0% found this document useful (0 votes)
238 views1 page

Anna Prayer

Ang dokumento ay naglalaman ng dalawang panalangin: isa para sa pagsisimula ng klase at isa para sa pagtatapos. Sa panalangin sa pagsisimula, humihiling ng gabay, karunungan, at kaligtasan para sa mga mag-aaral. Sa panalangin sa pagtatapos, nagpapahayag ng pasasalamat at humihiling ng lakas at talino upang maging mabuting tao.

Uploaded by

tomasgintoro
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

Panalangin sa Pagsisimula ng Klase

Amang Makapangyarihan, nagpapasalamat kami sa Iyong biyaya ng buhay

at sa panibagong araw na ipinagkaloob mo sa amin. Gabayan Mo po kami sa
aming pag-aaral, bigyan ng karunungan ang aming isipan, at patatagin ang
aming loob. Nawa'y magsilbing liwanag ang aming natutunan upang
magtagumpay sa hinaharap. Tulungan Mo po kaming magtulungan,
magbigay inspirasyon sa isa’t isa, at maging handa sa pagtuturo at
pagkatuto. Pangalagaan Mo po ang aming kaligtasan, at nawa'y patuloy
kaming maging ligtas at payapa sa bawat araw. Amen.

Panalangin sa Pagtatapos ng Klase

Panginoon, kami po ay lubos na nagpapasalamat sa araw na ito at sa mga

aral na aming natutunan. Salamat sa Iyong gabay at karunungan na
ipinagkaloob mo sa amin. Patuloy po kaming bigyan ng lakas at talino upang
maging mabuting tao at maglingkod sa aming kapwa. Sa aming pag-uwi,
nawa'y ligtas kaming makarating sa aming mga tahanan. Patatagin Mo po
ang aming loob upang harapin ang mga hamon ng buhay. Amen.

You might also like