0% found this document useful (0 votes)
42 views3 pages

Exam Ap9 1STQ

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 9 na nakatuon sa ekonomiks, na naglalaman ng mga tanong tungkol sa mga pangunahing konsepto sa larangan ng ekonomiya. Kabilang dito ang mga paksa tulad ng kakapusan, kakulangan, trade-off, at iba't ibang sistema ng ekonomiya. Ang pagsusulit ay naglalayong suriin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga konseptong ito at ang kanilang aplikasyon sa totoong buhay.

Uploaded by

jen tan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
42 views3 pages

Exam Ap9 1STQ

Ang dokumento ay isang pagsusulit sa Araling Panlipunan 9 na nakatuon sa ekonomiks, na naglalaman ng mga tanong tungkol sa mga pangunahing konsepto sa larangan ng ekonomiya. Kabilang dito ang mga paksa tulad ng kakapusan, kakulangan, trade-off, at iba't ibang sistema ng ekonomiya. Ang pagsusulit ay naglalayong suriin ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga konseptong ito at ang kanilang aplikasyon sa totoong buhay.

Uploaded by

jen tan
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

ISKOR:

HONDAGUA NATIONAL HIGH SCHOOL


Lopez, Quezon
Unang Markahang Pagsusulit Lagda ng Magulang:
ARALING PANLIPUNAN 9 – EKONOMIKS

