REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
PHILIPPINE INSTITUTE MARITIME STUDIES AND TECHNOLOGY COLLEGE
RIZAL ST. POBLACION SAN CARLOS, PANGASINAN
COLLEGE OF EDUCATION
PANAHON MULA NANG MATAMO ANG KALAYAAN HANGGANG SA
KASALUKUYAN
GURO/ APPLICANT: PRINCESS CAMILLE P. RESULTAY
I. Layunin
Pagkatapos ng isang oras na talakayan ang mga mag-aaral ay inaasahang maipamalas
ang mga sumusunod:
a. Natutukoy ang iba’t ibang uri at naging gamit ng panitikan mula nang matamo
ang kalayaan hanggang sa kasalukuyan.
b. Naipapahayag ang mga naging impluwensiya ng Hapon sa ating bansa.
c. Napapahalagahan ang iba’t ibang uri ng panitikan sa panahon mula nang
matamo ang kalayaan hanggang sa kasalukuyan.
II. Paksang-Aralin
a. Paksa: Panahon Mula nang Matamo ang Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan
b. Mga Kagamitan: Manila paper, Kartolina, Mga larawan
c. Sanggunian:
https://www.scribd.com/presentation/346418044/Panahon-Ng-Hapon
https://www.coursehero.com/file/90728909/MGA-PILING-AKDANG-
PAMPANITIKAN-SA-PANAHON-NG-HAPONpptx/
III. Pamaraan
A. Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Pagbati
c. Pagtala ng Lumiban sa klase
d. Balik-Aral:
1. Ano ang Panitikan?
2. Paano nga ba ito napreserba ng ating mga ninuno?
B. Pagganyak
Magpapakita ang guro ng mga larawan ng iba’t ibang panitikan sa harapan na may
kaugnayan sa isa’t isa. Magtatawag ang guro ng apat na estudyante upang mangalap
ng kanilang mga ideya sa mga larawan.
Mga gabay na tanong:
1. Ano ang napansin niyo sa larawan?
2. Anu-ano ulit ang mga panitikan na ito?
3. Ano nga ba ang naitulong nito sa ating bansa?
C. Paglalahad
Panahon Mula nang Matamo ang Kalayaan Hanggang sa Kasalukuyan
➢ Nakamit natin ang Kalayaan sa kamay ng mga Hapones noong ika-12 ng Hunyo,
taong 1898. Ito ay idineklara ng ating bayani na si Emilio Aguinaldo.
➢ Ang Maikling Kuwwento, Dula, Tula, Nobela, at Sanaysay na nalathala noong
panahon ng Hapones ay karaniwang may daamdamin at makabayan ngunit hindi
ito tuwirang binabanggit ng mga manunulat.
➢ Ang mga paksa ng iba’t ibang sangay ng ating panitikan noong panahon ng
Hapones ay Pilipinong Filipino sa diwa at sa buhay na dumadaloy nanag mabini
sa ilalim ng napakainam na pampanooring Pilipino.
Maikling Katha
➢ Ang maikling katha o maikling kuwento kung tawagin natin ay isang maiksing
sanaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang.
➢ Ang Katangian ng maikling kuwento sa ngayon ay dala o buhat sa naging
nakagawiang pagsusulat ng mga makata noong panahon ng Hapon.
➢ Bagama’t sa panahong ito ay naging masigasig ang mga manunulat sa kanilang
katha, nanumbalik, nag-ala-dagilang kawalan ng banghay ng kuwento.
Halimbawa:
➢ Ang Mag-Anak na Cruz: Katha na pumapaksa sa Pagpapahalagang Pilipino
Tula
➢ Ang panulaan o tula ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang
paggamit ng wika sa iba’t ibang anyo at estilo. Pinagyayaman ito sa
pamamagiitan ng paggamit ng tayutay.
➢ Ang karaniwang paksa ng mga tula noong Panahon ng Hapon ay tungkol sa
bayan o sa pagkamakabayan, pag-ibig, kalikasan buhay lalawigan o nayon,
pananampalataya, at sining.
➢ May Tatlong Uri ng Tula ang lumaganap sa panahong ito. Kinabibilangan nito ay:
✓ Haiku
- Isang tulang may malayang taludturan na kinagigiliwan ng mga Hapones.
- Binubuo ito ng labimpitong pantig na nahahati sa tatlong taludtod. Ang
unang taludtod nito ay may limang pantig, ang ikalawa ay pitong pantig,
at ang ikatlo ay limang pantig (5,7,5).
