Datu Kasim National High School
Mahabang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 9
Unang Markahan
Pangalan:___________________________________________________ Petsa:___________________
Baitang:___________________________________________ Iskor:____________________
A. Panuto: Basahin mabuti ang bawat tanong at piliin lamang ang wastong sagot sa pagpipilian. Bilugan
lamang ang letra ng wastong sagot.
1.Ang salitang ekonomiks ay nagmulasa salitang Griyego na oikonomia. Ano ang kahulugan ng salitang
“nomos”?
a.pananagutan. b. pagkontrol. c. pagmamahal. d. pamamahala
2. Bakit kailangang pag-aralan ang paglalaan ng pinagkukunang yaman para sa mga pangangailangan ng
tao?
a. Dahil ang pinagkukunang-yaman ay sapat lamang sa pangangailangan.
b. Dahil ang pinagkukunang-yaman ay sapat sa ating kagustuhan.
c. Dahil ang pangangailangan ng tao aywalang katapusan samantalang limitado ang pinagkukunang-
yaman.
d. Dahilang pangangailangan ay bahagi ng buhay ng mga tao.
3. Alin sa mga sumusunod ang nagpapahayag ng tamang kaisipan tungkolsa kahulugan ng ekonomiks?
a. Tumutukoy ito sa pamamahala ng mga pangangailangan ng tao at sa pangangasiwa ng kanyang
pinagkukunang-yaman.
b. Ang konsyumer lamang ang pangunahing pokus nito.
c. Galingsa salitang Latin ang salitang “ekonomiks”.
d. Walang kinalaman ang pamahalaan sa pag-aaral nito.
4. Ang salitang ekonomiks ay nagmula sa salitang Griyego naoikonomia. Ano ang kahulugan ng “oikos”?
a. pamahalaan. b. bahay. c. bayan. d. simbahan
5. Ano ang tawag sa proseso ng pagsasakripisyo o pagpili ng isangbagay kapalit ng ibang bagay?
a. opportunity cost. b. benefits. c. trade off. d. incentive
6. Alin sa mga sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi tama ang pagtugon natin sa ating
pangangailangan atkagustuhan?
a. Maaaringmagresulta ito sa madaliang pagkagunaw ng mundo.
b. Maaaring magresulta ito ng kakapusan.
c. Maaaring magresulta ito ng pagbalik natin sa primitibongpamumuhay.
d. Maaaring magresulta ito ng digmaan.
7. Alin sa mga sumusunod ang isinakripisyong halaga ng isang bagay upang bigyang daan ang mas
makabuluhang bagay.
a. incentive. b. benefits. c. opportunity cost d. trade off
8. Bakit mahalaga ang isang matalinong desisyon?
a. Upang masolusyunan lahat ng iyong problema.
b. Upang maging mayaman.
c. Upang hindi pagsisihan ang nagawangdesisyon pagdating ng panahon.
d. Upangmakapamuhay ng matiwasay.
9. Alin sa mga sumusunod ang nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ang command
economy?
a. pamilihan b. pamahalaan. c. konsyumer. d. prodyuser
10. Alin sa mga sumusunod na sistema ng ekonomiya, ang konsyumer at prodyuser ay kumikilos
alinsunod sa kanilang pansariling interes?
a. traditional. b. mixed. c. comman. d. market
11. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya na ito, ang anumang produkto na malilikha ay
ipamamahagi ayon sa pangangailangan atkung sino ang dapat gumamit ?.
a. market. b. traditional c. command d. mixed
12. Sa pagbuo ng produkto o serbisyo ay nakabatay kung anong input ang gagamitin. Maaaring gumamit
ng teknolohiya o tradisyunal na paraan ng paggawa upang mabuo ang output. Anong katanungang pang-
ekonomiko ang nararapat dito?
a. Ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin?
b. Para kanino gagawin ang mga produkto at serbisyo?
c. Gaano karami ang gagawing produkto at serbisyo?
d. Paano gagawin ang produkto at serbisyo?
13. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya na nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-
ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng presyo, at pangangasiwa ng mga gawain?
a. Market. b. Command. c. Mixed. d. Traditional
14. Alin sa mga sumusunod na sistemang pang-ekonomiya ito, hinahayaan ang malayang pagkilos ng
pamilihan subalit maaaring makialam ang pamahalaan sa usaping nauukol sa usaping pangkalikasan,
katarungang panlipunan, at pagmamay-ari ng estado.?
a. Command. b. Market. c. Mixed. d. Traditional
15. Ang market economy ay ginabayan ng malayang pamilihan na nilalahukan ng _________na kumikilos
ayon sa kanilang pansariling interes at makakuha ng malaking pakinabang.
a. konsyumer at prodyuser. b. konsyumer. c.pamahalaan. d. prodyuser
16. Ang kaalaman sa opportunity cost, trade-off, incentives at marginal thinking ay makatutulong sa iyo
upang makabuo ng _________________.
a. magaling na katawan. b. makabuluhangpagbabago c. maayosna buhay. d. matalinong desisyon
17. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo
ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks?
a. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa
pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sahinaharap.
b. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo.
c. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks.
d. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan.
18. Ang kakapusan o scarcity ay maaaring umiral sa mga pinagkukunang yaman tulad ng yamang
likas,yamang tao, at yamang kapital. Bakit nagkakaroon ng kakapusan sa mga ito?
a. Dahil sa mga bagyo at iba pang uri ng kalamidad na pumipinsala sa mga pinagkukunang-yaman
b. Dahil likas na malawakan ang paggamit ng mgatao sa pinagkukunang yaman ng bansa
c. Dahil sa mga negosyanteng nagsasamantala at nagtatago ng mga produktong ibinebenta sa pamilihan
d. Dahil limitado ang mga pinagkukunang yaman at walang katapusan ang pangangailangan at
kagustuhan ng tao
19. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
a. Kagustuhang desisyon b. Opportunity cost ng desisyon.
c. Dinadaluhang okasyon. d. Tradisyon ng pamilya
20. Alin sa sumusunod ang HINDI nagpapakita ng kahalagahan ng ekonomiks?
a. Mauunawaan mo ang mga napapanahong isyu.
b. Makakapagbigay ka ng makatuwirang opinyon.
c. Ito ang magpapayaman sa iyo.
d. Maaari din itong humubog sa iyong pag-unawa, ugali, at gawi.
21. Si Naida ay nag-aral nang mabuti para sa kaniyang pagsusulit dahil pinangakuan siya ng kaniyang ina
na ibibili ng bagong cellphone kapag matataas ang kaniyang mga iskor. Anong konsepto sa ekonomiks
ang ipinapahiwatig sa sitwasyon?
a. incentives. b. trade off. c. marginal thinking. d. opportunity cost
22. Mas pinili ni Zuhaid na mag-aral ng kanyang leksyon sa ekonomiks kaysa sa manood ng KDrama ng
mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy sitwasyon?
a. Opportunity Cost. b. Marginal Thinking c. Incentives d. Trade-off
23. Sa iba’t ibang sistemang pang-ekonomiya na umiiral sa mundo, anong katangian na nakapagbubukod
tangi sa sistemang mixed economy na siyang dahilan upang ito ang ginagamit ng mas nakararaming
bansa?
a. Ang pagkontrol ay alinsunod sa komprehensibong control at regulasyon ng pamahalaan.
b. Ang anomang produkto na kanilang nalilikha ay ipamamahagi ayon sa kanilan pangangailangan at
kung sino ang dapatgumamit.
c. Nagpapahintulot sa pribadong pagmamay-ari ng kapital, pakikipag-ugnayan sa pamamagitan ng
presyo at pangangasiwa ng gawain
d. Hinahayaan dito ang malayang pagkilos ng pamilihan subalit maaaring manghimasok o makialam ang
pamahalaan sa mga usaping nauukol sa pangangalaga ng kalikasan, katarungang panlipunan, at
pagmamay-ari ng estado.
