I.
NILALAMAN NG KURIKULUM, PAMANTAYAN, AT MGA KASANAYAN SA ARALIN
A. Mga Pamantayang Naipamamalas ang pag-unawa sa ugnayan ng tao at heograpiya bilang
Pangnilalaman batayan sa angkop na pagtugon sa mga oportunidad at hamong kaakibat nito
B. Mga Pamantayan Nakabubuo ng gawaing nagsusulong sa pangangalaga at paglinang ng mga
sa Pagganap pinagkukunang-yaman
C. Mga Kasanayan at -Nailalarawan ang tatlong aspekto ng likas-kayang pag-unlad
Layuning -Natutukoy ang tatlong aspekto ng likas- kayang pag-unlad
Pampagkatuto - Naipakikita ang pagmamahal sa kalikasan sa pamamagitan ng paglahok sa
mga gawaing may kinalaman sa likas-kayang pag-unlad
D. Nilalaman Tatlong Aspekto ng Likas Kayang Pag-unlad
E. Integrasyon
II. BATAYANG SANGGUNIAN SA PAGKATUTO
Antonio, E., et al. (2018). Kayamanan 4. Rex Printing Company: Quezon City.
Bruselas-Mien, J., Perez, L., Dejuras-Nocos, A., & Abanto-Pura, J. (2020). Ikatlong Markahan – Modyul 3: Batas
at Panuntunang Pangkapaligiran, Susundin Ko! Unang Edisyon. Legazpi City.
Merciales, F. L. (2020). Ikalawang Markahan – Modyul 1: Pakinabang Pang-ekonomiko ng Likas na Yaman
ng Pilipinas. Unang Edisyon.Legazpi City.
Villanueva, V. M. (2018). #ABKD: Ako Bibo Kase Dapat (Alpabeto ng Inobatibo at Makabagong Guro ng
Araling Panlipunan, Edukasyon sa Pagpapakatao, at Filipino). VMV Publishing House: Makati, Bangkal
III. MGA HAKBANG SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO
A. Pagkuha ng Dating Ano ang likas kayang pag-unlad?
Kaalaman
Ano ang kahalagahan ng pagsusulong nito para sa mga likas na yaman ng
bansa?
Bakit mahalaga ang likas kayang pag-unlad para sa susunod na henerasyon?
B. Paglalahad ng Tingnan ang larawan.
Layunin Alin sa mga larawan ang nagpapakita ng mga dapat nating gawin na
nagsusulong ng likas-kayang pag unlad ng mga likas na yaman ng bansa.?
C. Paglinang at Tatlong Aspekto ng Likas Kayang Pag-unlad
Pagpapalalim
Ayon sa mga dalubhasa,may tatlong aspekto ang likas-kayang pag-
unlad. Ito ang sumusunod:
A. Pang-ekonomiya – ang mga tao ay patuloy na makakukuha ng
likas na yaman,makagagawa ng mga produkto at makapagbibigay ng
serbisyo,at matutugunan ang
pangangailangan.
B. Pangkalikasan – ang mga pinagkukunang-yaman ay hindi dapat naaabuso
o sinisira upang patuloy na mapakinabangan. Kung ang mga likas na yaman
ay ginagamit,kailangang tiyakin na ang
mga ito ay napapalitan.
C. Panlipunan – kailangang ang distribusyon ng mga produkto ay pantay-
pantay. Ito ay may kalakip na serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon at
politikal na pananagutan at partisipasyon.
D. Paglalahat Bakit mahalaga ang pang-ekonomiyang aspekto sa likas-kayang pag-unlad?
Paano natin mapapangalagaan ang mga likas na yaman sa pangkalikasang
aspekto?
Ano ang maaaring mangyari kung hindi pantay ang distribusyon ng produkto at
serbisyo sa panlipunan aspekto?
A. Pagtataya Isulat Isulat ang letra ng tamang sagot sa inyong sagutang papel.
1.Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa tatlong aspekto ng likas-kayang
pag-unlad?
a) Pangkalikasan
b) Panlipunan
c) Pansarili
2.Ano ang aspekto na tumutukoy sa hindi pag-aabuso sa mga likas na yaman?
a) Pang-ekonomiya
b) Pangkalikasan
c) Panlipunan
3. Ano ang kinakailangan sa aspekto ng panlipunan?
a) Pagdami ng produkto
b) Pantay na distribusyon ng produkto
c) Pag-abuso sa yaman
4. Ano ang mahalaga sa aspekto ng pang-ekonomiya?
a) Pag-abuso sa likas na yaman
b) Patuloy na pagkuha ng likas na yaman
c) Pag-iwas sa produksyon
5. Ano ang kalakip ng aspekto ng panlipunan?
a) Serbisyong pangkalusugan at edukasyon
b) Pag-abuso sa kalikasan
c) Pagpaparami ng produkto