Panginoong Diyos, aming Amang makapangyarihan sa lahat,
kami ay nagpapasalamat at nagagalak sa araw na ito dahil kami
ay pinagtipon mo upang ipagdiwang ang aming pagtatagumpay
sa pagtatapos ng aming pag-aaral sa elementarya. Hinihiling po
namin na inyong basbasan ang pagdiriwang namin sa umagang
ito.
Pagpalain Mo ang aming mga pamilya, mga guro, mga kamag-
aral at lahat ng mga taong sumuporta, nagsakripisyo at nagbigay
inspirasyon sa amin.
Nawa'y ang kanilang mga pangarap at adhikain ay matupad sa
pamamagitan ng Iyong biyaya at pagpapala.
Idinarasal namin na kami ay patuloy na magkaroon ng pag-asa at
pananalig sa Iyo habang kami ay lumilipat sa susunod na antas
ng pag-aaral.
Bigyan Mo kami ng karagdagang lakas at katatagan upang
harapin ang mga hamon at pagsubok na aming mahaharap.
Salamat sa Iyong biyaya at pagpapala na nagbigay sa amin ng
lakas, talino at determinasyon upang makamit ang aming mga
pinapangarap.
Tulungan mo nawa kami na tahakin ang tamang landas ng aming
buhay patungo sa Iyo.
Nawa'y kami ay maging matatag sa aming pananampalataya at
maging mabuting halimbawa sa aming kapwa.
Ito po ang aming panalangin sa pangalan ni Hesus. Amen!