- Maikli lamang ang haiku ngunit nagtataglay ngmasaklaw at matalinhagang
kahulugan.
Halimbawa:
1. Tutubi ni Gonzalo K. Flores
✓ Tanaga
- Tulad ng Haiku, ito ay maikli ngunit may sukat at tugma.
- Binubuo ito ng apat (4) na taludtod. Ang bawat taludtod ay binubuo
naman ng pitong pantig. Nagtataglay din ng mga matatalinhagang
kahulugan.
Halimbawa:
1. Pantay ni Ildefonso Santos
2. Pag-ibig ni Emelita Perez Baes
3. Kabibi ni Ildefonso Santos
4. Tag-init ni Ildefonso Santos
✓ Karaniwang Anyo
- Ang karaniwang tula ay may tiyak na sukat, tugma at talinghaga.
- Ang malayang tula naman ay walang sukat at maaaring walang tugma.
Halimbawa:
1. Pag-ibig ni Teodoro Gener
Dula
➢ Ang dula ay isang sining na nagpapaabot sa mga manonood o mambabasa ng
damdamin at kaisipang nais nitong iparating gamit ang masining na pagsasatao
ng mga karakter ng dulang pantanghalan.
➢ Mayroong dalawang uri ng dula ang nadebelop sa panahong iyon, ang
Legitimate at Illegitimate. Ngunit ito ay batay sa pagtataya ng mga
tradisyunal.
✓ Legitimate plays
- Binubuo ito ng mga dulang sumusunod sa kumbensyon ng pagsulat at
pagtatanghal nito.
✓ Illegitimate plays
- Ang mga ito naman ay pabilang ang mga stageshows.
Nobela
➢ Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga
pangyayari na pinaghahabi sa isang mahusay na pagbabalangkas.
➢ Sa panahon ng pananakop ng mga Hapones masasabing lalong hindi
namulaklak ang pagsusulat ng nobela.
Nobela sa panahon ng mga Hapones:
1. Sa Lundo ng pangarap ni Gervacio Santiago
2. Pamela ni Adriano P. Laudico at A.E. Litiaco
3. Tatlong Maria ni Jose Esperanza Cruz
4. Lumubog ang Bituin ni Isidra Zarraga-Castillo
Sanaysay
➢ Sa panahong ito, nagsimuula ang malaking pagbabago sa pamamaraan ng
mga manunulat. Gayundin sa paksa at wikang kanilang ginagamit.
➢ Sumikat ang magasing “LIWAYWAY” at maraming akda, kabilang na ang
sanaysay, ang nagpalimbag dito.
➢ Ang sanaysay ay pinagtangkaang paunlarin noong panahon ng Hapon ng
isang Hapon, “Kinichi Ishikawa”.
Mga sumikat na Mananalaysay sa Panahong ito:
1. Maria Luna
2. Lina Flor
3. Maria Mababanglad
D. Paglalahat
Magtatawag ang guro ng 3 estudyante upang kanilang sagutin ang katanungan na
inihanda ng guro. Kung saan, dito malalaman ng guro kung may naintindihan ba sila sa
naging aralin ngayong araw.
E. Pangkatang Gawain
Magkakaroon ng 3 grupo sa isang klase, at ang bawat lider ng grupo ay pipili sa
inihandang bunutan ng guro. Sila ay gagawa ng Tula, maaaring ang mapili nila ay
Tanaga, Haiku, at Karaniwang Ayos. Magbibigay ang guro ng ilang minuto upang
matapos ang kanilang gawain at ipipresenta nila ito sa loob ng klase.
✓ Pangkat 1: Tula (Tanaga)
✓ Pangkat 2: Tula (Haiku)
✓ Pangkat 3: Tula (Karaniwang Ayos)
IV. Pagtataya
Panuto: Buuin ang mga salitang di nakaayos. Isulat ang tamang ayos ng salita upang
mabuo ang nilalaman.
1. ELLGIMTEIEAT
2. ALTU
3. BOELAN
4. ARMIA ULNA
5. GNATAA
6. NPATIKAIN
7. YASNAYAS
8. INAL ORLF
9. KAHUI
10. GINKLAMI HAKTA
V. Takdang-Aralin
Basahin ang ating susunod na tatalakayin na yunit sa libro at tayo ay magkakaroon ng
maikling recitation sa susunod na pagkikita.