You are on page 1of 48

Panala

ngin
Balik-aral!
Ano ang tinalakay noong
nakaraang talakayan?
Mga Tulang Lumaganap
Noong
Panahon ng mga
Espanyol
at Hapones
Tagisang-Dila
Palakang Kabkab,
kumakalabukab,
kakakalabukab pa lamang,
kumakalabukab na naman.
 Pinaputi ni Tepiterio ang
pitong puting putong
patong patong.
Tulang
Lumagan
ap sa
Panahon
ng
Espanyol
Bakit mahalaga
ang
pagpapanatili ng
ating panitikan
(tula, kwentong-
bayan, atbp.)?
Dapat pa bang
pag-aralan ng
kasalukuyang
henerasyon ang
mga panitikan ng
ating bayan?
Sinasabing nang dumating ang mga Espanyol sa ating
kapuluan ay marunong bumasa at sumulat ang ating
mga ninuno. Subalit nang ilunsad ng mga Espanyol ang
Abecedario, halos biglang naging mangmang ang mga
katutubong Pilipino. Gayunman, ang likas na matatandang
uri ng panitikang tulad ng kasabihan, kawikaan,
salawikain, bugtong at iba pa ay nanatili pa ring buhay sa
mga labi ng mga mamamayang Pilipino.
Subalit dahil sa matinding pagnanais ng mga unang
misyonero na ang relihiyon at panitikang dapat malaman
ng mga katutubo ay tungkol sa dala nilang
pananampalatayang Katolisismo, ang dating panitikang
katutubo ay nahalinhan ng mga bagong uri ng panitikan.
Ang panitikan sa panahong ito ay naging mapanghuwad
o mapanulad sa mga anyo at paksang Espanyol.
Tulang lumaganap sa
panahong Espanyol
01 Korido 03 Tulang
Patnigan
a. Duplo
02 Awit b. Balagtasan
c. Batutian
d. Karagatan
1.
Korido
Ito ay mga tulang pasalaysay na may sukat na walong
pantig sa talutod at nagtataglay ng mga paksang
kababalaghan at mga malaamat na karamiha’y hiram
at halaw sa paksang Europeo na dala rito ng mga
Espanyol.
Hindi lubos na kilala
ang mga sumulat ng
korido maliban kina
Jose “Huseng Sisiw”
dela Cruz at Ananias
Zorilla.
Ibong Adarna
(pinakatanyag na halimbawa ng korido)

(Saknong 001)
O, Birheng kaibig-ibig
Ina naming nasa langit
Liwanagan yaring isip
Nang sa layo’y di malihis
2. Awit
Ito ay isang tulang romansa (metrical romance) na
may sukat na labindalawang pantig bawat taludtod na
kalimitang ang pangunahing paksa ay tungkol sa
bayani, mandirigma at larawan ng buhay.
Ang Florante at
Laura ni Francisco
Baltazar ang isa sa
pinakatanyag na awit
na lumaganap sa
bansa.
Florante at Laura
Saknong 1
Kung pasaulan kong basahin sa isip
ang nangakaraang araw ng pag-ibig
may mahahagilap kayang natititik
liban na kay Selyang namugad sa dibdib
3. Tulang Patnigan
(Justice Poetry)
Ito ay tulang sagutan na itinatanghal ng
magkatunggaling makata ngunit hindi sa paraang
padula. Ito ay paligsahan ng mga katwiran at tagisan
ng mga talino at tulain.
a.
Duplo
Ito ay pagtatalo rin na ginagamitan ng tula at kahusayan sa
pagbigkas. Ang mga katwirang ginagamit dito ay karaniwang hango
sa mga salawikain, kawikaan, at kasabihan. Pinasisimulan ang
paligsahang ito sa pamamagitan ng pag-usal ng isang “Ama Namin,”
isang “Aba Ginoong Maria,” at isang Rekyemeternum para sa
yumaong pinararangalan.
b.
Balagtasa
Uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang panig ukol sa isang paksa.
Ang kauna-unahang balagtasan ay pinaglaban ng mga makatang sina

