0% found this document useful (0 votes)
410 views15 pages

Lesson Plan

Lesson

Uploaded by

ENGRX44 NOTOGSW
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
410 views15 pages

Lesson Plan

Lesson

Uploaded by

ENGRX44 NOTOGSW
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Araling Panlipunan

Unang markahan
Ika anim na Linggo
By: Cindy G. Toribio

Nasusuri ang Sosyo-kultural at politikal na


pamumuhay ng mga Sinaunang Pilipino
I. LAYUNIN

Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring


pangnilalaman pag-unawa at kaalaman sa kasanayang pang
heograpiya ang mga teorya sa pinagmumulan ng
lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang
konteksto ng lipunan pamayanan ng mga sinaunang
Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng
kasaysayan ng Pilipinas
Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagmamalaki sa
Pagganap nabuong kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino gamit
ang kaalaman sa kasanayang pang Heographikal at
mahahalagang kontekto ang kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang teorya ng pinagmumulan at
pakabuo ng kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
Mga kasanayan sa Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na
pagkatuto pamumuhay ng mga Pilipino

A. Sosyo-kultural e.g. pagsamba (Animismo,


Anituismo, at iba pang ritwal, pagbabatok/
pagbabalik, paglilibing (mummification
primary/secondary burial practice), paggawa ng
bangka at pagpapalamuti (kasuotan, alahas,
tattoo, pusod/ halop) pagdaraos ng pagdiriwang
B. Politikal e.g. namumuno, pagbabatatas at
paglilitis)
II.NILALAMAN Mga sina unang paniniwala Tradisyon at ang
impluwensiya nito sa pang-araw-araw na buhay ng
mga sinaunang Pilipino
Paksa Nasusuri ang sosyo-kultural at politikal na
pamumuhay ng mga Pilipino
A. Sanggunian

1.Mga pahina sa
gabay ng guro
2. Mga pahina sa Araling Panlipunan 5 LM, PP, 88-90 Araling Panlipunan
kagamitang pang- “pilipinas bilang isang bansa” Batayang aklat.
mag-aaral Ikalimang baitang pahina 86
3. Mga pahina sa
teksbuk
4. Karagdagang Mula sa portal na learning resources SLM: AP module
kagamitan 6 Q3
B. Iba pang Power point presentation mga larawan, talahanayan,
kagamitan manila paper, module
panturo
III.PAMAMARAAN

A.Panimulang
gawain
GAWAIN NG GAWAIN NG MAG-AARAL
GURO
1.Pagbati

Magandang Magandang umaga din po


umaga
2. Panalangin Pupunta sa harap ang isang mag aaral at manalagin

3. Pagsasaayos ng (pupulutin at itatapon sa basurahan at aayosin ang


silid kanilang upuan )
Bago natin
simulan ang ating
klase Paki pulot ang
lahat ng kalat na
inyong nakikita at
itapon sa basurahan,
paki ayos din ang
Inyong mga upuan
4.Paglalata ng
lumiban Wala po
Mayroon bang
lumiban sa klase
ngayon? Magaling
simulan na natin ang
ating aralin
5. Balik aral
Bago Tayo dumako Sasagot ang mga mag aaral kung ano ang
sa ating aralin ay kanilang pinag aralan
magkaroon muna
tayo ng balik aral
tungkol saan ang
ating pinag Aralan
nong nakaraang
araw?
B. Pagganyak Naghahanap ang mga mag-aaral at pupunta sa
Ngayon naman ay harapan upang bilogan ang kanilang nakitang salita
dumako tayo sa
panibagong aralin
pero bago yun ay
may papasagutan
muna ako sa inyo .
Magaling
Tuklasin (5 minutes)
Hanapin ang mga sumusunod na salita

Islam Animismo Palamuti Kultura

Kalikasan Kasuotan Tradisyon Espiritu


Diwata Tagalog Pomaras

T I
K R S Y OA D N P K
S Y
U P B N R H U K A A
I L L L
S A M A K D A S
L T T E L L
B B S G A U
T I
U Y K M U G O R M O
E L M k T
N B Y R Y S U
A T
R G B O D S D B A A
J E I T I
S P I R U S N
I
M S P M W Y U N A O S
L
Y A I S A N N I N D A
T L
O N U P A G A O G Y
A P O M A R A S R S A A

Pag-uugnay ng mga halimbawa sa


bagong aralin
Magpapakita ng mga larawan
Tanong : ano ang inyong nakikita sa larawan? Ano ang
ipinapakita sa larawan?
C. Paglalahad ng layunin o paksa
1. “Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang alamin ang mga aspeto ng
sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino, partikular na ang kanilang mga
tradisyon, paniniwala, at mga gawain sa pang-araw-araw.”
2. “Ang paksa na ito ay ang paglalarawan ng mga sinaunang pamumuhay
ng mga Pilipino, kasama ang kanilang mga sistema ng pamamahala.
3. “Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang pag-aralan ang mga epekto
ng kolonyalismo sa sinaunang pamumuhay ng mga Pilipino.”

