You are on page 1of 42

“PROSTITUSYON”

Ashbey, Robert Ken H.

Dadis, Joshua Mae C.

Gumadlas, Mohammed Jalil A.

Medallon, Zatchelle Nicolas N.

Santos, Concepcion Grace F.


Unang Eksena: Sa Tahanan
Tagapagsalaysay: May isang batang babae na nag ngangalang Ericka. Siya ay
simpleng babae na may simpleng buhay kasama ang kanyang Ama at Ina. Sila ay
kumakain sa hapag-kainan at masayang nagkwekwentuhan.
*OPEN CURTAINS*
Ericka: Alam mo nay, pangarap kong maging Doktor paglaki.
Nanay: *tuwang tuwa* Talaga ba, anak?
Tatay: Bakit gusto mong maging Doktor?
Ericka: Gusto ko paglaki magagamot ko kayo. Halimbawa, magkasakit kayo pareho..
ako gagamot sa inyo.
Nanay: *mapapaisip* Hindi mo ba alam matagal yang kurso na gusto mo paglaki,
anak?
Tatay: Oo nga anak, tama ang nanay mo. Hindi ba mas maganda kung mag guro ka
nalang? Mahirap na ang buhay ngayon.
Ericka: Gusto ko po kasi talaga makatulong sainyo paglaki ko.
Tatay: Sige, kung ‘yan ang gusto mo Anak. Suportahan ka namin ng nanay mo. Diba
Josie?
Nanay: Oo naman. (napaisip na may halong kaba)
Ericka: Wag kayo magalala. Hindi ko kayo bibiguin sa buhay na tatahakin ko.
Tagapagsalaysay: Lingid sa kaalaman ni Ericka na may malubhang sakit na dinadala
ang kanyang Ina.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalawang Eksena: Sa Paaralan


Tagapagsalaysay: Habang nasa paaralan, tinutukso siya ng kanyang mga kaklase at
sinasabing panget at mangmang siya.
Kaklase1: (nakatingin kay kaklase 2) Uy oh! Tignan mo si Ericka ang laki ng salamin
sakanya! Para siyang patay na bata! nakakadiri!
Kaklase2: Oo nga eh. Hindi ko nga alam paano nakapasok yan dito eh mahirap lang
naman sila!
Kaklase1: Hindi ko nga alam kung bakit sinasama pa yan nina Sheena, Angel, at Mitch
eh halata naman na hampaslupa lang siya at ng pamilya niya.
Ericka: (narinig ang sinabi ng mga kaklase ngunit dedma lang siya)
*tumunog na ang kampana ng eskwelahan*
Sheena: Tara Ericka! Kain tayo sa canteen kasama sila Angel at Mitch.
Ericka: (nangangamba) Sigurado ba kayo?
Angel: Bakit naman hindi?
Ericka: Eh kasi, narinig ko yung mga kaklase natin pinaguusapan ako na kesyo
mahirap daw ako. Isa pa, bakit daw ako sumasama sainyo eh di naman ako nababagay
sainyo.
Mitch: Ano ka ba, wag ka makinig sa mga sinasabi nila. Mga wala lang magawa yan sa
buhay nila.
*CLOSE CURTAINS*
Tagapagsalaysay: Sa hindi inaasahang pangyayari, nilapitan si Ericka ng kanyang guro
at sinabing kailangan na niyang umuwi.
Guro: Iha, kailangan mong umuwi ngayon na.
Ericka: Bakit naman po? Eh hindi pa po tapos ang klase.
*CLOSE CURTAINS*
*End of Scene*

Ikatlong Eksena: Sa Tahanan


Tagapagsalaysay: Agad agad na umuwi si Ericka ng sabihin ng guro niya na umuwi na
siya. Sa hindi inaasahang pangyayari…….
Ericka: *kumakatok*
Tagapagsalaysay: Nakalipas ang ilang minuto na walang nagbubukas ng pinto, agad
siyang nagtanong sa kanilang kapitbahay.
Ericka: Aling Ising, napansin niyo po bang umalis ang aking Ama at Ina?
Aling Ising: Ay naku iha! Pumunta ka na sa malapit na ospital at tiyak ko na nandoon
ang iyong Ina. Dahil nakita ko ang nanay mo na sinugod sa ospital kani-kanina lang.
Ericka: (naluluha ng marinig ang balita) *nabigla at nauutal* P..pppp..po? Hindi po ba
kayo nagsisinungaling? Wala pong sakit ang nanay ko!
Aling Ising: Ay naku iha! Bilisan mo na’t pumunta ka na sa malapit na ospital diyan sa
may central.
Tagapagsalaysay: Nagmamadaling pumunta si Ericka sa pinakamalapit na ospital at
lingid sa kaalaman ni Ericka na may dinadala palang malubhang sakit ang kaniyang Ina
kaya itinago sakanya ng ilang taon.
*CLOSE CURTAINS*
Ika-apat na Eksena: Ospital sa Central
Tagapagsalaysay: Agad na dumating si Andrea sa hospital at sinabi ang pangalan ng
kanyang Ina.
Ericka: Niasaan po si Josephine F. Cruz?
Nars: (tinignan ang listahan ng mga pasyente ngunit wala doon ang pangalan ng
kanyang Ina) Wala po ma’am, baka po nasa Emergency Room pa po.
Tagapagsalaysay: Habang naglalakad si Ericka sa Emergency Room, nakita niya ang
kanyang Tatay na balisa at tulala. Agad niyang kinausap ang kanyang tatay habang
umiiyak.
Ericka: Tay…… (umiiyak) *nakukutuban na*
Tatay Lino: Anak.. patawad. Dahil wala na ang iyong Ina.
Ericka: *nabigla* *natulala*
Ericka: *galit* BAKIT SIYA MAMATAY EH WALA NAMAN SIYANG SAKIT? BAKIT
ITAY?
Tatay Lino: *lugmok* Patawad Anak. Dahil tinago naming sayo ang katotohanan na
may malubhang sakit ang iyong inay. Sapagkat, nangangamba kami na hindi mo
kayanin pag nalaman mo ang totoo at makaapekto ‘to sa iyong pagaaral.
Ericka: *umiiyak* Bakit niyo po ‘to inilihim sa’kin? Wala po ba akong karapatan
malaman ‘yon? Pero teka, ano ba ang kinamatay niya?
Tatay Lino: Kanser sa Dugo. Pasensya ka na Anak. Hindi ako ang may gusto na ilihim
‘to sayo kundi ang nanay mo.
*CLOSE CURTAINS*
Ika-limang Eksena: Sa Tahanan
Tagapagsalaysay: Makalipas ang libing ng kaniyang Inay ay hindi pa rin lumubos
maisip ng kanyang Ama ang mga nangyari. Dito nagsimula ang kalbaryo ni Ericka sa
kamay ng kanyang Ama.
Ericka: Tay! Umiinom ka nanaman! Araw araw nalang ba simula nung nawala si Inay?
Lagi ka nalang ba maglalasing?
Tatay Lino: *medyo galit* Wag kang makielam anak lang kita! *tumaas ang boses* At
tska paraan ko ‘to para makalimutan ang nanay mo!
Ericka: Kahit anong gawin mo, hindi mo na maibabalik si nanay! *paiyak na*
Tatay Lino: Alam ko hindi ko na maibabalik ang nanay mo! Akala mo ba madali lang
‘yon para sa akin? (sabay bato ng boteng iniinom) Sana hindi nalang nanay mo ang
nawala!
*CLOSE CURTAINS*
Ika-anim na Eksena: Tahanan
Tagapagsalaysay: Makalipas ang ilang araw, nadatnan ni Ericka galing school ang
kaniyang Ama at ang mga kumpare nito na nagiinuman sa loob ng tahanan nila.
Ericka: Mano po, Itay.
Tatay Lino: *hindi pinansin tila walang pakieelam*
Kumpare1: Anak mo yun pare? Ang ganda ha?
Kumpare2: Babae pala ang anak mo, Lino! *malagkit ang tingin kay Ericka*
Tatay Lino: (nakatingin ka Ericka) Pumasok ka na sa kwarto mo Ericka.