n
Jose Corazon de Jesus at Tolentino C. Collantes na may paksang
“Paruparo at Bubuyog.” Si Jose Corazon de Jesus ang kinilalang unang
naging hari ng balagtasan.
c.
Batutian
Ang pangunahing layunin nito ay makapagbigay ng aliw sa mga
nakikinig o mambabasa sa pamamagitan ng katawa-tawa ngunit
malatotoong mga kayabangan, panunudyo at palaisipan. Ito ay
isinilang bilang parangal sa yumaong si Jose Corazon de Jesus. Ito ay
sa panukala at panulat ni G. Fernando B. Monleon.
d.
Karagata
Isang paligasahan sa tula na kalimitang nilalaro sa mga luksang
lamayan o pagtitipong parangal sa isang yumao na bago pa man

n
dumating ang mga Espanyol ay ginagawa na ng ating mga ninuno.
Ang paksa nito ay tungkol sa isang alamat na nauukol sa singsing ng
isang dalaga na nahulog sa karagatan.
d.
Karagata
Ito ay binubuo ng mga saknong na apatang taludtod at labindalawing
pantig. Sinasabing ito ay higit na mainam kaysa duplo sapagkat ito ay

n
nag-aangkin ng malulundong talinghaga at malalalim na palaisipan.
Bakit mahalaga
ang
pagpapanatili ng
ating panitikan
(tula, kwentong-
bayan, atbp.)?
Dapat pa bang
pag-aralan ng
kasalukuyang
henerasyon ang
mga panitikan ng
ating bayan?
Tulang
Lumagana
p sa Noong
Panahon
ng mga
Tulang lumaganap sa
panahong Hapones
01 Haiku

02 Tanaga
Sa aklat ng kasaysayan ay makikitang nasakop ng mga
Hapones ang Pilipinas noong 1941 hanggang 1945. Tinawag
ang panahong ito sa kasaysayan na “Panahon ng
Kadiliman” sapagkat sa yugtong ito ng kasaysayan ay labis
na nakaranas ng matinding hirap, paniniil, kalupitan, at
karahasan ang ating mga ninuno sa kamay ng mga
Hapones.
Gayundin, sa panahong ito nabalam ang pag-unlad ng
Panitikang Pilipino sapagkat ipinatigil ng mga Hapones ang
paglalathala ng mga pahayagan at magasin maliban sa
Tribune at Philippine Review. Ipinagbawal ang pagtuturo ng
Ingles sa mga paaralan at masusi ring sinuri ang mga aklat
na ginagamit sa mga paaralan.
Ipinatanggal ang mga pahina ng aklat na naglalaman o may
pahiwatig ng Kulturang Kanluranin. Ang wikang Niponggo,
kulturang Hapones, at wikang Pilipino ang ipinaturo lamang
sa mga paaralan. Ito ang dahilan kung bakit maraming
manunulat sa Ingles ang sumubok na sumulat o kaya ay
magsalin ng mga akda sa Ingles at sa Pilipino.
Isa sa mga uri ng panitikang lumaganap sa panahong ito ay
ang pag-unlad ng Panulaang Pilipino na ang karaniwang
mga paksa ay may kinalaman sa:
- Pagmamahal sa bayan
- Pagpapahalaga sa kalikasan
- Buhay sa lalawigan o nayon
- Relihiyon
- Sining
1. Haiku
Ito ay isang uri ng tulang binubuo ng labimpitong pantig na nahahati
sa tatlong taludtod . 5,7,5 ang bilang ng bawat taludtod. Totoong
maikli lamang ang haiku ngunit ito ay nagtataglay ng masaklaw na
kahulugan, malalim na kaisipan at damdamin na tumatalakay sa
kalikasan o mga bagay sa daigdig.
- Narito ang ilang halimbawa nito na isinulat ni Gonzalo K.
Flores sa magasing Liwayway noong 1943.