IV. PAGTATALAKAY : (15 minutes)


www.slideshare.net
Sosyo-kultural at politikal na pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Sosyo-kultural
Ang kahulugan ng sosyo kultural ay nahahati sa dalawang
konsepto. Una ,ang salitang “sosyo” ay galing sa salitang
social na ang ibig sabihin ay tumutukoy sa grupo ng mga
tao. At pangalawa ang salitang “kultural” ay galing
naman sa salitang culture na ang ibig sabihin ay
tumutukoy sa ideya, kinagawian, at kilos ng isang tao sa
isang lipunan. Sa madaling salita, ang sosyokultural o
sociocultural sa Ingles ay isang perspektibo na kung saan
nakasalalay sa kung anong lipunan at kung anong kilos
ng mga tao sa isang grupo ang magiging kilos ng isang
tao.
-Ang kagaligan sa larangan ng sining, paniniwala,
pakikipagkapwa-tao at pag-aaral ng pag-uugali ng tao ay
tinatawag na kalinangang sosyo-kultural
-Ito ay Makikita ang pamamaraan ng pamumuhay sa
kasaysayan, modernisasyon at teknolohiya ng isang
bansa

Paniniwala sa mga Espiritu at Diyos ng Kalikaan


Ang mga sinaunang Pilipino ay naniniwala na may mga
espiritung nananahan sa kanilang kapaligiran. Tinatawag
nila itong mga anito ng mga Tagalog o diwata ng mga
Bisaya. Ang mga espiritu ay maaaring mabuti o masama.
Ang mga mabuting espiritu ay mga namatay na nilang
kamag-anak at ang masamang ispiritu ay yaong mga
kaaway nila. Ang mga mabuting espiritu ay nakatutulong
samantalang ang masasama ay nagdadala ng sakit at
kamalasan.
Sumasampalataya rin sila sa kapangyarihan ng araw,
buwan, ng bituin, ng hayop, ng ibon, at ng mga halaman.
Tinawag ang paniniwalang to na animismo.
Pinaniniwalaan na ang mga bagay sa kalikasan ay banal
at may kaluluwa.
Ang ating mga ninuno rin ay naniniwala sa isang Dakilang
Nilalang na siyang maylikha ng langit, lupa at tao.
Tinawag siyang Bathala ng mga Tagalog Abba ng mga
Cebuano; Kabunyian ng mga fugao; at Laon ng mga
Bisaya.
Marami rin silang pinaniniwalaang diyos tulad ng
Idianale -diyos ng pagsasaka
Silapa- diyos ng kamatayan diyos ng apoy
Magwayendiyos- ng kabilang bulay
Mandarangan -diyos ng digmaan
Ang mga sinaunang Pilipino rin ay gumawa ng mga
estatwang kahoy na tinawag na Bul-ol sa mga Ifugao.
Para sa kanya ito ay sumisimbolo sa diyos ng mga palay.
Naniniwala sila na sa tulong ng Bul-ol ay bibigayan sila
ng masaganang ani.
Bago simalan ng mga sinaunang Pilipino ang ano mang
gawain tulad ng pagpapatayo ng tahanan, pagtatanim at
paglalakbay ay humihingi muna sila ng gabay at
pahilntulot mula sa mga espiritu ng kalikasan. Ang ritwal
na ito ay pinangunahan ng mga katalonan (sa mga
Tagalog) at babaylan (sa mga Bisaya) na silang
tagapamagitan sa mundo ng tao at mundo ng diyos at
yumao.
Sila ay may mga ritwal o seremonyang ginagawa kung
saan naghahandog ng kanilang ani at hayop bilang
pasasalamat, pagmamakaawa para maalis ang
kamalasan o masamang kapalaran sa buhay o paghingi
ng tulong sa mga gawain. Naniniwala din ang ating mga
