0% found this document useful (0 votes)
57 views4 pages

DLP Output - Middle

Ang dokumento ay isang Learning Activity Sheet para sa Araling Panlipunan 9 na nakatuon sa konsepto ng demand. Tinalakay dito ang ugnayan ng presyo at quantity demanded, kasama ang mga konsepto ng substitution effect at income effect. Naglalaman din ito ng mga pamamaraan sa pagpapakita ng demand tulad ng demand schedule, demand curve, at demand function, pati na rin ang mga tanong para sa pagproseso ng mga mag-aaral.

Uploaded by

angellou barrett
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
57 views4 pages

DLP Output - Middle

Ang dokumento ay isang Learning Activity Sheet para sa Araling Panlipunan 9 na nakatuon sa konsepto ng demand. Tinalakay dito ang ugnayan ng presyo at quantity demanded, kasama ang mga konsepto ng substitution effect at income effect. Naglalaman din ito ng mga pamamaraan sa pagpapakita ng demand tulad ng demand schedule, demand curve, at demand function, pati na rin ang mga tanong para sa pagproseso ng mga mag-aaral.

Uploaded by

angellou barrett
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOCX, PDF, TXT or read online on Scribd

S.Y.

2025-2026
Dynamic Learning Program Subject: Araling Panlipunan 9
Q2-LAS -
L E A R N I N GA C T I V I T Y S H E E T
Pangalan Iskor:
:
Baitang at Petsa:
Seksiyon:
Uri ng Gawain: (Lagyan ng tsek ang naangkop mula sa pagpiliian sa ibaba.)
□ Tala sa mga Konsepto □ Gawaing Pagganap □ Sulating Pormal □ Iba pa:
□ Gawaing Pagsasanay o Drill: □ Ilustrasyon □ Sulating Di-pormal

Pamagat Konsepto ng Demand


ng
Gawain:
Target na Nailalapat ang kahulugan ng demand sa pang-araw-araw
Layunin sa na pamumuhay ng bawat pamilya.
Pagkatuto:
Mga Sanggunian: Ekonomiks pahina 115-123
(Awtor, Pamagat, Pahina)
Ang demand ay tumutukoy sa dami o bílang ng uri ng mga produkto o
serbisyong nakatutugon sa gusto at káyang bilhin ng mga mámimíli sa iba’t ibang presyo sa
isang takdang panahon.
Batas ng Demand—ayon sa batas na ito, mayroong inverse o magkasalungat na ugnayan
ang
presyo sa quantity demanded o hinihinging dami ng isang produkto.Kapag tumaas ang
presyo,
bumababa ang dami ng gusto at kayang bilhin; at kapag bumaba ang presyo, tataas ang
dami ng gusto at kayang bilhin (ceteris paribus). Ang substitution effect at income effect
ay ang dalawang konsepto na nagpapaliwanag kung bakit may magkasalungat o inverse na
ugnayan presyo at demand. Sa substitution effect—kapag tumaas ang presyo ng isang
produkto ang mámimíli ay hahanap ng mas murang produktong maipapalit dito.
Samantalang sa income effect—kapag mababa ang presyo ng produkto mas nagiging
malaki ang kakayahan ng kíta ng mámimíli na makabili ng produkto.
Mayroon tatlong pamamaraan sa pagpapakita ng konsepto ng demand,
ang demand schedule, demand curve, at demand function.
Demand Schedule
Ang demand schedule ay tumutukoy sa talaan na nagpapakita ng dami ng kaya at gustong
bilhin ng mámimíli sa iba’t ibang presyo ng isang partikular ng produkto.
Demand Curve- isang graph na nagpapakita ng iba’t ibang kombinasyon ng mga presyo at
ng quantity demand. Ito ang graphical representation ng isang demand schedule.
Demand Function
Ang demand function ay tumutukoy sa matematikong pagpapakita sa ugnayan ng presyo at
quantity demanded.
PAGSASANAY:
Panuto: Kumpletuhin ang mga katawagan at konseptong tinutukoy ng sumusunod na
pangungusap upang mabuo ang isang talata. Isulat ang mga tamang sagot sa patlang.

Ang _____________ ay tumutukoy sa dami ng produkto at serbisyong gusto at kayang


bilhin ng mga mamimili. Ang demand ay higit na mauunawaan sa pamamagitan ng
___________________ na kung saan ito ay isang talaan na nagpapakita ng dami na kaya at
gustong bilhin ng mamimili sa iba’t ibang presyo. Sa grapikong paglalarawan ng presyo at
quantity demanded na tinatawag na ________________ ay makikita ang takbo ng demand. Ang
___________________ ay nagsasaad na mayroong magkataliwas na ugnayan sa pagitan ng
presyo at quantity demanded.

Pamprosesong Tanong:
1. Kung ikaw ay nasanay sa buhay kung saan naibibigay ang lahat ng iyong
pangangailangan at kagustuhan, sa patuloy pagtaas ng presyo ng bilihin at
nananatiling mallit ang kinikita ng iyong pamilya, mananatili pa rin ba ang demand mo
sa bagay-bagay?Bakit o Bakit hindi? (
2. Bilang mag-aaral, papaano ka makakatulong sa magulang mo na nakakaranas ng
kawalan ng trabaho at pera na nagiging dahilan ng pagbaba ng demand sa mga
pangunahing pangangailangan tulad ng bigas? (Self-awareness)
Prepared by:
Angellou J. Barrett
Araling Panlipunan Teacher

S.Y. 2025-2026
Dynamic Learning Program Subject:
Q1-TN -
T E A C H E R’ S NOT E
Pamagat ng Gawain:
Target na Layunin sa
Pagkatuto:
Mga Kagamitan:
Mga Sanggunian:
(Awtor, Pamagat, Pahina)

You might also like