You are on page 1of 4

Department of Education

Cordillera Administrative Region


Division of Abra
CARDONA ELEMENTARY SCHOOL

Banghay Aralin sa ARALING PANLIPUNAN V


ON CLASSROOM OBSERVATION TOOL

CARDONA
Grade
School ELEMENTARY 5 Quarter 1
Level
GRADES 1 to 12 SCHOOL
DAILY LESSON Learning
Teacher NIWDE JOY C. PREZA Araling Panlipunan
PLAN Area
Teaching Date and
Time

ARALING PANLIPUNAN -V

I. Pamantayang Pangnilalaman (CS)


Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa kasanayang
pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng lahing Pilipino upang mapahalagahan ang
konteksto ng lipunan/pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa pagbuo ng
kasaysayan ng Pilipinas.

II. Pamantayan sa Pagaganap (PS)


Ang mga mag-aaralay naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang pangheograpikal at mahalagang konteksto ng
kasaysayan ng lipunan at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng kapuluan ng
Pilipinas at ng lahing Pilipino

III. Pamantayan sa Pagkatuto:


AP5PLP-Ig-8

IV. Layunin
a. Nailalarawan ang iba pang sinaunang paniniwala,tradisyon at ang impluwensya ng mga ito sa araw-
araw na pamumuhay
b. Naisasadula ang ilang paniniwala at tradisyon noong unang panahon
c. Naipapahayag ang reaksyon sa mga sinaunang paniniwala at tradisyon
V. Nilalaman
A. Paksa
Sistema ng Paniniwala ng mga Sinaunang Pilipino
B. Mga Kagamitan
 larawan,slide presentation,plaskard, Flower Web
VI. Pamamaraan
A. Balitaan
Baliitan sa mga napapanahong isyu.
B. Balik-aral
 Batay sa ating nakaraang aralin, paano nakapagmay-ari ng lupa ang ating mga
ninuno?
 Ano ang kanilang naging mga saloobin sa pagmamay-ari nila ng lupa?
C. Paganyak
Pangkatang Gawain
Buuiin ang mga lawaran.
D. Paglalahad
Ngayong araw, tatalakayin natin ang tungkol sa Sistema ng paniniwala ng mga sinaunang
Pilipino.

E. Pagtatalakay
Magpapakita ng larawan ng dalawang uri ng paniniwala ng sinaunang Pilipino. Susuriin at pag-
uusapan ito bilang paghahanda sa tatalakaying aralin.

May dalawang paniniwala ang mga sinauang Pilipino:

Animismo
 Naniwala ang mga sinaunang Pilipino na may mga espiritung nananahan sa kanilang
kapaligiran.
 Tinatawag itong Anito ng mga tagalong at diwata sa mga Bisaya.
 Pinaniwalaan din ng mga sinaunang Pilipino na ang mga bagay sa kalikasan tulad ng araw,
bundok, at ilog ay tirahan ng kanilang yumaong mga ninuno.
 Bago simulan ng ga sinaunang Pilipino ang anumang Gawain tulad ng pagpapatayo ng
tahanan, pagtatanim, at paglalakbay ay humingi muna sila ng gabay at pahintulot mula sa mga
espiritu ng kalikasan.

Islam
 Bunsod ng pakikipagkalakalan ng mga sinaunang Pilipino sa mga Arabong Muslim ay
nakarating sa Pilipinas.
 Isang relihiyong may paniniwala sa iisang diyos, si Allah.
 Itinatag ito ng propetang Muhammad.
 Qur’an ang tawag sa banal na aklat ng Islam.
 Mosque naman ang tawag sa kanilang bahay sambahan.
F. Pagsasanay
 Pangkatang Gawain  Ipapaal
 Hahatiin sa apat na pangkat ang klase. ala ang
 Bibigyan sila ng activity cards kung saan nakatala ang mga
kanilang gagawin.
pamantayang dapat sundin
 Gamitin ang flower webbing.
G. Paglalahat
Ano ang napagaralan natin ngayong araw na ito?

VII. Pagtataya
Panuto: Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap na naglalarawan sa mga
paniniwala at tradisyon na nagmula sa mga sinaunang Pilipino.

1. Naniniwala sa mga pamahiin ang mga unang Pilipino. Ang pag-alulong ng aso sa hatinggabi ay
masamang pangitain ayon sa kanila.
2. Ang mga Pilipino noon ay naniniwala rin sa mga aswang, tiyanak, tikbalang, manananggal at
mangkukulam.
3. Malakas din ang paniniwala nila sa kabilang buhay kaya gayon na lamang ang pagpapahalaga nila
sa patay.
4. Naniniwala rin sila na digmaan, paghihirap, gutom, at sakit ang kasunod ng pagpapakita ng isang
kometa.
5. Ang mga unang Pilipino ay naniniwala din sa hula, mabuti at masamang kapalaran sa pamamagitan
ng huni ng ibon at mga lamang-loob ng kinatay na hayop.

VIII. Takdang Araling


Magtala ng iba pang mga paniniwala na isinasagawa sa inyong tahanan o barangay

You might also like