ninuno sa buhay sa kabilang daigdig.
Pagbabatok
Noong unang panahon ang pagkakaroon ng tato o batok
ay importanteng simbolo ng kagitingan at kagandahan
Noong unang pagdating ng mga kastila ay tinawag silang
mga Pintados o mga katutubong puno ng tato ang
katawan Gumagamit sila ng tinik ng puno ng suha bilang
karayom na ikinakabit sa duo ng isang kawayan at imbis
na tinta uling na may halong tubig ang kanilang gamit sa
pangamarka. Ginagamit nilang inspirasyon ang kalikasan:
hayop at mga halaman at mga yamang lupa at tubig.
Ang pagkakaroon ng tato sa mga kalalakihan ay kapag
siya ay nakapatay at nakapugot ng ulo ng kalaban sa
giyera. Mas madami ang tato, mas madami ang napatay.
Maging ang mga kababaihan ay puno ng tato ang
katawan, pagka’t tinitignan na maganda ang babaeng
may tato at bilang palamuti katawan na dadalhin
hangang kamatayan.
Kaugalian sa paglilimbag
Inihanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao
para sa kabilang buhay sa pamamagitan ng paglilinis,
paglalangis, at pagbibihis ng magagarang kasuotan sa
bangkay. Pinabaunan din nila ang mga yumao ng mga
kasangkapan tulad ng seramika at mga palamuti upang
may magamit ang mga so sa kabilang buhay, May
dalawang bahagi ang paglilibing ng mga sinaunang
Pilpino.
Una inilibing nila ang mga yumao sa lupa kasama ang
ilang kasangkapan. Matapos matuyo ang mga labi ay
hinahango ito mula sa libingan at isinisilid sa loob ng
tapayan.
Paggawa ng Bangka
Mahalaga ang kaalaman ng mga sinaunang Pilipino sa
paglalayag at paggawa ng mga sasakyang pandagat. Ang
kaalaman ng sinaunang Pilipino sa paglalayag ay
umusbong dahil sa pagiging arkipelago ng Pilipinas. Ang
karagatan at mga ilog ay ugnay ng mga Pilipino di
lamang sa isa’t-isa maging sa mga dayuhan. Ito ang
naging pangunahing daluyan ng impormasyon at
kalakalın sa buong bansa. Matitibay, matutulin at
hinahangaan ang mga bangkang nagmula sa Pilipinas.
Pinaunlad ng mga sinaunang Pilipino ang paggawa ng
mga sasakyang pandagat para sa iba’t-ibang gamit
katulad ng mga balanghay, mga paraw para sa
pakikipagkalakalan at mga karakoa o ang malalaking
sasakyang pandagat na ginagamit sa digmaan
Panamit ng sinaunang Pananamit ng sinaunang
Kalalakihan Kababaihan
Kangan- pang-taas na damit Baro -pang-itaas na damit
n walang kwelyo at manggas na pinapatong na may
(Ang kulay ng kangan ay manggas
batay sa katayuan sa lipunan
ng may suot nito pula para sa
datu at asul o itim para sa
may mas mababang
katayuan sa data)
Bahag -piraso ng telang Saya- maluwag na pakda
nakabalot sa baywang na pang- ibaba ng mga
Tagalog at Patadyong ng
mga Bisaya
Pulong- piraso ng tela na Tapis - pula o putting tela
ibinabalot sa ulo (Sinasalamin na karaniwang ibinabalot sa
din ng putong ang katayuan baywang
ng may suot nito pulang
putong ang suot ng taong
nakapaslang na ng isang tao
at burdadong putong ang
nakapaslang ng may pitong
tao)