24. Alin sa mga sumusunodang tamang paraan ng pagpapasya ng market economy?
a. Nakabatay sa tradisyon, kultura at paniniwala.
b. Hinahayaana ng pamilihan subalit maaaring manghimasok ang pamahalaan.
c. Ang pamahalaan ang may ganap na kapangyarihan upang makamit ang mga layuning pang-
ekonomiya.
d. Alinsunod sa pansariling interes ng nagtitinda at mamimili.
25. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa isang institusyonal na kaayusan at paraan upang
maisaayos ang paraan ng produksiyon, pagmamay-ari at paglinang ng pinagkukunang-yaman at
pamamahala ng gawaing pang-ekonomiko ng isang lipunan.?
a. Sistemang Pang-ekonomiya. b. Sistemang Pagkabuhayan
c. Sistemang Panghinaharap. d. Sistemamng Panlahat
26. Paano nakatulong ang paggamit ng makinarya sa produksyon?
a. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer.
b. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
c. maraming output ang mabubuo
d. maraming hilaw nasangkap ang magagamit
27. Ang produksyon ay proseso ng pagpapalit anyo ng produkto sa pamamagitan ng:
a. pagsasama-samang mga salik upang makabuo ng output o produkto
b. paggamitng mga hilaw na sangkap
c. pagkamalikhainng mga manggagawa
d.pagtayo ng mga pabrika
28. Alin sa mga sumusunod ang nanggagaling sa kakayahan at kasanayan ng isang taong nagtatrabaho.?
a. paggawa b. kapital. c. lupa. d. produksyon
29. Sa pagbabago ng presyo, sa anong pagkakataon tumataas ang pagkonsumo?
a. marami ang suplay b. mataas ang presyo
c. mababa ang presyo. d. kakaunti ang suplay
30. Bakit nakakaapekto ang pagkakaroon ng utang sa pagkonsumo ng tao?
a. Kakaunti ang naiipon na pera mula sa kita
b. Nababawasan ang kanyang kakayahan na makabili ng produkto
c. Tumataas ang kanyang kakayahang makabili ng produkto
d. Lumulobo ang kanyang utang kapag hindi nababayaran
31. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kaunti ang utang?
a. Walang utang na kailangang bayaran. b.Walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
c. Lumalaki ang ipon sabangko d. Tumataas ang kakayahang kumonsumo
32. Paano nakakaapekto ang kalamidad sa pagtaas ng konsumo?
a. Inuuna ng mga tao ang kanilang tirahan.
b. Hindi na nakakabili ang mga tao sa pamilihan
c. Nagsasara ang mga malalaking tindahan.
d. Nagkakaroon ng kakulangan sa supply ng produkto
33. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng mga inaasahan na kabilang sa mga salik na nakakaapekto
sa pagkonsumo?
a. Palabas sa telebisyon b. kaarawan. c. Kalamidad d. Araw ng eleksyon
34. Alin sa mga sumusunod ang nagpalabas ng karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa
kanilang transaksiyon sa pamilihan?
a. Energy Regulatory Commission. b. Department of Trade and Industry
c. Department of Labor and Employment d. Securities and Exchange Commission
35. Bumili si Laisa ng lipstick sa mall ngunit nang ito ay kanyang ginamit naging sanhi ito ng pamamaga
ng kanyang labi. Anong karapatan ang dapat ipaglaban dito?
a. Karapatan sa kaligtasan. b. Karapatang Pumili
c. Karapatang Dinggin d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
B. Panuto : Ibigay ang tamang kasagutan sa mga sumusunod na pangungusap.
___________________1. Sino ang ama ng Ekonomiya?
___________________2. Isang sangay ng Agham Panlipunan na nag aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao.
___________________3. Nangangahulugan bahay.
___________________4. Sino ang naglarawan na ang kakapusan bilang isang pamayanan na may
limitadong pinagkukunan yaman na hindi kayang matugunan ang lahat ng produkto at serbisyo na gusto
at kailangan ng tao.
___________________5. Sino ang ama ng Kasaysayan.
HONESTY IS THE BEST POLICY
ALLAH IS WATCHING YOU!!!
GOODLUCK TO ALL!
ISHAK ALJABER ABAS AMBA....!!!
SAYING....NEVER GIVE UP!
LABAN LANG KAKAYANIN NATIN ITO..!!!