You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

State Universities and Colleges


GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

GRADUATE SCHOOL

FILIPINO 324 – PANUNURING PAMPANITIKAN

KENNETH ROY B. MONTEHERMOSO GENALYN L. MOSCAYA, PH. D


Taga-ulat Propesora

Paraan ng Pag-aaral at Pagsusuri ng Tula


Kahulugan ng Tula

1. Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa


iba't ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa pamamagitan ng paggamit ng tayutay. Binubuo ang tula ng
saknong at taludtod. Karaniwan itong wawaluhin, lalabindalawahin, lalabing-animin, at lalabing-waluhing
pantig. Matalinghaga at ginagamitan din ng tayutay. May tugma at sukat. Kung minsan ay maiksi o kaya
naman ay mahaba. (Wikipedia)

2. Ang tula ay isang kaisipang naglalarawan ng kagandahan, kariktan, at ng kadakilaan: tatlong bagay
na kailangang magkatipun-tipon sa isang kaisipan upang mag-angkin ng karapatang matatawag na tula.
(Julian Cruz Balmaceda)

3. Ang tula ay kagandahan, diwa, katas, larawan at kabuuang temang kariktang makikita sa silong ng
alinmang langit. (Iñigo Ed Regalado)

4. Ang pagtula’y panggagagad, at ito’y lubhang kahawig ng sining ng pagguhit, paglililok at


pagtatanghal. Ang saklaw ng pagtula ay higit na malawak kaysa alinman sa ibang gagad na mga sining
pagsama-samahin man ang mga ito. (Fernando B. Monleon mula kay Lord Macaulay)

5. Ayon kay Alejandro G. Abadilla, ang katuturang ibinigay ni Edith Sitwell ay nagsasaad na “Ang tula
ay ang napataas na antas ng kamalayan (heightened consciousness)”.

Mga Anyo ng Tula

 Malayang taludturan
 Tradisyunal
 May sukat na walang tugma
 Walang sukat na may tugma

Mga Uri ng Tula

1. Liriko o pandamdaming tula

a. Awiting-Bayan – ang paksa ay pag-ibig, kawalang pag-asa o pamimighati, pangamba, kagalingan,


pag-asa at kalungkutan. Walang awtor dahil ito’y pasalitang panitikang nagpalipat-lipat sa bibig ng sunud-
sunod na salinlahi.

b. Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.

c. Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman

d. Elehiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan

e. Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)

f. Soneto - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding pagkukuro-kuro

g. Pastoral – naglalarawan ng buhay sa bukid, minsan ay pinaromantiko at di-sinasama ang kahirapan ng


buhay dito.
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

3. Naglalarawan - naglalahad ng pangyayari

4. Naratibo o nagsasalaysay

Mga Uri ng Tulang Pasalaysay

1.Epiko – nagsasalaysay ng mga kabayanihang hindi mapaniwalaan pagkat puno ng kababalaghan. Ito’y
salaysay tungkol sa mga pakikipagsapalaran ng bayani ng isang lahi o tribu. Ang epiko’y nagbubunyi rin sa
tagumpay ng isang bayani laban sa panganib at kagipitang naranasan ng lahi o tribu.

2. Balad – inaawit habang may nagsasayaw. Sa ngayon, kasama ito sa tulang may anim hanggang walong
pantig ang sukat. Ito ay walang awtor dahil sa pasalita nagsimula.

3. Awit at Kurido – hango sa pagkamaginoo at pakikipagsapalaran ng mga tauhang hari at reyna, prinsipe at
prinsesa. Ang awit ay may sukat na 12 pantig at inaawit nang mabagal sa saliw ng gitara o bandurya;
samantalang ang kurido ay may walong pantig at binibigkas sa saliw ng martsa.

 4. Padula/Drama

5. Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin; halimbawa: balagtasan

6. Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang.

Mga Sangkap ng Tula

1. Ritmo – ito ay ang “indayog”, “himig”, “musika”, kaisipan ng salita, lakas ng damdamin. Ito ay ang
makahulugang pagbibigay-diin sa mga salitang pinaiiral ng uri at lakas ng damdamin at maging ng kaisipang
nasa likod ng mga salita. Ang mabuting ritmo o pinakamabisang galaw ay nagmumula sa pagkakatugon ng
tunay na pagbibigay-diin ito sa bilis o tulin ng galaw (tempo) ng pagkakasunud-sunod ng mga salita.

Isang Punongkahoy

ni : Jose Corazon de Jesus

Kung tatanawin mo sa malayong pook,


Ako’y tila isang nakadipang kurus;
Sa napakatagal na pagkakaluhod,
Parang hinahagkan ang paa ng Diyos!
Ang mga tunog ng mga salita ay may malungkot na himig. Bigyang-diin din natin ang mga
malulungkot na salitang may tunog na sukat na nakapagpapalungkot din sa mga mambabasa. Ngunit ayon
kay Almario ay may kalabuan ang kahulugan na ibig na ipahayag ng makata.

Nakadipang kurus – pag-uulit lamang sapagkat talaga namang ang krus ay nasa anyong padipa

Matagal na pagkakaluhod – salungat naman sa kaanyuan ng krus sapagkat ito’y mangyayaring humilig o
madali ngunit hindi ang maluhod.

Hindi gaanong binigyang-atensyon ni Batute ang kahulugan ng mga salita dahil na rin sa eksaktong
pamamahala ng sukat at tugma.

