You are on page 1of 26

Natutuhan mo sa nakaraang aralin ang kahalagahan

ng
wastong paraan ng pangangasiwa sa mga likas na yaman.
Subalit, bunga ng lumalalang krisis sa kalikasan, kailangang
suriin ang ugnayan ng kalikasan at ekonomiya. Kasabay ng
patuloy na pag-unlad ng bansa ay ang patuloy namang
pagkasira ng mga pinagkukunang-yaman nito.
Ang mga gawain sa pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa
upang tugunan ang pangangailangan ng tao ay nagdudulot
din
ng pagkawala at pagkasira ng mga likas na yaman. Sa
madaling
L
A Sa araling ito, inaasahan na:
Y
U • masasabi mo ang kahulugan at kahalagahan ng likas
N kayang pag-unlad (sustainable development),
• makalalahok ka sa mga gawaing lumilinang sa
I pangangalaga at nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng
N mga likas na yaman ng bansa at
• maipadarama mo ang pagmamahal sa kalikasan sa
pamamagitan ng paglahok sa mga gawaing may kinalaman
sa likas kayang pag-unlad.
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay pagtugon sa pangangailangan at mitihiin ng mga tao nang may


pagsaalang-alang sa kakayahan at abilidad ng susunod na henerasyon na
makamit ang kanilang pangangailangan.
A. Environmental Awareness C. Population development
B. Globalization D. Sustainable development

2. Ito ay binuo upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang solusyon ang


suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
A. World Commission on Environment and Development
B. World Health Organization
C. World International Environment Association
D. World Wide Web
3. Ang mga sumusunod ay aspekto ng likas kayang pag-unlad
(sustainable development) maliban sa isa. Ano ito?
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan
4. Ito ay isang aspekto ng likas-kayang pag-unlad kung saan ang mga
pinagkukunang-yaman ay hindi dapat naaabuso o sinisira upang
patuloy na mapakinabangan.
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan
5. Ito ay isang aspekto ng likas-kayang pag-unlad kung saan ang mga
ang mga tao ay patuloy na makakukuha ng likas na
yaman,makagagawa ng mga produkto at makapagbibigay ng
serbisyo,at matutugunan ang pangangailangan.
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan
Tukuyin kung HAMON o OPORTUNIDAD sa
pangingisda ang mga sumusunod na salita o parirala.
Isulat ang sagot sa sagutang
papel. Gawin sa loob ng 5 minuto.

_________1. Climate Change


_________2. Blue Revolution
_________3. Pagpapatayo ng mga kalsada
_________4. Underwater Sonars at Radars
_________5. Pagkasira ng mga tahanan ng mga isda
Tuklasin kung ano ang mabubuo mula sa mga ginulong titik. Ang mga
salitang ito ay tinatawag ding likas kayang pag-unlad. Gawin sa loob ng 2
minuto.
Ang pagsulong at pag-unlad ay
mithiin ng bawat bansa.

Ano ang batayan ng pag-unlad?


Anong mga hakbang ang dapat
gawin upang
makamtan ito?
Kung ihahambing sa ibang mga bansa, masasabing higit
tayong pinagpala dahil mayaman tayo sa mga likas na
yaman at magagaling ang ating mga yamang tao. Ngunit
napag-iwanan na tayo ng mga bansang kasama natin sa
Timog-silangang Asya.
Tungkulin ng pamahalaan na magsulong ng mga
programang mangangalaga sa kapaligiran para sa
kapakanan ng mga mamamayan lalo na ng mga
susunod na henerasyon. Dahil dito ang pamahalaan
ay nagpapatupad ng mahigpit na mga patakaran at
panuntunan upang
mapangalaan ang ating mga likas na yaman at
upang ito ay mapanatili.
Maliban sa mga ahensiyang katulong ng
pamahalaan sa pagtataguyod ng likas-kayang
pag-unlad ay tungkulin din nating mga
mamamayang Pilipino na makilahok sa mga
programa at proyekto upang makamit ang
nilalayon nito. Ito rin ay makatutulong sa pag-
unlad ng sarili at pamayanan.
Mahalaga ang pakikilahok ng mga mamamayan sa
mga
usapin at gawaing pang kalikasan upang mabago
ang ating paraan ng paggamit ng likas na yaman.
Matutugunan nito ang panganib ng pagkaubos ng
likas na yaman na pangunahing pinagkukunan ng
ating pangangailangan at kabuhayan.
Isulat ang TAMA kung wasto ang ipinahahayag ng
pangungusap at MALI kung hindi wasto
ang nakasaad. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