Pangalan__________________________________________________Petsa____________________Seksyon____________________________
I. Panuto: Isulat sa patlang ang titik ng tamang sagot.
_______1. Ang ekonomiks ay isang mahalagang agham panlipunan. Ano ang pinag-aaralan sa agham na ito?
A. Paggamit ng limitadong pinagkukunang yaman. C. Pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
B. Pagpaparami ng pinagkukunang yaman. D. Paggawa ng mga produktong kailangan ng tao.
_______2. Kung ikaw ay isang matalinong mag-aaral, paano ka dapat gumawa ng desisyon?
A. Isinasaalang-alang ang relihiyon, paniniwala at tradisyon. C. Isinasaalang-alang ang magiging bunga ng desisyon.
B. Isinasaalang-alang ang hilig at kagustuhan. D. Isinasaalang-alang ang itsura at porma.
_______3. Alin sa mga sumusunod ang pinaka angkop na kahulugan ng ekonomiks kung ang pagbabatayan ay ang konsepto ng kakapusan?
A. Ito ay ang pag-aaral upang matugunan ang walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao sa harap ng kakapusan.
B. Ito ay agham ng pag-uugali ng tao na may epekto sa kanyang rasyonal na pagdedesisyon
C. Ito ay pag-aaral ng tao at ang lipunan kung paano haharapin ang mga suliraning pagkabuhayan.
D. Ito ay masusing pagpapasya ng tao sa pagtugon sa mga suliraning pangkabuhayan na kanilang kinakaharap.
_______4. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kakapusan sa pamilihan?
A. Madalas ang sale ng mga tindahan. C. Laganap ang panic buying
B. Bumababa ang presyo ng mga bilihin. D. Dumarami ang illegal na nagtitinda.
_______5. Ano ang palatandaan na may kakapusan sa isang lugar?
A. Mabilis ang paggawa ng mga produkto.
B. Limitado ang suplay ng kalakal sa mga pamilihan.
C. Labis ang mga produkto sa pamilihan.
D. May mga pulitikal na kaguluhan.
_______6. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kakulangan?
A. Mabilis na pagdami ng tao.
B. Maaksayang paggamit ng mga yaman.
C. Di sapat ang supply ng bigas sa pamilihan
D. Pagkakalbo ng mga kagubatan
_______7. Ano ang dahilan bakit may trade-off at opportunity cost?
A. Walang katapusan ang pangangailangan ng tao. C. Sagana ang buhay ng tao.
B. Limitado ang kaalaman ng tao sa pagpapasya. D. Upang makalikha ng mas maraming kalakal.
_______8. Mahihirapang mabuhay ang mga tao kung wala silang pagkain, damit at tirahan. Ano ang tawag sa mga bagay na ito?
A. Luho B. Pangangailangan C. Kagustuhan D. Kagamitan
_______9. Ang pangangailangan ay mga bagay na ginagamit ng tao upang mabuhay. Ano naman ang kagustuhan?
A. Mga bagay na nakukuha sa madaling paraan. C. Mga bagay na pansamantalang naaangkin ng mga tao.
B. Mga bagay para sa pansariling kapakanan. D. Mga bagay na nagdudulot ng kasiyahan sa tao.
_______10. Lahat ay halimbawa ng pangangailangan maliban sa isa.
A. pagkain B. damit C. alahas D. malinis na tubig
_______11. Natatanging salik ng produksyon na pinakang gamit o mostly used.
A. lupa B. kapital C. entrepreneur D. lakas-paggawa
_______12. Ano ang tawag sa kabayaran sa paggawa?
A. sahod B. interes C. bayad D. renta
_______13. Ang pagkakaroon ng ipad, tablet at cellphone ay itinuturing na kagustuhan. Ano ang dahilan nito?
A. Hindi lahat ng tao ay kaya itong bilhin. C. Nasisiyahan ang magkakaroon nito.
B. Simbolo ito ng pagiging sikat. D. Mahal ang mga bagay na ito.
_______14. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa mga kagustuhan ng tao?
A. Cellphone B. Kotse C. Damit D. Alahas
_______15. Ano ang tawag sa pamamahagi ng mga pinagkukunang yaman upang matugunan ang kagustuhan?
A. Pagkonsumo B. Alokasyon C. Pamumuhunan D. Reserbasyon
_______16. Alin sa mga sumusunod ang HINDI na naglalarawan sa lipunang may market economy?
A. Mababang buwis ang ipinapataw sa mga kalakal. C. Walang buwis na ipinapataw sa mga kalakal.
B. Kakaunti ang mga regulasyon sa pagnenegosyo. D. Ang pamahalaan ang may kontrol sa negosyo.
_______17. Ano ang tawag sa uri ng pagkonsumo na para sa pansariling gamit lamang?
A. Maaksaya B. Tuwiran C. Produktibo D. Di-Tuwiran
_______18. Sa command economy, ano/sino ang may komprehensibong kontrol at regulasyon ng ekonomiya ng bansa?
A. Prodyuser B. Konsyumer C. Pamahalaan D. Negosyante
_______19. Paano mo gagampanan ang iyong tungkulin bilang kasapi ng pangkat kung ikaw ay kabilang sa sistemang tradisyunal na
ekonomiya?
A. Wala, sapagkat iyong katungkulan ay nagmumula sa utos ng pamahalaan batay sa plano nito.
B. Malaya kang makakakilos ayon sa sariling kagustuhan o interes.
C. Tulong-tulong sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pakinabang ng mga pinagkukunang yaman.
D. Malaya ang mamamayan subalit ang pamahalaan ay may kontrol sa ibang gawain.
_______20. Uri ng pagkonsumo kung saan bumubili ka ng isang bagay para sa mas kapaki pakinabang pang bagay
A. Maaksaya B. Tuwiran C. Produktibo D. Di-Tuwiran
_______21. Sa aling sistema may lubos na kontrol ang pamahalaan sa ekonomiya ng bansa?
A. Tradisyunal B. Market C. Command D. Mixed
_______22. Uri ng pagkonsumo na tinutuganan ang kagustuhan lamang.
A. Maaksaya B. Tuwiran C. Produktibo D. Di-Tuwiran
_______23. Sa ekonomiks, ano ang tawag sa paggamit o pagbili ng kalakal o serbisyo upang matugunan ang pangangailangan o kagustuhan?
A. Distribusyon B. Produksyon C. Pagkonsumo D. Alokasyon
_______24. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa pagkonsumo?
A. Paggamit ng mga produkto. C. Pagbebenta ng mga produkto.
B. Paggawa ng mga produkto. D. Paghahanap ng produkto
_______25. Sistemang pang ekonomiya kung saan pinapayagan ang pribadong pag mamay ari ngunit nanghihimasok din ang pamahalaan
A. Tradisyunal B. Market C. Command D. Mixed
II. Para sa bilang 26-45, isulat ang T kung ang pahayag ay TAMA at M kung MALI.
_______26. Alokasyon ang tawag sa mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang yaman.
_______27. Ang command economy ay may katangian na sentralisado o kontrolado ng pamahalaan.
_______28. Ang kakapusan at kakulangan ay dalawang magkaibang konsepto sa ekonomiks.
_______29. Ang pagbibigay ng dagdag na baon sa twing makakakuha ng mas mataas na marka ay halimbawa ng incentive o reward.
_______30. Ang opportunity cost ay tumutukoy sa halaga ng bagay na handang ipagpalit sa bawat paggawa ng desisyon.
_______31. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan na nag aaral kung paano matutugunan ang walang hanggang pangangailangan at
kagustuhan ng tao.
_______32. Ikaw bilang bahagi ng iyong pamilya ay maituturing na bahagi sa pamamahala ng inyong sambahayan.
_______33. Maihahalintulad ang ekonomiya sa pamamahala ng sambahayan.
_______34. Nangako ang iyong ama na bibilhan ka ng bagong cellphone kapag magkakaroon ka ng perfect score sa ekonomiks, ito ay konsepto
ng marginal thinking.
_______35. Mayroong apat na sistemang pang ekonomiya.
_______36. Ang pagkakatanggal sa trabaho ay may negatibong epekto sa pagkonsumo.
_______37. Harina ang isang salik o input para sa output na tinapay o pandesal.
_______38. Ang proseso nag pagsasama sama ng input ay tinatawag na output.
_______39. Ang isang matalinong mamimili ay mapanuri.
_______40. Nakakaapekto sa pagkonsumo ang mga anunsyo sa telebisyon, radio at iba pang social media platform.
III. Piliin sa loob ng kahon ang tamang sagot at isulat ito sa patlang.
KAGUSTUHAN TUWIRAN PISYOLOHIKAL MARKET ECONOMY
MIXED ECONOMY ALOKASYON LAKAS-PAGGAWA TRADE-OFF
COMMAND ECONOMY PRODUKSYON ENTREPRENYUR