Kumpare2: *lasing na* Malaki na pala ang anak mo Lino eh. Ang SEXY pa!
Kumpare1: *lasing na rin* Maganda pala lahi mo Lino eh… Matatangkad! *medyo
bastos na sinabi sa harapan ni Lino*
Tatay Lino: *medyo antok na sinabi* Wag kayo ganyan pare!
*CLOSE CURTAINS*
Tagapagsalaysay: lingid sa kaalaman ni Lino, may namumuong plano na ang kanyang
dalawang kumpare sa kaniyang anak na si Ericka. Siya ay nalasing at nakatulog nalang
sa sofa at dito na nangyari ang di inaasahang pangyayari kay Ericka.
*OPEN CURTAINS*
Kumpare1: *lasing* Pare ang ganda ng anak ni Lino ha. Ang laki na, sexy pa.
Kumpare2: *lasing* Oo nga pare eh. Tingin mo ayos na ba yan?
Kumpare1 at Kumpare2: (nagkatinginan)
Kumpare2: *lasing* (pabirong sinabi) Sige pare kung malakas ka, pasukin mo yung
kwarto niya.
Kumpare1: *lasing* Hindi pwedeng ako lang. Dapat tayong dalawa! Tutal, mukang
gusto mo rin yung anak ni Lino eh.
*Pumasok na ang dalawang mag kumpare sa kwarto ni Ericka at dun na nangyare ang
pang hahalay sa kaniya.*
Ericka: WAG PO! MAAWA PO KAYO SA AKIN!
Kumpare 1: Wag kang maingay! Gusto mo bang patayin namin kayo ng tatay mo?

*CLOSE CURTAINS*

Ika-pitong Eksena: Sa Sala


Tagapagsalaysay: Dahil sa naranasan ni Ericka na panghahalay at takot na rin na
balikan sila nito, minarapat nalang niya na manahimik at hindi sabihin sa kanyang Ama
na lugmok na lugmok kakaisip sa kaniyang namayapang Ina ang nangyari nung gabing
‘yon.

*OPEN CURTAINS*

Tatay Lino: *pasigaw* Ericka! Wala pa bang almusal? Pag timpla mo’ko ng kape!
Ericka: *naiilang at nagpipigil ng luha* (nag-abot ng kape) Eto na po, Itay

Tatay Lino: *nanenermon* Wala ka bang pasok ngayon? Bakit hindi ka pumasok?

Ericka: May sakit po ako ‘tay.

Tatay Lino: PURO KA KASI LAKWATSA! WALA KA NG MATINONG GINAWA DITO


SA BAHAY!

Ericka: (tumakbong umiiyak papunta sa kaniyang kwarto)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-walong Eksena: Sa Eskwelahan


Tagapagsalaysay: Kinabukasan sa Eskwelahan, Si Ericka ay patuloy parin inaabot ang
kaniyang pangarap na makapagtapos. Dahil ito ang kanyang huling sinabi sa Ina.

Mitch: Ericka! Bayad ka na ba sa matrikula natin?

Sheena: Ay oo nga pala, bayaran na pala natin ngayon.

Ericka: Hindi ko pa alam e. Hindi ko pa naakausap ang tatay ko tungkol sa mga


bayarin.

Angel: Ako nga bayad na ‘ko. Balita ko pag hindi nagbayad ngayon hindi na
tatanggapin ng eskwelahan.

Ericka: (napaisip) *malungkot* Ay, ganun ba?

Sheena: Bakit Ericka anong problema?

Ericka: Hindi wala naman. Sige, uwi na muna ako. Kita nalang tayo bukas.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-siyam na Eksena: Sa Tahanan

Tagapagsalaysay: Si Ericka ay napapaisip kung saan siya kukuha ng pera kaya naman
ay agad niyang kinausap ang tatay niya paguwi. Nadatnan niya itong umiinom

Ericka: *gusting banggitin ang tungkol sa matrikula niya* Tay, umiinom ka nanaman?

Tatay Lino: Sinanla ko na ‘tong bahay natin pandagdag sa pampalibing ng nanay mo.

Ericka: *nagulat* ANO TAY? Akala ko ba okay na ‘yon? Bakit hindi mo nanaman ako
sinabihan muna tungkol dito?

Tatay Lino: Bakit ko sasabihin sayo? Wala ka namang alam sa mga nangyayari dito sa
bahay! At pwede ba, wag moko kausapin na parang mas matanda ka sakin. Anak lang
kita!

Ericka: *Nagdabog papunta sa labas*

Tagapagsalaysay: Si Ericka ay nagmamadaling pumunta sa bahay ni Sheena….

Ericka: *Kumakatok sa bahay ni Sheena*


Sheena: (Binuksan ang pinto) *nagulat* Uy ikaw pala ‘yan! Anong ginagawa mo dito?
Anong oras na ha.

Ericka: Sheena pwede ba akong makitulog sainyo? Nag-away kasi kami ng tatay ko
eh.

Sheena: Huh? Hindi ko maintindihan. Ano bang nangyayari sayo?

Ericka: Kailangan na kailangan ko na kasi ng pera ngayon, Sheena. Wala na akong


maisip na pwede pang lapitan dahil marami akong dapat bayaran.

Ericka: Yung matrikula ko sa eskwelahan, tapos yung bahay namin ngayon ko lang
nalaman na sinangla ng tatay ko. *umiiyak*
Sheena: Ay ganun ba? Paano ka na niyan ngayon? Paano na pag-aaral mo?