Pananamit at Palamuti
Mahilig magsuot ng mga palamuti sa katawan ang
sinaunang kababaihan at kalalakihan pilipino. Kadalasang
gawa sa ginto ang mga palamuting ito. Halimbawa ng
mga palamuting kanilang isinusuot ay pomaras isang
alahas na hugis rosas-at ganbanes-isang uri ng gintong
pulseras na isinusuot nila sa braso at binti.
Nagsuot naman ang mga kalalakihan at kababaihan sa
Bisaya ng hangang apat na pares na gintong hikaw sa
kanilang tainga. Gumagamit din sila ng ginto upang
palamatian ang kanilang ngipin. Gayundin, naglalagay
sila ng tato o permanenteng disenyo at marka sa balat.
Naniniwala sila na may kapangyarihan o mahika ang mga
tao sa kanilang katawan na sino mang mayroon nito ay
magtataglay ng ibayong lakas at husay sa pakikidigma.
Pagdaraos ng pagdiriwang
Likas na mahilig at mahusay ang mga sinaunang Pilipino
sa musika. Isinalin na ang musika sa kanilang
pagsasayaw at ibang gawain tulad ng pagsasaka at pag-
aani, gayundin sa mahahalagang pagdiriwang at ritwal sa
kanilang pamayanan. Gumamit din sila ng mga
katutubong instrumento gaya ng gangsa, isang uri ng
tansong gong ng mga taga-Cordillera; kaleleng,
instrumentong pinatutunog gamit ang ilong ng mga
Bontok: at ang tambuli ng mga Tagalog na yari sa
sungay ng kalabaw.
Mayron din silang awit wit at sayaw para sa iba-ibang
pagdiriwang at gawain. Sa pamamagitan ng dallot-sang
mahabang berso na binibigkas ng paawit-hinarana ng
sinaunang ilocano ang kanilang iniirog. Katumbas ng
dallot ang ayeg-kin ng mga Igorot. May mga awitin din
sila para sa tagumpay sa digmaan, pagpapakasal,
pagluluksa, pagsamba sa mga diyos, at mga larong
pambata.
Mayaman din sa katutubong sayaw ang sinaunang
Pilipino. Naging pangunahing inspirasyon nila ang
kalikasan, tulad ng mga kilos ng hayop, sa paggawa ng
sayaw.
Halimbawa ang Tinikling na hango sa galaw ng ibong
tikling. May mga sayaw rin sila bahagi ng ritwal tulad ng
Pagdiwata, sayaw ng pasasalamat para sa magandang
ani, ng mga Tagbanwa sa Palawan. Marami rin mga sayaw
ang may kinalaman sa gawaing pangkabuhayan.
Halimbawa ang sayaw ng Pagtatanim at Paggapas ng
mga magsasaka sa Katagalugan at pamulad Isda o sayaw
ng pagpapahiyo ng isda ng mga taga-Negros. Iba pang
halimbawa ng sinaunang sayaw ay ang Salidsid o sayaw
sa panliligaw ng mga Kalinga; at ang Bangibang, sayaw
para sa paglilibig ng yumaong nakaranas ng marahas na
kamatayan ng mga Ifugao.
MGA Gawain (10 minutes)
Gawain 1: Data Retrieval chart
ASPETO NG KULTURANG
KUTURA PILIPINO NOONG
SINAUNANG
1.Pananamit/
Palamuti
2.Pagpapangalan
3.Paglilibing
4.Paniniwala at
Relihiyon

Paglinang sa kabihasnan
Pamprosesong Tanong
A. Ano ang tawag sa uri ng paniniwala o pananampalataya na may
kaugnayan sa pagsamba sa kalikasan o mga bagay sa kalikasan gaya
ng araw, bituin, puno, hayop, at iba pa?
B. Sino ang nangunguna sa mga rituwal na isinasagawa ng mga
sinaunang Pilipino bago simulan ang anumang gawain tulad ng
pagpapatayo ng bahay at pagtatanim?
C. Ano ang tawag sa pantaas na damit na sinusuot ng mga Sinaunang
kalalakihan? Pang-ibabang kasuotan?
D. Ano naman ang tawag sa pang-itaas na kasuotan ng mga kababaihan?
Pang-ibabang kasuotan?
E. Ano ang tawag sa mga Sinaunang Pilipino na naglalagay ng tattoo sa
kanilang katawan mga permanenteng desenyo at marka sa balat?

V. PAGLALAPAT (Application)
Values integration

Panuto: Basahing mabuti ang pangungusap sa hanay A.


Piliin ang letra ng tamang sagot sa hanay B at isulat ito sa
sagutang papel.

Hanay A

1. Ito ay isang kagamitan na sisidlan ng tuyo na katawan ng patay na tao


matapos hanguin sa libingan.
2. Tawag sa permanenteng disenyo o marka sa balat.
3. Sila ay sinasabing tagapagitan sa mundo ng tao, ng diyos at ng yumao.
4. Tawag sa espiritong nananahan sa kapaligiran ng mga Tagalog.
5. Tawag sa espiritong nananahan sa kapaligiran ng mga Bisaya.
6. Tawag ito sa kasuotan na ipinapatong sa ulo ng kalalakihan.
7. Ito ay uri ng paniniwala o pananampalataya na may kaugnayan sa
pagsamba sa kalikasan o mga bagay putong sa kalikasan gaya ng
araw, bituin, puno, hayop, at iba pa.
8. Ito ay isang alahas na hugis rosas.

