwanag kung bakit mahalaga ang suprasegmental sa
pakikipagtalastasan

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

9 | Pahina
Pamantayan sa Iskor
Pagpupuntos
1. Tatlo pataas 5
ang
pangungusap
2. Ayon sa 5
pagkaunawa
ang sagot
3. Nakapagbigay 5
ng halimbawa
4. Malinis at 5
organisado ang
paliwanag
kabuoan 20
Napakahusay -5 mahusay -4 medyo mahusay-3 gumawa lang-2

Pangwakas

Panuto: Bilang pangwakas na gawain, buoin ang diwa ng bawat pangungusap na


nasa ibaba. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Ang natutuhan ko sa araling ito ay_______________________________________
___________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________.
2. Mapagyayaman ko ang aking kaalaman sa mga suprasegmental sa
pamamagitan ng __________________________________________________________

__________________________________________________________________________

___________________________________________________________________________.

10 | P a h i n a
Mga Sanggunian

Baisa-Julian, Ailene G.et.al. Pinagyamang Pluma (k-12).Phoenix


Publishing House,Inc.2015

Santiago, Alfonso O. at Norma G. Tiangco. Makabagong


Balarilang Filipino.Rex Book Store. 2003

11 | P a h i n a
12 | P a h i n a
Pang-isahang Pagsasanay: Balik-aral
1. TAMA
A. 1. b 2. MALI
2.b 3. TAMA
3.b 4. MALI
4.a 5. TAMA
5.a 6. TAMA
B. 7. TAMA
8. TAMA
1.mag-alis
9. TAMA
2.mang-ahas
10. MALI
3.Hindi, ako si Juan
Pinatnubayang Pagsasanay 1
4.Hindi ako ang kumuha
A
5.Pang-ahit
1.bahagi ng katawan o
C.
kasingkahulugan
1.MAGsasaka
2.papunta sa mababang dako
2.magTUTUro
3.ginagamit sa psghuhukay
3.MANGhuhula
4.murang isip o katulad nito
4. MAGtatanong
5.bituin
5.babasaHIN
B.
D. Pasusulit:
1.ipinakikilalang kapitan ang tiyuhin niya
1.BAta 2.ipinakikilala sa doctor ang tatay nya
2.BAka 3.sinasabing kanya ang pera
3.BUko 4.para sa aso o gamit ng aso
4.piTONG 5.ipinakikilala ang ate nya sa maaaring ka
5.piTO relihiyon nila.
6.BAta
7.Hindi,palakaibigan Pinatnubayang Pagsasanay 2.
8.GAbi
9.Aso A.
10.kaYA 1.bu.kas
2. buhay
Nakadepende sa gurong magwawasto at ayon 3. sa.ya
sa pamantayan 4. pu.no
5. samahan
B.
1. c 2.b 3.a 4.a 5.b
E. Pangwakas:
maaring maiba ang sagot ng mag-aaral
sapagkat sariling opinyon ito.
Susi sa Pagwawasto
Pasasalamat
Ipinaaabot ng Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales ang
taos-pusong pasasalamat sa mga sumusunod, na nakapag-ambag ng tagumpay
para sa paghahanda, pag-unlad, pagtiyak ng kalidad, paglimbag at pamamahagi ng
Ikatlong Markahang Kagamitan sa Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto sa
lahat ng asignatura sa iba’t ibang antas bilang tugon sa pagbibigay sa mag-aaral ng
naaangkop na kagamitang pampagkatuto hango sa Pinakamahalagang Kasanayang
Pampagkatuto (MELCs) - ayon sa mga pagsasanay na nakabatay sa mga
pamantayan ng pinatnubayang kasanayan at tuwirang pagtuturo:
Una, ang Learning Resource Development Team na binubuo ng mga
manunulat at tagaguhit, sa kanilang iginugol na panahon at kakayahan upang
makabuo ng iba’t ibang kinakailangang kagamitang pampagkatuto.
Ikalawa, ang mga tagapatnugot sa nilalaman, tagasuring pangwika, at mga
tagasuring pandisenyo na maingat na nagwasto at bumuo sa lahat ng Kagamitan sa
Pinatnubayang Kasanayang Pampagkatuto upang matiyak ang kawastuhan at
katugunan sa mga pamantayan ng Kagawaran ng Edukasyon;
Ikatlo, ang mga gurong tagapatnubay at mga guro sa bawat asignatura sa
kanilang malapit na pakikipag-ugnayan sa mga punongguro, sa kanilang
lingguhang pamamahagi at pagbabalik ng mga Kagamitan sa Pinatnubayang
Kasanayang Pampagkatuto at sa kanilang madalas na pagsubaybay sa pag-unlad
ng mag-aaral sa lahat ng paraan; at
Panghuli, ang mga magulang at iba pang pantahanang tagapagdaloy sa
kanilang pagbibigay sa mag-aaral ng kinakailangang patnubay at gabay upang
maisagawa ang mga gawain at upang patuloy na matulungan ang bawat mag-aaral
na maging responsableng indibiduwal sa hinaharap.
Sa inyong patuloy na paghahatid ng kaalaman sa mapanghamong panahon
ay lubos na makamit ang sama-samang pagpupunyagi at matibay na malasakit na
pagsilbihan ang ating mag-aaral na Zambaleño.
Muli, ang aming walang hanggang pasasalamat!

Tagapamahala
Para sa katanungan o karagdagang puna,
maaaring sumulat o tumawag sa:
For inquiries of feedback, please write or call:
Pansangay na Tanggapan ng mga Paaralan ng Zambales
Zone 6, Iba, Zambales
Department of Education – Region III – Division of Zambales
Tel./Fax Learning
No. (047) 602 1391
Resources Management Section (LRMS)
E-mail Address: zambales@deped.gov.ph
Zone 6, Iba, Zambales
Website: www.depedzambales.ph
Tel./Fax No. (047) 602 1391

You might also like