Ericka: Gusto kong magtrabaho kaso hindi ko alam kung saan at paano.

Ericka: Kung may alam lang akong trabaho na pwede pagkakitaan, isusugal ko na sarili
ko.

Sheena: Ah ganun ba, kung gusto mo ng pera, may alam akong pwede mong gawin.

Ericka: *nagtataka* Ano naman ‘yon at ano ang gagawin?

Sheena: Ano ka ba, madali lang yun! *medyo malambing ang boses* (nanghihikayat)

Makikipagkita ka lang sa lalaki tapos bibigyan ka ng malaking pera. (nanghihikayat lalo)

Kayang kaya mo naman yun at hindi ko naman sasabihin sayo ‘to kung hindi mo naman

kaya.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-sampung Eksena: Sa Beerhouse

Tagapagsalaysay: Dinala ni Sheena si Ericka sa lugar kung saan hindi siya pamilyar. Ang

lugar na ito ay maraming ilaw ang umiikot, malakas ang tugtugan at may mga taong
nagiinuman. Karamihan na nagiinuman dito ang mga lalaki habang may sumasayaw sa

gitna.

Ericka: *napaisip at naalala ang sinapit kay Kumpare1 at Kumpare2* Sheena hindi ko

kaya.

Sheena: Diba gusto mo ng pera? Wala kang pambayad sa school, paano na pagaaral

mo? Nakasangla bahay niyo, saan ka na titira niyan?

Ericka: *napipilitan*

*Dumating ang kakilala ni Sheena sa loob ng Beerhouse*

Joseph: Oh Sheena, ano meron? Bakit ka nandito?

Ericka: *nagtataka kung bakit kilala si Sheena doon*

Sheena: Tulungan mo naman kaibigan ko, nangangailangan eh.

Joseph: Ah, madali lang yan! (tumingin kay Sheena) Maganda ka naman at sexy, ganito

yung mga tipo kong babae.

Tagapagsalaysay: Sumugal na si Ericka na gawin ang mga ganitong klaseng bagay para

na rin sa kanyang pag-aaral at para na rin sa bahay nilang nakasangla.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-isa na Eksena: Kaarawan ng Kaibigan ni Joseph

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng gabing ‘yon, niyaya ni Joseph si Ericka na sumama

sakanya sa kaarawan ng kaniyang kaibigan na lalaki.


Joseph: (binigay ang regalo sa kaibigan) Maligayang Kaarawan, Albert! (pinakilala si

Ericka) Eto nga pala si Ericka, kaibigan ko.

Ericka: *nahihiya* Ah.. eh.. Maligayang Kaarawan sa’yo.

Albert: Salamat. Maupo na kayo doon at magsisimula na rin tayo.

*nagiinuman na sila at halatang lasing na lasing na si Joseph at si Albert*

Albert: (nakatingin kay Ericka) *may pagnanasa* Alam mo, kanina pa kita napapansin

simula nung pumunta ka dito. Aaminin ko, nagustuhan kita. *hinahawakan ni Albert ang

balikat ni Ericka at binubulungan na pumunta sila sa isang sulok*

Ericka: (tinanggal ang kamay ni Albert) *naiinis* Ano ba!

Albert: (nilabasan ng pera si Ericka) alam kong eto ang kailangan mo. Malaki ang

pangangailangan mo, hindi ba? Kaya alam kong lahat gagawin mo para lang

malagpasan mo ‘to at handa kita bayaran sa presyong gusto mo.

Ericka: *napaisip*

Tagapagsalaysay: Naisip nanaman ni Ericka ang kanilang nakasangla na bahay at ang

matrikula niya sa eskwelahan ngunit bago pa mapunta si Ericka sa Beerhouse ay

planado na nila Sheena, Albert at ni Joseph ang lahat. Si Sheena at Joseph ay

magkasintahan at ginawa lang nila ito upang ipahiya si Ericka sa lahat.

*flashback, bago pa mapunta si Ericka sa Beerhouse*


Ika-siyam na Eksena: Sa Bahay ni Sheena

*Ang eksena na ito ay binalik sa storya kung saan naganap ang pagpunta ni Ericka sa

bahay nila Sheena at habang kausap niya si Ericka doon ay may ganap na palang

usapan si Sheena, Joseph at Albert*

Sheena: *tinawagan si Joseph* Babe, Gawin mo ang lahat upang mapahiya yang

Ericka yan sa Beerhouse na ‘yon. Tama naman yung mga naririnig non sa eskwelahan

na dapat hindi naman talaga siya nakikisama sa amin.

Joseph: Oo babe. Lahat ng pwede mangyari na ikakahiya niya gagawin ko. Tatawagan

ko rin si Albert at papalabasin ko na kinabukasan ay kaarawan niya. Dun na rin

mangyayari ang lahat.

Sheena: Dapat lang! dahil una palang, hindi ko na gusto yung asta ng babaeng yan na

akala mo kung sino. Ayoko sa lahat yung nag mamaang-maangan pa.

Sheena: Patapon naman din yung buhay kaya madali nalang mapa-Amo yan!

Joseph: Oo mahal. Makakaasa ka sa mga gagawin ko.

*CLOSE CURTAINS*

Tagapagsalaysay: Dito na rin agad tinawagan ni Albert si Joseph at plinano ang mga

susunod na mangyayari.

Albert: Pre, may kaibigan ako na papapuntahin diyan bukas. Alam mo na ang gagawin.

Mabilisan lang naman ‘to dahil matindi ang pangangailangan.


Joseph: Oo pre akong bahala diyan.

Tagapagsalaysay: Yun talaga ang mga napagusapan at napagplanuhan para kay Ericka.

Kaya naman bago pa mangyari ang dapat mangyari sa Beerhouse ay alam na nila

Sheena, Albert at Joseph ang gagawin.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-Isa na Eksena: Kaarawan ng Kaibigan ni Joseph

Tagapagsalaysay: Wala pa rin kamuang-muang si Ericka na pinagplanuhan siya ng

kanyang tinuring na kaibigan na si Sheena. Dito na rin nakumbinsi si Ericka na pumatol

kay Albert.

Ericka: Sige na pumapayag na ‘ko. Hindi dahil sa gusto ko, ang pera na makukuha ko

dito ay para sa pagaaral ko at para na rin mabayaran na ang iba pang mga bayarin ko.

Albert: (habang papalapit kay Ericka dahil tinaboy siya kanina) Gugustuhin mo rin lahat

ng gagawin ko sa’yo! *manyak na pagkakasabi*

Tagapagsalaysay: Nangyari na ang mga nangyari nung gabing na ito. Si Ericka ay agad

na ring bumalik kela Sheena pagkatapos dahil hindi sila ayos ng kanyang Ama, dun muna

siya tumira saglit.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-dalawang Eksena: Pagkatapos ng Pagkukunwari

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng pekeng pagkukunwaring araw ni Albert, agad silang

nagusap ni Joseph tungkol sa mga nangyari nung gabing ‘yon.


