0% found this document useful (0 votes)
318 views5 pages

Script For Introduction (Tagalog)

Uploaded by

nicosullano0803
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
318 views5 pages

Script For Introduction (Tagalog)

Uploaded by

nicosullano0803
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

RISK ASSESSMENT

INTRODUCTION
Magandang umaga! Kami ay naimbitahan ngayon para mapag-usapan natin ang
nagyari nitong nakaraang araw. Hindi po kami mga professional na counselor,
psychologist o psychiatrist, subalit kami po ay nagkaroon na ng training sa Trauma
Risk Practitioners Course kung saan handa na kaming makinig sainyo kung paano
kayo naapektuhan ng pangyayari at kumusta na kayo pagkatapos ng insidente.

FOCUS
Ang dahilan kung bakit kami nandito at ginagawa natin itong session ay para
malaman kung gaano kayo kaapektado dahil sa nangyari. Gusto din naming
maassess kung isa man sa inyo ay kailangan ng tulong professional ukol sa inyong
naramdaman epekto ng nangyari.
Itong session ay hindi isang imbestigasyon at hindi kami nandito para manisi.
Naintindihan niyo na po?

TIME
Ang gagawin natin ay walang limit na oras. Handa kami makinig hanggat may gusto
kayong sabihin o pag usapan.

FORMAT
Ang ating pag-uusapan ay iikot sa 3 stages. Bago nangyari, Habang nangyayari at
Pagkatapos ng pangyayari. Alamin natin ang totoong nangyari. Ano ang inyong
iniisip at nararamdaman. At ang iyong iniisip na maaring mangyari sa hinaharap.

OPTION TO LEAVE
Kung nararamdaman ninyo na hindi kayo mapalagay o nakakaramdam kayo ng galit
habang tayo ay nag-uusap, huwag kayong mag-atubili, maari kayong umalis sa
inyong upuan at huwag tapusin ang session. Subalit sasamahan ko kayo o isa sa
aking kasamahan para masiguro na ok kayo o pwede naming kayo samahan para
makausap ninyo ang isang professional psychologist/doctor kung kinakailangan.
CONFIDENTIALITY
An gating pag-uusapan sa session na ito ay sinisiguro naming confidential. Subalit
kung kaligtasan mo o ng buong tropa ang nakasalalay, kailangan muna kitang
kausapin bago ko ipapaalam sa mga nakakataas na opisyal.

NOTES
Minsan mapapansin ninyo na magsusulat ako ng notes habang nag uusap tayo, ito
ay dahil gusto ko maalala ang inyong mga sinasabi sa aking pagbabalik pagkatapos
ng isang buwan para I follow up kayo.

QUESTIONS
Bago tayo magsimula ng session, meron ba kayong mga katanungan?
Kung wala, maaari ba muna i-off ang ating mga cellphone para maiwasan ang
distraction bago tayo magsession.
 Sisimulan na natin ang session. Ako si _____________________________
kasama ko si _______________________________. Ano ang gusto ninyong
itawag ko sa inyo? (Names of each participant)
 Maari ba kayong magpakilala (Kung may asawa, anak, trabaho).
 Ano ang iyong mga ginagawa pag free time (Sports/hobbies)
 Ngayon kilala na natin ang bawat isa maari na nating pag usapan ang
nagyari nitong mga nakaraang araw. Na brief na ako sa mga detalye, kaya
narito kami para mapag-usapan natin ang epekto sa inyo.

BEFORE
Bago ang pangyayari, nasaan kayo? Ano ang inyong ginagawa?
 Summarize/Reflect

DURING
Habang nangyayari ang insidente, ano ang inyong naramdaman?
Ano ang inyong naisip?
Ano ang inyong naging relasyon?
1. Nawalan ka ba ng kontrol sa inyong sarili habang nangyari ang
insidente?
2. Naisip mo ba na baka mamatay ka o nasa panganib ang inyong
buhay?
3. May sinisisi ka ba sa nanggyari?
4. Ikinahihiya mo ba ang iyong naging tugon sa nangyari?
 Summarize/Reflect

AFTER
Pagkatapos ng pangyayari/insidente, noong ligtas nakayo, ano ang inyong
naramdaman?
Ano ang inyong naisip?
Paano kayo naapektuhan sa nangyari?