2. Imahen – ang sariwa at malinaw na imahen ay ginagamit sa pagpapaigting, pagpapalinaw at


pagpapayaman ng pahayag. Ito ay nakatutulong sa mambabasang maunawaan at madama ang kalagayan o
bagay na inilalarawan ng manunulat ayon sa pagdanas niya nito nang buong angkop, buong linaw, may
pwersa at kaiklian.

Kinakailangang ilarawan ito nang hindi nalalayo sa ating karanasan ; ilarawan ito sa
pamamaraang madali o agad nating madarama sapagkat maituturing nating kabahagi ng ating araw-araw na
buhay.

Isang halimbawa nito ay ang tulang “Tinig na Darating” ni Baylen


Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Ito ba ang manang aking bubungkalin


Na sambuntong abo at nagngangang libing?
- Ang imaheng inilahad sa nasambit na tula ay ang mga salitang, abo libing atbp.

3. Kaisipang Pampanulaan

Ang anumang sulatin ay nangaingailangan ng pag-iisip. Ibig sabihin, bago makasulat


ang isang may-akda ng kahit anumang sulatin ay nangaingailangan ng malalim at malawak na pag-iisip.

Dapat isaalang-alang sa anumang sulatin ang salitang kahusayan. Ito ay madalas ginagamit sa
larangan ng pagtula. Maraming may-akda na sumusulat ng tula na may mabubuting kaisipan ngunit ang iba ay
hindi pa rin patok sa madla.

Ang mabuting kaisipan na nakapagdadagdag ng kaalaman sa mambabasa ay yaong


kaisipan na nababatay sa ating sariling karanasan. Mas masarap sumulat lalo na ng isang tula kung ito ay
ayon sa nararamdaman ng may-akda at hindi ayon sa kung saang pahina ng libro lamang nagmula.

4.Tugma – ayon kay Baltazar ang tugma ay kasangkapan lamang sa paglalahad ng kaigtingang lumulukso sa
mga salitang pinagsama-sama upang mabuo ang kahulugang nais niyang ipaalam.

- pinag-isang tunog sa hulihan ng mga taludtod.

5. Damdamin – sa pamamagitan ng panitikan, nagkakaroon tayo ng pagkakataong makilala ang


pagpapahayag ng damdamin sa pamamaraang bihirang maganap sa aktuwal na buhay (sapagkat karaniwang
ikinukubli ang damdamin o nagbabalatkayo tayo sa iba’t ibang kadahilanan) at matantong naranasan din ng
iba ang damdaming nadama natin, nagawang maunawaan at mailahad ito.

6.Wikang Pangkaisipan

Konkreto – aktwal na kahulugan

Abstrak – may mas malamim na kahulugang nakapaloob sa mga akda (tayutay, matalinhaga)

Saknong - isang grupo ng mga salita sa loob ng isang tula na may dalawa o higit pang taludtod.

2 linya - couplet 6 linya - sestet

3 linya - tercet 7 linya - septet

4 linya - quatrain 8 linya - octave

5 linya - quintet

Ang couplets, tercets at quatrains ang madalas na ginagamit sa mga tula.

7. Sukat - Ito ay tumutukoy sa bilang ng pantig ng bawat taludtod na bumubuo sa isang saknong. Ang
pantig ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa.

Halimbawa:

isda – is da – ito ay may dalawang pantig

is da ko sa Ma ri ve les – walong pantig

Mga Uri ng Sukat

1. Wawaluhin

Halimbawa:

Isda ko sa Mariveles

Nasa loob ang kaliskis

2. Lalabindalawahin
Republic of the Philippines
State Universities and Colleges
GUIMARAS STATE COLLEGE
GRADUATE SCHOOL
Buenavista, Guimaras

Halimbawa:

Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad

Sa bait at muni, sa hatol ay salat

3. Lalabing-animin

Halimbawa:

Sari-saring bungangkahoy, hinog na at matatamis

Ang naroon sa loobang may bakod pa sa paligid

4. Lalabingwaluhin

Halimbawa:

Tumutubong mga palay,gulay at maraming mga bagay

Naroon din sa loobang may bakod pang kahoy na malabay

Ang mga tulang mga lalabindalawa at labingwalo ay may Cesura o hati na nangangahulugang
saglit na paghinto ng pagbasa o pagbigkas sa bawat ikaanim na pantig.

Halimbawa:

Ang taong magawi / sa ligaya’t aliw

Mahina ang puso’t / lubhang maramdamin

Tinanong ko siya / ng tungkol sa aking / mga panaginip

Pagdaka’y tumugon / ang panaginip ko’y /

Pag-ibig, Pag-ibig!

8. Sining o kariktan - paggamit ng pili, angkop at maririkit na salita. Nagbibigay ng pangkalahatang impresyon
sa bumabasa. Kailangang magtaglay ang tula ng maririkit na salita upang masiyahan ang mambabasa gayon
din mapukaw ang damdamin at kawilihan.

9. Talinghaga - tumutukoy ito sa paggamit ng matatalinhagang salita at tayutay. Magandang basahin ang
tulang di-tiyakang tumutukoy sa bagay na binabanggit. Ito’y isang sangkap ng tula na may kinalaman sa
natatagong kahulugan ng tula.

Tayutay - paggamit ng pagwawangis, pagtutulad, pagtatao ang ilang paraan upang ilantad ang
talinghaga sa tula

10. Anyo - porma ng tula.

11. Tono/Indayog - diwa ng tula.

12. Persona - tumutukoy sa nagsasalita sa tula; una, ikalawa o ikatlong panauhan

You might also like