Joseph: Ayos ka pre ah. Nakuha mo agad yung loob nung babaeng yon ha.

Albert: Ganon talaga pre pag pera lang ang katapat. Gagawin mo talaga lahat para lang

makakuha ng malaking pera.

Joseph: Lakas mo talaga pre. Ano nga ba ulit pangalan non? Erich? Ella? Ano nga ba

ulit yun?

Albert: Ericka ‘yon pre. Sayang nga lang medyo may itsura pa naman at sexy. Maagang

nasira yung buhay. Napaaga rin yung pag benta nung katawan.

Joseph: (tumawag si Sheena) Oh babe? Teka lang Albert ha.

Tagapagsalaysay: Tumawag si Sheena at hindi alam ni Joseph ang imahe na sinasabi

nito.

Sheena: Hi babe, send mo na sa akin yung picture at ako na bahalang magkakalat non.

Joseph: Huh? Anong picture?

Sheena: Hindi ba nabanggit ni Albert sayo yon?

Joseph: (lumapit kay Albert) Pre anong sinasabing picture neto ni Sheena?

Albert: Ah yun ba? (hinalungkat sa gallery ng phone)

Albert: Eto yun pre, Picture ni Ericka na walang kamuang-muang sa nangyari.

Joseph: (mukang hindi interesado at umiiling iling)

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-tatlong Eksena: Sa Kwarto ni Ericka


Tagapagsalaysay: Dito napaisip si Ericka sa mga nangyayari sa buhay niya. Kung bakit

niya ito nararanasan at kung kanino at para saan niya ito ginagawa. Muli na siyang umuwi

sa bahay nila ngunit kada umuuwi siya, hindi niya nadadatnan ang kanyang Ama.

Ericka: (napapaisip sa kanyang buhay habang nakatingin sa salamin) *kausap ang


sarili* Napapansin ko na nagiging patapon na ang buhay mo. Ano ba nangyayare sayo?
Bakit simula ng nawala ang Inay, nagkagulo na ang lahat? Bakit hindi mo manlang
inisip ang pagkababae mo? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo?
Ericka: Bakit pa kasi dumating pa sa punto na mahihirapan ka at mapapriwara? Paano
na yung mga pangarap mo?
Ericka: Ano ba ang dapat kong gawin? *nakatingin sa taas* Kayo na po ang bahala
sakin at sa buhay Diyos ko!

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-apat na Eksena: Sa Eskwelahan


Tagapagsalaysay: Pagpasok ni Andrea sa eskwelahan may nagbubulungan na mga

estudyante sa paligid niya. Ang mga kalapit niyang kaibigan na sina Sheena, Angel, at

Mitch ay nanibago sa kanya.

Sheena: (nakatingin kay Andrea) *nabigla* Parang may iba sa mukha mo ngayon?

Angel: Oo nga ‘no? Gumanda ka lalo! Pero hindi lang ‘yon, may nalaman pa kami sayo!

Ericka: (natawa sa reaksyon ng dalawa) Ay hahaha ano ba kayo! Ah.. Eh.. *pabulong at

kinakabahan na nagsalita* Ano yung nalaman mo sakin, Angel?

Mitch: *pabiro* Marunong ka palang mag ayos?

Angel: Kailan mo pa natutunan mag ayos? Hindi ka naman ganyan dati ah? Tignan mo,

pinagtitinginan at pinaguusapan ka na ng mga kaklase natin.


Ericka: (nagtataka parin kung bakit siya pinagtitinginan)

Ericka: (tumitingin tingin sa paligid) *naiilang* Ano bang meron? Kung makatitig naman

sakin yung mga tao parang may ginawa akong masama.

Sheena, Angel, Mitch: (nagtitinginan)

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-limang Eksena: Pauwi Sa Tahanan ni Ericka

Tagapagsalaysay: Habang kinukutuban na si Ericka sa mga nangyayari agad niyang

kinamusta ang kaniyang Ama paguwi galing Eskwelahan.

Ericka: (kumakatok sa pinto) Tay!

Tatay Lino: (binuksan ang pinto) *pasigaw* San ka nanaman nanggaling! Panay ang

lakwatsa mo! *papunta sa lamesa*

Ericka: (nawalan na ng respeto) *pasigaw* Ikaw! Panay nanaman ang inom mo! Hindi

mo ba alam pagod na pagod na ako sa buhay na meron tayo ngayon?

Tatay Lino: *lasing* *pasigaw na rin* Walanghiya kang bata ka! Akala mo ikaw

nagpapalamon at bumubuhay sakin ha!!!

Ericka: *pasigaw* Simula nawala si nanay ganyan na lagi ginagawa mo! Kung hindi

pagiinom, Binebenta mo lahat ng gamit na meron dito sa bahay!!! Pati yung mga

paboritong gamit ni nanay binenta mo na! Di ka pa nakuntento! Sinangla mo na yung

bahay na ngayon ako ang nagpapakahirap dumiskarte para mabayaran!!! *nadulas ng

kakaonti sa sinabi* *paiyak na*


Tatay Lino: (Sinampal si Ericka) WALA KANG KWENTANG ANAK! SANA IKAW

NALANG DIN YUNG NAMATAY EDI SANA MASAYA AKO NGAYON KASAMA ANG

NANAY MO!

*dumating na ang babaeng nagpapaupa ng bahay na kung saan ay pinapalayas na silang

mag-Ama doon dahil ang bahay ay nakasangla*

Babae: Nagsisigawan kayo diyan! Hindi niyo pa nga nababayaran ng buo pinasangla

niyo na ‘tong bahay na inuupahan niyo lang!

Ericka: (nagpintig ang tenga) Ano ho? Babayaran ko ng buong buo ‘yan bukas na bukas!

*napaisip kung kanino nanaman lalapit para mabayaran ang mga utang*

Tatay Lino: (bigalang inatake at sinugod sa hospital) *tumumba*

Ericka: (hindi mapakali) *Pasigaw* TAAAAAY!

Ericka: (nagtawag ng mga kapitbahay) Tulong! Tulungan niyo po ako!!! *sobrang naiiyak

na*

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-Anim na Eksena: Sa Ospital

Tagapagsalaysay: Agad na sinugod ang kanyang Ama at Dead on Arrival ‘to… Dahil sa

sinapit ng kanyang Ama, hindi na niya muna inintindi ang babayaran sa pagka-sangla ng

kanilang bahay.

Ericka: (nasa higaan kung san nakahiga ang tatay niya) *sobra ang iyak* Tay! Pasensya

ka na sa lahat ng naging kasalanan ko sa inyo ni Nanay.