Tutubi

Hila mo’t tabak…

Ang bulaklak nanginig

Sa paglapit mo
Anyaya

Ulilang damo

Sa tahimik na ilog

Halika, sinta
Senryu
Ang tulang ito ay katulad din ng Haiku sa bilang ng pantig at maging
sa pagkakaayos ng talutod. Naiiba lamang ito sa haiku dahil sa
paksang tinatalakay. Kung ang haiku ay seryoso, ito ay may bahid ng
pagpapatawa o kagaspangan tungkol sa katangian ng tao. Tinatawag
itong Human Haiku sa Ingles.
Magnanakaw

Ang magnanakaw

Na aking huhulihin

Anak ko pala.
Kamatayan

Sa huling hinga

May isang kahilingan

Walang iiyak.
2. Tanaga
Ang uri ng tulang ito ay pinasikat ni Ildefonso
Santos noong panahon ng mga Hapones. Ang
tanaga ay kaiba sa haiku sapagkat ito ay may sukat
at tugma.
2. Tanaga
Ayon kay Juan de Noceda at Pedro Sanlucar sa Vocabolario de la
Lengua Tagala, ang tanaga ay isang uri ng tulang napakataas sa
wikang Tagalog na binubuo ng pitong (7) pantig ang bawat talutod.
May apat na taludtod sa bawat saknong at ito ay hitik na ,hitik sa
talinghaga.
Palay
Ni Ildefonso Santos

Palay siyang matino


Nang humangi’y yumuko
Ngunit muling tumayo
Nagkabunga ng ginto
Kabibi
Ni Ildefonso Santos

Kabibi, ano ka ba?


May perlas maganda ka
Kung ididikit sa tainga
Nagbubuntunghininga
Nuestros valores

Eficiencia Lealtad
Marte es en realidad un Neptuno es el planeta más
lugar muy frío alejado del Sol

Fiabilidad Compromiso
Júpiter es el planeta más Plutón ahora se considera un
grande de todos planeta enano
Recursos alternativos
A continuación, se muestra
una variedad de recursos
alternativos cuyo estilo encaja
en esta plantilla:
Recursos
¿Te gustaron los recursos de esta plantilla? Consíguelos
gratis en nuestras otras webs: Vectores:
● Hand drawn literature illustration
Fotos: ●

Hand drawn shakespeare illustration I
Hand drawn shakespeare illustration II
● Hand drawn poetry illustration I
● Medium shot smiley woman holding book
● Hand drawn poetry illustration II
● Close up portrait senior woman ● Hand drawn poetry illustration III
● Medium shot beautiful woman posing ● Hand drawn poetry illustration IV
● Smart female student with book library ● Hand drawn shakespeare illustration
● Young student working assignment ● Grain paper texture
● Realistic style grainy paper texture
● Grainy paper texture
● Realistic grain paper texture
● Dividers collection hand drawn style
● Brush stroke set
● Hand drawn arrows feathers
Instructions for use
If you have a free account, in order to use this template, you must credit Slidesgo by keeping the Thanks slide. Please
refer to the next slide to read the instructions for premium users.

As a Free user, you are allowed to:


- Modify this template.
- Use it for both personal and commercial projects.

You are not allowed to:


- Sublicense, sell or rent any of Slidesgo Content (or a modified version of Slidesgo Content).
- Distribute Slidesgo Content unless it has been expressly authorized by Slidesgo.
- Include Slidesgo Content in an online or offline database or file.
- Offer Slidesgo templates (or modified versions of Slidesgo templates) for download.
- Acquire the copyright of Slidesgo Content.

For more information about editing slides, please read our FAQs or visit Slidesgo School:
https://slidesgo.com/faqs and https://slidesgo.com/slidesgo-school

You might also like