You are on page 1of 2

Module II: Calming Down and Managing One’s Emotions and Thoughts

Objectives
By the end of the session, students should be able to:
• Identify positive ways to manage one’s emotions
• Practice calming down using a relaxation exercise
• Be able to practice reframing one’s thoughts

Materials/Handouts
• bond paper / paper
• Ballpen

Magandang araw! Kahapon, napag-usapan na natin ang iba’t ibang emotions na


naramdaman mo nitong mga nakalipas na mga buwan dulot ng pandemiya. Ngayong araw,
pag-uusapan naman natin kung paano natin ito haharapin. Anu-ano ang mga hakbang para
ma-manage natin ang mga emotions na ito. Sana ay handa ka na ngayong araw? Kasi ako,
handa na.

Sisimulan natin ang activity na ito sa pamamagitan ng pag-alala ng mga emotions na


nabanggit mo kahapon sa iyong module 1. Mayroon akong tatlong mga suggestions na
babanggitin na alam kong makakatulong sa iyo para maibsan ang ilan sa mga malulungkot
na emosyong nararamdaman mo ngayong may pandemiya. Maaari mo itong gawin, kahit
saan at kahit kalian mo naisin. Ang kailangan mo lang ang mag-focus at magtungo sa isang
tahimik na lugar.

Suggestion # 1: Count backwards. Sa technique na ito ay para ka lang nagbibilang, nang


mabaliktad. Kapag nakakaramdam ka ng kalungkutan, ng stress o kaya ng pangamba dahil sa
nangyayari sa paligid, pumunta ka sa isang parte ng bahay na alam mong tahimik, pumikit o
kaya ay magrelax, magbilang mula 10 pababa sa 1 habang kalmadong pinapakairamdaman
ang iyong paghinga. Breathe in and breathe out. Pagkatapos, sabihin sa sarili na kumalma.
Magrelaks. Ulitin ito hanggang maging okay na ang pakiramdam mo.

Suggestion #2: Reframe. From the term itself, palagi nating aalalahanin na ang isang feeling
o emotion ay palaging nagmumula sa kung paano tayo mag-isip. Kung paano natin
iintindihin ang mga bagay-bagay. At dahil dito, kapag binago natin ang paraan ng pag-intindi
sa mga bagay-bagay, magagawa din nating mabago ang ating nararamdaman. Isang
magandang halimbawa ay ang pakiramdam na naiinis ka dahil sinabihan ka ng nanay mo na
ikaw ay isang tamad. Iisipin natin na marahil tinawag ka ng iyong nanay na tamad dahil hindi
ka niya nakikitang nagpupursigi sa pag-aaral. O kaya hindi ka niya nakikitang tumutulong sa
mga gawaing bahay. O kaya marahil iisipin natin na napaka unfair ng trato ng nanay mo sa
iyo kumpara sa iyong mga kapatid. Maiiwasan natin iyin kapag ginawa natin ang paraan ng
pagrerframe. Magagawa nating ireframe ang sitwasyon sa pamamagitan ng pag-iisip na
marahil kaya nasabi ng nanay iyon dahil baka masyado lang stressed ang nanay o kaya ay
masyado lang siyang pagod dahil sa trabaho o sa mga gawaing bahay. Na hindi niya
sinasadyang masabi yung mga sinabi niya. Na nadala lamang siya ng pagod. Na gusto ka lang
niyang turuang maging masipag upang maging isang mabuting ehemplo sa iyong mga
nakababatang kapatid. Sa pamamagitan ng pagrireframe, natutunan kong gawing positibo
ang mga bagay na alam kong maaaring makasakit sa aking damdamin.

Bilang bahagi ng output para sa module na ito, naalala mo iyong mga emotions na naibigay
mo kahapon? Isulat mong muli ang mga ito sa iyong papel at bigyan mo ako ng paraan kung
paano mo nalalampasan ang mga ito. Ilagay mo ito sa isang malinis na papel.

Aaasahan kong muli ang iyong buong kooperasyon para sa modyul na ito 😊

You might also like