Ericka: Hindi ako perpektong anak pero alam ng Diyos kung paano ko pinagsikapan

lahat upang maitaguyod ang pamilya natin.

Ericka: *iyak pa rin ng iyak* Alam ko tay nagkulang ako ng sobra sainyo ni nanay. Ginawa

ko parin lahat upang hindi ko kayo bigyan ng sama ng loob sa mga nagawa kong

pagkakamali sa buhay ko.

Ericka: Mahal na mahal ko kayo ni Nanay, Tay. Salamat dahil alam kong gusto niyo lang

din ng magandang buhay para sakin pero hindi ko yun nagawa dahil…

*nilapitan siya ng Nars at sinabing dadalhin na ang kanyang Ama sa morgue*

Nars: Ma’am pwede na pong umalis diyan dahil po dadalhin na ang Tatay niyo sa

morgue.

Ericka: *iyak pa rin ng iyak ngunit wala na ring magawa* Teka po, ano po bang

ikinamatay ng Tatay ko?

Nars: Nakita po kasi namin na may iniinda na siyang sakit sa puso. Umiinom din po ba

siya?

Ericka: Opo, wala pong araw na hindi siya umiinom,

Nars: Ayun, isa din po yung sa dahilan kung bakit nagkaroon siya ng sakit sa kaniyang

atay. Maiwan ko po muna kayo diyan may kailangan pa po akong gawin.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-Pitong Eksena: Lamay ng kanyang Ama


Tagapagsalaysay: Hindi parin makapaniwala si Ericka sa mga nangyari sa kanyang

buhay. Malalim niyang iniisip kung paano mababayaran ang kaniyang matrikula, paano

maibabalik sa dati ang kanilang bahay na may biglang may dumating sa lamay ng tatay

niya na dalawang babaeng na hindi niya kilala na taga eskwelahan niya…

Tao1: Ate Ericka, nakikiramay po kami ni Tao2 sa pagkamatay ng iyong Ama.

Tao1: May dahilan din po dito ang pagpunta ko hindi lang dahil makikiramay po sainyo.

Ang pagpunta ko po dito ay upang sabihin at ipakita sainyo ‘to.

Tao2: (binuksan ang phone at pinakita ang picture niya na kumalat) Kumakalat na po

‘tong picture niyo sa buong eskwelahan.

Tao1: Hindi na dapat namin sasabihin ate, kaso usap-usapan na ‘yan at alam kong hindi

na tama na ikalat pa ‘yan.

Ericka: *nagulat na naiiyak* Hindi ko alam ang sasabihin ko... (napaisip na may galit na

baka sila Sheena ang may kagagawan ng lahat) Maraming Salamat at sinabihan niyo

ako tungkol dito.

Tagapagsalaysay: Pagkatapos ng usapan na yon ay dumating ang tatlo niyang kaibigan

na si Sheena, Angel, at Mitch upang makiramay din dahil nabalitaan nila ang nangyare

sa kanyang AMA ngunit nag-iba na ang tingin ni Ericka sa kanilang tatlo lalong lalo na

kay Sheena.

*CLOSE CURTAINS*

Ikalabing-walong Eksena: Sa Beerhouse


Tagapagsalaysay: Matapos ang limang araw na lamay ay inilibing na rin ang kanyang

Ama katabi ng mga labi ng kanyang Ina. Hindi lubos maisip ni Ericka ang lahat ng

nangyari sa kaniyang buhay kaya naman ay hanggang ngayon ay napapaisip parin siya

sa sinapit ng kanyang magulang. Pumunta ng Beerhouse si Ericka upang malibang at

makalimot at naisipan niyang magtrabaho dito.

Ericka: (sa loob ng Beerhouse namimigay si Ericka ng mga inumin at medyo lasing na)

*tumitingin sa paligid at bumulong sa sarili* Bakit pinaguusapan ako ng mga tao dito?

Mga walang magawa sa sarili. Nandito lang naman ako para maitaguyod ko ang sarili

ko.

TaoSaBar1: Ay yan ba yun? (tinuturo si Ericka habang binubulungan ang kausap)

hahaha! Nakakaawa naman siya!

TaoSaBar2: Diba? Siya na siya yung nakita ko na sikat na sikat eh!

Ericka: (medyo tumitingin sakanila) *may tama na* Magandang gabi ma’am, may

problem ba kayo sakin?

TaoSaBar1: Paano ka naman nakakasiguro na ikaw yung pinaguusapan namin?

TaoSaBar2: Hindi kami interesado sa buhay mo ‘no.

Tagapagsalaysay: Tuloy pa rin ang pagtatrabaho ni Ericka nang bigla niyang naisip na

meron pa pala siyang mga gamit sa bahay ni Sheena na balak niya na rin kunin

pagkatapos niyang uminom.

Ericka: *lasing* Ay oo nga pala. May gamit pa pala ako sa bahay nila Sheena.

*CLOSE CURTAINS*
Ikalabing-siyam na Eksena: Bahay nila Sheena

Tagapagsalaysay: Pagkatapos uminom sa Beerhouse ni Ericka, agad siyang pumunta

sa bahay nila Sheena upang kunin ang mga gamit niya. Hindi na rin niya ito masyado

pinapansin dahil sa mga nalaman niya nung araw na namatay ang kanyang Ama.

Sheena: (medyo naiilang) Oh, Ericka.. Yung mga gamit mo pala nandyan.

Ericka: Alam ko, kaya nga ako nandito diba? (sinabi habang may sama siya ng loob

kay Sheena)

*kinuha na ang kaniyang mga gamit na pagalit*

Sheena: (narinig ang mga kalabog ni Ericka) *medyo tumaas ang boses* Ano ba

Ericka! Nagdadabog ka ba ha?

Ericka: (tumigil sa harap ni sheena at tumingin) *pagalit na naiiyak* Aalis na ako dito!

Sheena: (tumaas ang kilay) Edi umalis ka! Hindi ka na pwede dito dahil hindi ka naman

nagbabayad! Libre ka na nga lahat dito ganyan ka pa umasta!

Ericka: Libre? Libre nga pero ganyan ka umasta sakin parang di kita naging kaibigan!

Pero teka, naging kaibigan ba talaga kita?

Sheena: (nagpintig ang tenga) LUMAYAS KA NA DITO!

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampung Eksena: Sa Bahay ng Tiyahin at Tiyuhin


Tagapagsalaysay: Ngayon na hindi na alam ni Ericka kung saan siya patungo, naisip

niya na may mga kamag-anak pa siya kaya naman ay pumunta siya sa bahay ng

tiyahin at tiyuhin nya.

Ericka: *kumakatok* Tao po.. Tiyo Pedro.. Tiya Rose..