ACUTE STRESS INDICATOR


1. May mga bumabalik bas a inyong isipan na alaala noong insidente?
2. Na papanaginipan mo ba ang pangyayari?
3. Nararamdaman mo ban a bumabalik ulit ang mga nakaraang insidente na
kagaya nitong katatapos lang na pangyayari?
4. Nakakaramdam ka ban g galit tuwing naaalala mo ang nangyari?
5. May mga sakit ka bas a katawan na nararamdaman na dala ng nagyari?
6. Nagkakaroon ka ban g problema sa pagtulog?
7. Nagiging mainitin ba ang iyong ulo nitong mga nakaraang araw?
8. Nahihirapan ka ba gawin ang mga normal mong gawain?
9. Lagi ka na bang nag-aalala sa inyong kaligtasan at kaligtasan ng iba?
10. Nagiging magugulatin o matatakutin ba kayo pagkatapos ng nangyari?
6. Nagkakaroon ka ba ng ibang problema o alalahanin sa iyong pamilya, trabaho o
sa iyong kalusugan?

7. Naaapektuhan ba ang iyong pang araw araw na Gawain o mga plano?

8. Naihahalintulad mo ba ang nangyari sa mga iyong nakaraang karanasan?

9. Nahihirapan ka ba huminga o maghanap ng suporta para matugunan ang iyong


nararamdaman?

10. Napapansin mo ba na lumakas ang iyong pag-inom ng alak o ibang bisyo?

SUMMARIZE

Reflect.

Naintindihan ko ang iyong mga nararamdaman. At masasabi ko na normal ang iyong


pinagdadanaan, ang hindi normal ay ang pangyayari. “Normal Reaction to abnormal
Situation”.

Salamat sa pagbahagi ng iyong mga kwento. Ngayon gusto naming bigyan kayo ng
mga bagay na maaaring makatulong sa inyo.

Ang iyong nararamdaman ngayon ay normal na stress reaction at maaaring lilipas


din. Maaaring makatulong sainyo ang aking babangiting mga positibong paraan pag
handle ng stress.

1. Huwag yong sarilihin ang nangyayari.


2. Maaari kayong maghanap ng kausap at ikwento ang pinagdaanan.
3. Huwagn inyong sisihin ang sarili sa nangyari. Walang may kagustuhan sa
nangyari. Hindi agad-agad nawawala sa iyong isipan ang pangyayari,
bigyan ng panahon ang sarili na matangap ang nangyayari.
4. Ibalik ninyo ang normal na gawain.
5. Mag relax at matulog ng mahimbing, maaring magkaroon ng mga hindi
magandang panaginip, eto ay paraan ng ating isipan namatanggap ang
pangyayari.
6. Iwasan uminom ng alak. Maaari itong makatulong sapagtulog, subalit
kadalasan ito ay nagdudulot ng hindi pagkatulog.
7. Kumain ng wastong pagkain,kahit minsan walang gana. Kailangan ng
iyong katawan ang sustansiya para maging malakas.
8. Normal ang pabalik balik sa sumasagi sa inyong isipan ang nangyayari.
Huwag itong labanan dahan-dahan nababawasan ang sakit na dulot nito.
9. Maaaringmakipagusapsamgakasamahannanandoon din sapinagyarihan.
Mas maiintidihan nila ang iyong nararamdaman at pinagdadaanan.
10. May kasabihan “ Time is a Great Healer” o “ Panahon ang Maghihilom”.
Bigyan natin ng oras/panahonan gating sarili para malagpasan ninyo ang
inyong pinagdadaan.

Sana makatulong ang session natin para mas maintindihan ninyo ang inyong
nararamdaman sa pangyayari.

Nabangit ko kanina na babalik kami pagkatapos ng isang buwan para kamustahin


ulit kayo.

Kung meron pa kayong gusting sabihin o may mga katanungan na gusto ninyong
pagusapan, huwag kayong mag atubilingl umapit sa amin.

Maraming salamat sa inyong participation kung wala ng mga tanong palakpakan


natin ang ating mga sarili. END

Adapted from Trim Course Workbook Royal Navy

You might also like