_____________________41. Sistemang pang ekonomiya na may katangiang na kombinasyon ng market at command economy.
_____________________42. Ang pagpapasya ay nasa kamay ng gobyerno o sentralisado.
_____________________43. Pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng iba pang bagay
_____________________44. Tumutukoy sa mga bagay na ninanais o pinapangarap ng tao at nagbibigay sa kanya ng kasiyahan
_____________________45. Uri ng pagkonsumo kung saan bumibili ka ng isang bagay para sa iyong sarili
_____________________46. Mekanismo ng pamamahagi ng pinagkukunang yaman,produkto at serbisyo.
_____________________47. Kakayahan ng tao na produksyon ng kalakal o serbisyo.
_____________________48. Proseso ng pagsasama ng input upang mabuo ang output.
_____________________49. Sya ang nag oorganisa, nagkokontrol at gumagawa ng desisyon sa mga bagay na makaaapekto sa produksyon.
_____________________50. Ito ang pinakamababang antas ng pangangailangan ayon kay Maslow

Inihanda ni:

JENICA T. BERSAMINA
Teacher III

Sinuri:

NANCY S. CANTILLANA
Master Teacher I

Binigyang Pansin:

RIGOBERTO B. NIVERIO
Head Teacher II

Inaprubahan:

ROLAND V. MAGSINO
Principal I

You might also like