Tiyo Pedro: (binuksan ang pinto) Oh Ericka.. Ano ang iyong sadya? (tinawag ang

asawa) Rose, asikasuhin mo muna ‘tong si Ericka at nagkukumpuni ako ng isang maliit

na radyo dito sa bahay natin.

Tiya Rose: Ericka anak, pumasok ka dito at dito ka na rin kumain ng umagahan.

Ericka: Ay, Tiya….

Tiya Rose: Bakit anak? Bakit parang hindi ka mapirmi.. parang may gusto kang sabihin

sakin. Ano yun?

Ericka: Tiya, nakakahiya man sabihin ngunit nais ko po sanang tumira muna dito

sainyo.

Tiyo Pedro: (narinig ang kanilang usapan) Walang problema sa amin yun Ericka, anak.

Ericka: *natuwa* Talaga po? Pangako pagbubutihin ko po ang lahat. Gagawin ko rin po

ang mga gawaing bahay. Maraming salamat po talaga!

Tiya Rose: Maliit na bagay lang yun, anak. Ito na rin yung bawi namin sa kapatid ko..

ang nanay mo. Binabalik ko lamang ang tulong na naibigay niya samin noon ng tiyo mo.

Ericka: Maraming salamat po talaga Tiya.

*CLOSE CURTAINS*
Ika-dalawampu’t Isang Eksena: Sa Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Pumapasok ng matamlay si Ericka dahil sa gabi-gabing trabaho sa

beerhouse ngunit hindi naman ‘to binibigyang pansin ng kaniyang mga guro at ang mga

kamag-aral. Patuloy parin siyang tinutukso sa eskwelahan na ito.

Kaklase1: (nasa hallway kasama ang dalawang kaibigan) Uy ayan na yung

hampaslupa oh!

Kaklase2: Sira nanaman ang araw ko! Bakit hanggang ngayon nandito pa rin yan?

Ericka: (patay malisya lang pero naririnig ang mga sinasabi tungkol sakanya)

Kaklase3: Balita ko nga wala ng magulang yan eh. Nakakaawa!

Ericka: (pumasok na sa kaniyang klase)

Tagapagsalaysay: Agad na pumasok sa klase si Ericka at pagkatapos ay umuwi agad

siya sa bahay ng kaniyang Tiyo at Tiya.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t dalawang Eksena: Sa bahay ng Tiya at Tiyo

Tagapagsalaysay: Pagkauwi niya, agad na dumeretso si Ericka sa sala at

nakipagkwentuhan sa kanyang Tiya Rose habang ang kaniyang Tiyo Pedro ay

nagyoyosi at nagbabasa ng dyaryo.

Ericka: *nagmano* Mano po Tiya Rose

Ericka: *nagmano din kay Tiyo Pedro* Mano din po Tiyo.

Tiya Rose: Kamusta naman ang eskwelahan, anak?


Ericka: (nalungkot dahil alam nya sa sarili niya na tinutukso parin siya doon) Ah.. eh..

ayos lang po, Tiya. (umiwas nalang sa usapan) *pagod ang tono ng boses*

Magpapahinga na ho ako para po sa trabaho ko mamayang gabi.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t Tatlong Eksena: Sa Beerhouse

Tagapagsalaysay: Pinagpatuloy parin ni Ericka ang pagta-trabaho sa Beerhouse at

pagod na pagod.

Ericka: (umupo muna sa isang tabi) *malalim na hinga* Haaaay. Nakakapagod!

Lalaki: (lumapit kay Ericka) Hi, Ako nga pala si Lalaki (biglang bumulong na inaaya si

Ericka)

Tagapagsalaysay: Inaaya ng lalaki dito si Ericka at pumayag naman ito. Ang hindi alam

ni Ericka, ay nandoon rin si Sheena at ang kasintahan nyang si Joseph na

pinaguusapan siya sa malayo.

Sheena: Babe, nagtataka lang ako ha? Bakit parang sanay na sanay na si Ericka?

Joseph: *napapaisip* Eh, ewan ko! Hayaan mo nalang yan!

Sheena: Hayaan? Wala siyang utang na loob tapos hahayaan? Hindi ako papayag!

Joseph: Sige ikaw bahala! Basta wag mo lang ako idadamay sa katarantaduhan mo!

*Ipinapakita dito na hindi rin interesado si Joseph dahil una sa lahat, sinet-up lang nila

Ericka. Pumayag lamang si Joseph dahil ito ang kagustuhan ng kaniyang kasintahan na

si Sheena*
Ika-dalawampu’t Apat na Eksena: Sa Eskwela

Tagapagsalaysay: Sa Eskwelahan, naguusap usap sila Ericka, Angel at Mitch tungkol

sa pera at si Ericka ay umiiwas na mapunta doon ang topic. Alam rin ni Angel at Mitch

kung saan siya kumukuha ng pera. Habang nandoon si Sheena ay nalungkot ito sa

sinapit ng kaibigan na si Ericka.

Mitch: Alam niyo ba, kahit nag-aaral ako, nakakakuha na ako ng pera para habang

nagaaral ako, natutulungan ko na rin ang pamilya ko.

Angel: Talaga? Saan naman yan?

Mitch: Nagtatrabaho ako sa isang Fast Food at ayos na rin naman ang kita ko. Ikaw

ba?

Angel: Ay, ako? May mga inihanda na rin ako na papasukan ko ng trabaho para pag

nakapagtapos na ako, hindi na ako mahihirapan. Sa ngayon, tumutulong ako sa

karinderya ng nanay ko para kumikita na rin ako ng pera.

Mitch at Angel: (parehas na nakatingin kay Ericka dahil alam nila kung saan ito

kumukuha ng pera) Ikaw, Ericka? Kamusta ka? Saan ka pala nagtatrabaho ngayon?

Ericka: Ay! Mitch.. Angel.. Kailangan ko na umuwi. Magpapahinga pa ako.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t Limang Eksena: Sa Bahay ng Tiyo at Tiya

Tagapagsalaysay: Habang naglilinis ng bahay si Ericka ay biglang pumasok ang Tiyo

Pedro niya ay hinawakan ang malalaswang parte ng katawan ni Ericka at matapos nito

ay umalis rin sa kwarto na tinutulugan nito.


Ericka: (habang natutulog)

Tiyo Pedro: (nilapitan si Ericka at hinawakan sa dalawang kamay)

Ericka: *nagulat at sumigaw* TIYO!

Tiyo Pedro: Wag kang sumigaw at baka marinig tayo ng Tiya Rose mo! (biglang

tinakpan ang bibig)

Ericka: *umiiyak* (tila hindi maintindihan ang sinasabi dahil tinakpan ang bibig neto)

Tiyo maawa po kayo sa akin! Wag niyo gawin sa akin ‘to!