______1. Ang pagsulong at pag-unlad ay mithiin ng bawat


bansa.
______2. Higit na pinagpala ang ating bansa dahil mayaman
tayo sa mga likas na yaman.
______3. Noong 1970, natukoy na ng United Nations
Conference on Human Environment ang posibleng ugnayan ng
kalikasan at kaunlaran.
______4. Ang Nagkakaisang mga Bansa ay binuo ang
Pandaigdigang Komisyon sa Kalikasan at Kaunlaran.
______5. Ang kahulugan ng WCED ay World Commission on
Environment and Development.
Ako bilang isang matapat at makakalikasang mamamayan
ng Pilipinas, ay buong katapatang nanunumpa na
lalahukan ang mga sumusunod na gawain na nagsusulong
ng likas kayang pag unlad:
*Pagtatanim ng mga puno at halaman
1.
2.
3.
4.
5.
Kahulugan Kahalagahan

Likas Kayang
Pag-unlad
Buoin ang pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong sagutang
papel.
1. Ang likas kayang pag-unlad ay ____________.
2. Ang likas kayang pag-unlad ay mahalaga dahil _______.
3. Ang mga gawaing lumilinang sa pangangalaga at
nagsusulong ng likas kayang pag-unlad ng mga likas na
yaman ng bansa ay _______________
4. Mahalagang makilahok sa mga gawaing lumilinang sa
pangangalaga at nagsusulong ng gawaing likas kayang
pagunlad dahil ________________.
5. Bilang isang mag-aaral, ang magagawa ko bilang
pakikiisa sa likas kayang pag-unlad ay ________.
Iguhit sa iyong sagutang papel ang nais
mong makita sa ating kalikasan o sa
iyong lugar sa
panahon na ito. Ipakita sa iyong iginuhit
na ikaw ay nakikilahok sa mga gawaing
lumilinang sa pangangalaga at
pagsusulong ng likas kayang pag-unlad.
Ating tingnan ang iyong mga natutunan sa modyul na ito. Ilagay ang
mga nawawalang salita upang mabuo ang konsepto.
• Noong ______, natukoy ng United Nations Conference on Human
Environment ang posibilidad ng ugnayan ng kalikasan at ng
kaunlaran.
• Noong 1987, binuo ng _____________ ang World Commission on
Environment and Development (WCED) upang pag-aralan at
bigyan ng kaukulang solusyon ang suliranin sa kalikasan at
kaunlaran.
• Ang likas kayang pag-unlad o sustainable development ay ______
_____________________________________________________
_____________________________________________________
_____________________________________________________
• Ang tatlong aspekto ng likas kayang pag-unlad ay ____________,
________________, at _________________
Panuto: Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Ito ay isang aspekto ng likas-kayang pag-unlad kung saan ito ay may


kalakip na serbisyong pangkalusugan at pang-edukasyon at political na
pananagutan at partisipasyon.
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan

2. Ang lakas kayang pag-unlad (sustainable development )ay


pagtugon sa pangangailangan at mitihiin ng mga tao nang may
pagsaalang-alang sa kakayahan at abilidad ng susunod na
henerasyon na makamit ang kanilang pangangailangan.
A. Tama C. Hindi sigurado
B. Hindi D. Marahil
3. Ito ang bumuo sa World Commission on Environment and
Development (WCED) upang pag-aralan at bigyan ng kaukulang
solusyon ang suliranin sa kalikasan at kaunlaran.
A. ASEAN C. PSSD B. UN D. wala sa nabanggit
4. Ang mga sumusunod ay aspekto ng likas kayang pag-unlad
(sustainable development) maliban sa isa. Ano ito?
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan
5. Ito ay isang aspekto ng likas-kayang pag-unlad kung saan ang mga
pinagkukunang-yaman ay hindi dapat naaabuso o sinisira upang patuloy na
mapakinabangan.
A. Pampopulasyon C. Pangkalikasan
B. Pang-ekonomiya D. Panlipunan

You might also like