Hanay B.

a. Tatu
b. Banga

c. Babaylan
d. Diwata
e. Anito
f. Pomaras
g. Putong
h. Animismo

VI.PAGLALAHAT NG ARALIN (Generalization)


1. Ano ang Animismo?
2. Ano ang ginagawa ng sinaunang Pilipino bago magpatayo ng bahay o
magtanim?
3. Ipaliwanag ang dalawang paraan ng paglilibing noong unang panahon.
4. Bakit tinawag na Pintados ng mga Espanyol ang mga sinaunang
Pilipino?
5. Ano ang pagkakaiba ng paganito at pandot?
6. VII.PAGTATAYA (10minutes)
Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot sa
patlang bago ang bawat bilang

1. Ano ang tawag sa paniniwala ng mga sinaunang Pilipino sa mga anito


at nananahan sa kapaligiran? Diwata na
A. Kristiyanismo B. Animismo C. Islam D. Taoismo

2. Kadalasan makikita ang estatwang kahoy na tinawag na Bul-ol na


sumisimbolo sa diyos ng mga taga-Ifugao, ano ang paniniwala nila
dito?
A. Magbibigay ng maraming huling isda
B. Pagkakaroon ng buhay na walang hanggan
C. Pagkakaroon ng kapangyarihang makapanggamot
D. Magbibigay ng masaganang ani at proteksiyon sa mga sakit
3. sinisimulan ng mga sinaunang Pilipino ang mahahalagang gawain gaya
ng pagtatanim at paglalakbay! Pagtatanim at paglalakbay?
A. Pinupulong ng lider ng pamayanan ang mga tao
B. Nagsusuot sila ng mga palamuting ginto sa katawan
C. Nagkakaroon ng kasiyahan o salo-salo ang mga
sinaunang tao
D. Nagsasagawa ng ritwal o seremennya sa mga espiritu ng
kalikasan upang humingi ng gabay

4. Ang paglalagay ng tato sa katawan noong unang panahon ay


sumisimbolo ng kagitingan at kagandahan ng mga sinaunang Pilipino,
ano ang tawag sa pamamaraang to?
A. Pagbuburda B. Pagbabatok C. Paglalala D. Pangangayaw
5. Paano inihahanda ng mga sinaunang tao ang kanilang yumao para sa
kabilang buhay?
A. Ang bangkay ay nililinis at agad inililibing.
B. Ang bangkay ay inilalagay agad sa tapayan.
C. Ang yumao ay dinarasalan ng siyam na araw bago ilibing
D. Kasuotan sa bangkay.

6.Saan ginamit ng mga sinaunang Pilipino ang sasakyang pandagat na


Karakoa?
B. Pakikipagdimaan B. Pamamasyal C. Pakikipagkalakalan D.
Panahanan
7. Ang mga sumusunod ay sinaunang kasuotan ng mga kalalakihan, ano
ang HINDI kabilang?
A. Bahag B. Patadyong C. Kangan D.Putong

8. Ano ang tawag sa sinaunang instrumento ng mga katutubo na gawa sa


sungay ng sinaunag kalabaw?
A. Kaleleng B. Tambuli C. Gangsa D. Phua

9. Kadalasan ang kalikasan ang naging inspirasyon sa paggawa ng sayaw


ng mga Pilipino. Saan nila hinango ang sayaw na tinikling?
A. Sa agos ng mga tubig sa batis
B. Sa galaw ng mga halaman
C. Sa pagbukas ng mga bulaklak
D. Sa galaw ng ibong t
10. Ano ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao kabilang na ang
paniniwala, kaugalian, musika, relihiyon, at pagpapahalaga?
A. Pamahiin B. Kultura C. Ritwal D. Angkan
VIII.TAKDANG ARALIN
1.Ano-ang mga kaugalian noong sinaunang panahon na patuloy pa ring
makikita sa kasalikuyan ?

2. Sa inyong palagay may mayamang kultura ba ang ating mga ninuno?

3. Ano- ano ang mga kaugalian noong Sinaunang panahon na patuloy pa rin
makikita sa kasalukuyan?

4. Alin sa mga kultura at Tradisyon ng Sinaunang Pilipino ang dapat na


patuloy nating tangkilikin?

5. Ano – ano ang kaugalian ng mga Sinaunang Pilipino?

You might also like