Tiyo Pedro: Saglit lang matatapos din ‘to!

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t Limang Eksena: Sa Sementeryo

Tagapagsalaysay: Doon na rin nangyari ang mga hindi inaasahang mangyari.

Kinabukasan, nalaman ni Ericka na bayaran ng matrikula sa eskwelahan dahil malapit

na ang graduation nito. Pumunta muna siya ng sementeryo upang bisitahin ang

kaniyang mga magulang at dun na siya naglabas ng mga hinanakit niya.

Ericka: (Umiiyak dahil hindi na alam ang gagawin at kinakausap ang puntod ng

kaniyang magulang) *umiiyak* Nay! Tay! Tulungan niyo ako na muling mamuhay ng

normal na hindi na kailangan gamitin ang sarili para lang makakuha ng malaking pera!

Ericka: Tulungan niyo po ako na muling ibalik ang dati kong pamumuhay…

Ericka: Mahal na mahal ko po kayo Nay at Tay. Sana hindi nalang kayo nawala para

hindi na rin nangyari sakin yung mga ganitong bagay na tinitiis ko nalang dahil baon na
baon na tayo sa utang. Pangako, tutuparin ko parin ang pangarap ko para parin poi to

sainyo.

Sheena: (nakita siya ni Sheena doon at tinitignan lamang siya nito)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t Anim na Eksena: Sa Beerhouse

Tagapagsalaysay: Dahil inaalala niya ang matrikula niya, naisip niyang lumapit muli sa

isang lalaki at inaya niya ang lalaki. Ngunit nung nasa kwarto na sila ay binabaan ng

lalaki ang presyo sakanya. Nagtaka si Ericka dahil ang lalaking ‘yon ay laging malaking

pera ang binibigay sakanya.

Ericka: Sige na sobrang desperada na ‘ko! Kailangan na kailangan ko lang talaga ng

pera!

Lalaki: (naninibago) Hindi ka naman ganyan!

Ericka: Alam ko, pero ito lang kasi ang nakikita kong solusyon para makakuha ako ng

malaking pera pambayad ng mga utang ko.

Lalaki: (naglabas ng pera na hindi ganun kalaki)

Ericka: Bakit ang baba? Hindi naman ganyan yung presyo na lagi mong binibigay

sa’kin ha?

Lalaki: (tinago yung pera agad) Hindi yan ang Ericka na kilala ko.

Ericka: *umiiyak* Sige na maawa ka na sa akin. Gagawin ko ang lahat bigyan mo lang

ako ng malaking pera. (sobrang desperada na talaga siya)


Tagapagsalaysay: Wala na ring nagawa ang lalaki kaya naman ay pumayag na rin ito

sa sinasabi ni Ericka sa kanya.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t pitong Eksena: Sa Bahay ng kaniyang Tiya at Tiyo

Tagapagsalaysay: Umuwi ng matamlay si Ericka at sobrang gabi na naabutan siya ng

kaniyang Tiya Rose

Tiya Rose: Anak, bakit ngayon ka lang umuwi? Anong oras na gabing gabi na ha.

Ericka: (naiilang dahil sa sinapit kay Tiyo Pedro) *paiyak na* Pagod na pagod na po

ako, Tiya.

Tiya Rose: Bakit anak? May problema ka ba? Kung may problema ka sabihin mo sa

akin at tutulungan kita.

Ericka: *humagulgol na* (niyakap si Tiya Rose) Marami pa po kayong hindi alam sa

nangyayari sa akin, Tiya. Sa ngayon, kailangan ko lang po munang magpahinga.

(nagmano) mano po, matutulog na po muna ako.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t walong Eksena: Sa Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Sa dami ng naipon ni Ericka na pera galing sa iba’t ibang lalaki,

nakapagbayad siya ng kaniyang matrikula may ibang naiinis at may ibang natatawa

dahil alam ng karamihan kung saan nanggaling ang perang pinambayad niya

*OPEN CURTAINS*
Ericka: (nagbabayad sa cashier) Maraming salamat po.

Ericka: Hay salamat at nakabayad na ako ng aking matrikula!

*CLOSE CURTAINS*

Ika-dalawampu’t walong Eksena: Sa Cr

Ericka: *sumuka* *naiiyak* Buntis yata ako! Hindi ito dapat malaman ni Tiya at ni Tiyo

baka palayasin ako. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin.

*CLOSE CURTAINS*

Tagapagsalaysay: Pagkatapos mabayaran ang kaniyang matrikula, patuloy parin siyang

umuutang kung kani-kanino si Ericka ngunit ang iba sa kaniyang inutangan ay hindi

niya nababayaran kaya naman ay marami ng naghahabol sa kaniya lalo na sa bayarin.

Ika-dalawampu’t siyam na Eksena: Bahay ng Tiya at Tiyo

Tagapagsalaysay: Pagkadating ni Ericka sa bahay ng kanyang Tiyo at Tiya, kaniyang

unang nadatnan ang kaniyang Tiyo Pedro kasunod na rin ang kaniyang Tiya Rose.

Tiyo Pedro: (nakatungo at walang imik)

Tiya Rose: (lumapit kay Ericka) *pagalit* May pagitan ba sainyo ng Tiyo Pedro mo?

Ericka: *nauutal* P..pp.p.po? Hindi po, Tiya. *naiiyak na*

Tiya Rose: (sinampal niya si Ericka) *galit nag galit* Walanghiya ka! Sinungaling!

Ericka: *nagmamakaawa* Wala po talaga, Tiya.


Tiya Rose: (tinulak niya papalayo si Ericka) Sinungaling ka! Pinalamon kita, pinatulog

at pinagsilbihan tapos ganiyan ang igaganti mo sa akin? Lumayas ka dito sa

pamamahay ko!

Ericka: *umiiyak* (hinampas hampas ang tiyuhin niya sa galit) Ikaw! Ikaw may

kasalanan ng nito kaya ikaw dapat ang sumasalo ng galit ni Tiya Rose!

Tiya Rose: (hindi pinapakinggan ang pamangkin) Manahimik ka! (tinulak si Ericka)

Lumayas ka na dito! Hindi ka na namin kailangan at kailainma’y di ka na naming

kikilalaning pamangkin!

Tiya Rose: (kinuha ang mga gamit ni Ericka at tinapon ito sa harap niya mismo)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t na Eksena: Sa Beerhouse

Tagapagsalaysay: Nagtataka ang mga nakakakilala sakaniya kung bakit may mga bitbit

siya na maleta at mga iba pa niyang gamit.

TaoSaBar1: Ericka! B..bakit ang dami mong bitbit na gamit?

Ericka: Ah, eto? Pinalayas na ako dun sa tinitirhan ko eh. May kilala ka bang pwede ko

matuluyan yung bahay? Walang wala na kasi talaga ako eh.

