Upang masigurado natin na safe ang pagdadalang tao at panganganak Upang masigurado na masigla ang nanay at ang baby Upang maagapan ang mga komplikasyon ng pagdadalang tao Upang maiwasan ang pagkalaglag ng baby Ito ay makakatulong upang makakuha ng counseling para sa iba pang mga kondisyon Wastong Gawain Bago pa Mabuntis Maaring magsimula ang prenatal care bago pa mabuo ang baby at mas magandang planuhin na ang pagdadalang tao bago pa mabuntis Bago pa mabuntis ay: Taasan na ang pagkain ng mga matataas sa folic acid Siguraduhin na ang mga bakuna ay sapat Icontrol ang diabetes, altapresyon, at iba pang mga sakit Huwag magsigarilyo at huwag uminom ng alak Panatilihin ang tamang timbang Presumptive na Sinyales ng Pagkabuntis Hindi pag mens Pagkasuka o pagsuka Pananamlay at pagod Pagbabago sa pagihi Pagbabago sa dibdib Pangingitim Pakiramdam ng pag galaw sa loob ng bahay bata (karaniwang unang nararamdaman simula 16 20 weeks) Probable na sinyales ng pagkabuntis Positibong Pregnancy Test Paglalambot ng cervix Pagkakaroon ng bluish na kulay ng cervix Paglaki ng tiyan Paninigas ng tiyan ng pansamantala Positibong Sinyales ng Pagkabuntis Fetal Heart Sounds Makikita ang fetus sa ultrasound Kapag ikaw ay may hinala na ikaw ay buntis, magcheckup na upang masimulan ang Prenatal Care Prenatal Care Mainam na magkaroon ng hindi bababa sa walong Prenatal na checkup sa kurso ng pagdadalang tao (2016 WHO ANC model) Dito kayo mabibigyan ng kaalaman tungkol sa wastong pagkain at pagiging aktibo habang buntis Mainam na kumain ng mga pagkaing mataas sa folic acid Pagpapabakuna tulad ng para sa tetanus Ultrasound bago ang 24 weeks SA MGA BUNTIS, MAGPATINGIN AGAD KAPAG Dumugo sa may puwerta Hindi tumitigil na pagsusuka Lagnat o panlalamig Paglabas ng tubig sa may puwerta Pananakit ng tiyan Pamamanas Biglang panghina ng paningin Sobrang pananakit ng ulo Hirap sa pagiihi Hindi na gumagalaw ang fetus sa tiyan