TaoSaBar1: Pwede ka naman sa akin. Pero may isang kundisyon.

Ericka: *umiling* Ano naman yang kundisyon na ‘yan?

TaoSaBar1: Hindi naman na kita pagbabayarin, lahat ng meron ka ibibigay ko. Pero,

lahat din ng gusto ko dapat lahat masunod.


Ericka: (matagal bago sumagot dahil wala naman na siyang magagawa) Sige.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Isang Eksena: Sa Bahay ni Lalaki

Tagapagsalaysay: Wala naman na siyang nagawa kaya naman ay dumating na sila sa

bahay ni LALAKI at agad na pinalinis sa kaniya ang lugar ng pagtitirhan niya.

TaoKaninaSaBar: Pasensya ka na marumi ha, linisin mo nalang ‘yan.

Ericka: (habang naglilinis ay hinawakan siya ng lalaki sa likod) *pumalag*

TaoKaninaSaBar: Wag kang pumalag. Diba may kasunduan na tayo kanina? Ayan

yung ayaw ko eh, yung hindi tumutupad sa usapan.

Ericka: Oo na. (agad na bnigay ang gusto ng lalaki dahil wala na siyang magagawa)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Dalawang Eksena: Sa Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Ang baba ng tingin ng mga tao kay Ericka sa kaniyang paaralan

ngunit hindi ‘yon naging sagabal sakaniya para itigil ang kaniyang pagaaral at tuparin

ang mga pangarap. Pati na rin ang kaniyang kaibigan na si Mitch at Angel ay hindi na

siya pinapansin.

Mitch: Wag na natin kausapin si Ericka.

Angel: Grabe talaga yung pinagbago niya ‘no? Hindi naman siya ganyan dati. Ngayon

ang baba na ng tingin ko sakanya.

*biglang nag anunsyo ang kanilang Guro na malapit na ang kanilang Graduation*
Guro: Malapit na ang inyong Graduation Day. Mas magandang kasama niyo ang mga

magulang niyo sa araw na ‘yon

Ericka: (yumuko at tila nalungkot sa narinig)

KlasmeytNaExtra: (dinamayan si Ericka at hinahawakan ang likod) Okay lang ‘yan.

Kaya mo malagpasan yan.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Tatlong Eksena: Sa Bahay ng Lalaki

Tagapagsalaysay: Sa bahay ni LALAKI madaming bisita na puro lalaki at mga tropa

niya ‘yon na umiinom at biglang ….

*CLOSE CURTAINS* Ang scene na ito ay close curtains lang at biglang mago-open curtains

Ericka: Wag niyo akong hawakan! Parang awa niyo na sa akin!

LalakiNaUmiinom: Mababang uri ka lang naman na babae. Kayang kaya ka namin.

Ericka: *umiiyak* TAMA NA! AYOKO NA!

*CLOSE CURTAINS*

*OPEN CURTAINS* Pinapakita lang dito na sinasakal na ng lalaki si Ericka

LalakiNaUmiinom: (sinasakal si Ericka) Ano lalaban ka pa?

Ericka: Hindi na! Bitawan mo na ako! Ibibigay ko na ang gusto mo! (Habang ang mga

kainuman pang iba ay natutuwa sa sinasapit ni Ericka)

*CLOSE CURTAINS*
Ika-tatlompu’t Apat na Eksena: Sa Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Iniwasang isipin ni Ericka ang mga nangyari nung gabing ‘yon dahil

ang pinakaimportante sa kaniya ngayon ay ang pag-akyat nya sa entablado suot ang

kaniyang toga na may kasamang Diploma. Kasama siya sa mga nagaayos sa

Graduation Day at pinaguusapan siya dito ng kaniyang kamag-aral dahil lumalaki na

ang kaniyang tiyan.

Tsismosa1: Uy tignan mo lumalaki ang tiyan niya!

Tsismosa2: Kung kani-kanino kasing lalaki sumasama kaya ganyan na ang nangyare

sa kaniya.

Tsismosa3: Pero, bilib ako sakaniya dahil kahit grabe na ang sinapit nya sa buhay,

makakapagtapos pa rin siya ng pagaaral ngayon.

Ericka: (dedma lang at patuloy pa rin sa pag-aayos)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Limang Eksena: Sa Beerhouse

*CLOSE CURTAINS*

Tagapagsalaysay: wala nang mga nagaaya sa kaniya dahil siya ay buntis na at muka

ng losyang. Nalulungkot siya dahil wala na siyang napagkukuhaan ng pera.

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Anim na Eksena: Graduation Day Sa Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Ito na ang pinakahihintay na araw ni Ericka..


*OPEN CURTAINS*

Announcer(?): Ericka F. Cruz, High Honors, Nagtapos sa kursong Medisina (konti lang

yung mga pumalakpak)

Ericka: (kinuha na ang kaniyang diploma habang umiiyak) *nakatingin sa taas* Nay!
Tay! Nagawa ko na ang gusto niyong mangyari sa akin na makaakyat ng entablado at
makakuha ng medal. Sana nandito kayo at kasama kayo at patuloy na masaya ang
pamilya natin.
Ericka: Sana nandito kayo at nakikita niyong sinasabitan ako ng medal at binigyan ng
diploma Nay.. Tay..
Ericka: Mahal na mahal ko po kayo. (at muling bumaba na ng entablado si Ericka)

*CLOSE CURTAINS*

Ika-tatlompu’t Pitong Eksena: Sa Labas ng Eskwelahan

Tagapagsalaysay: Ramdam ni Ericka ang saya na nakuha na ang kaniyang diploma ng

biglang may dumakip sakaniya at dinala siya sa liblib na lugar. Pinagbububugbog siya

at sinaksak hanggang sa magsuka siya ng dugo.

Nagdakip: (Sinaksak si Ericka)

Ericka: *Sinaksak*

Nagdakip: Magbayad ka kasi ng hindi ito nangyayari sa’yo!

*Hanggang sa nanghina na si Ericka sa dami ng saksak sakanya at agad ring umalis

ang mga gumawa sakaniya non*

Ericka: (medyo may malay pa) *umiiyak*


Tagapagsalaysay: Umiiyak siya dahil nakikita niya ang dugo at saksak sa tiyan dahil

ramdam niya na patay na rin ang kanyang anak. Tumingin siya ulit sa taas at sinabi

niyang….

Ericka: Nay, Tay.. Makakasama ko na kayo at magiging masaya na rin ako.

Tagapagsalaysay: Pumikit siya at pumasok sa isip niya na napalaki niya ng maayos

ang kanyang anak. Masaya at maganda ang buhay nila hanggang sa pumikit nalang

bigla si Ericka at inaagaw buhay na siya.

Tagapagsalaysay: Siya ay ngumiti at binawian na ng buhay.

*END OF SCENE*

You might also like