You are on page 1of 15

KATANGIANG PISIKAL NG

DAIGDIG
• Nasaan ang Planetang Daigdig sa solar system?
• Ano ang masasabi ninyo sa posisyon ng Daigdig sa
solar sytem?
ANG DAIGDIG
 Isa ang Daigdig sa walong planetang umiinog at umiikot sa
isang malaking bituin, ang Araw. Bumubuo sa tinatawag
na solar system ang mga ito.
 Ang lahat ng buhay sa daigdig -halaman, hayop, at tao –
ay kumukuha ng enerhiya mula sa Araw. Gayon, ang halos,
lahat sa kalikasan at kapaligiran- mula sa hangin, alon,
ulan, klima at panahon- ay naaapektuhan ng Araw.
Mahalaga rin ang sinag ng Araw sa mga halaman upang
mabuhay at maganap ang photosynthesis.
 Samantala, ang halamang ito ay nagbibigay ng oxygen na
mahalaga sa lahat ng nilalang. Ang pagkakaroon ng buhay
sa Daigdig ay masasabing dulot ng tiyak na posisyon nito
sa solar system, patunay na ang pag-inog nito sa sariling
aksis at ang paglalakbay paikot sa Araw bawat taon.
MGA BAHAGI NG DAIGDIG
CRUST
 Ang matigas at mabatong bahagi
ng planeta.
 Umaabot ang kapal nito mula 30-65
kilometro (km) pailalim mula sa
mga kontinente.
 Subalit sa mga karagatn, ito ay
may kapal lamang na 5-7 km.
 MANTLE

 Isang patong ng mga batong


napakainit kaya malambot at
natutunaw ang ilang bahagi
nito.
 CORE

 Ang kaloob-loobang bahagi ng


Daigdig na binubuo ng mga
metal tulad iron at nickel.
ESTRUKTURA NG DAIGDIG
TECTONIC PLATES
 Ito ay malalaking masa ng solidong bato
na hindi nanatili sa posisyon. Sa halip,
ang mga ito ay gumagalaw na tila mga
balsang inaanod sa mantle.
 Napakabagal ng paggalaw ng mga plate
na ito. Sa katunayan, umaabot lamang
ito ng 5 sintemetro (2 pulgada) bawat
taon.
 Gayunpaman, ang paggalaw at ang pag
uumpugan ng mga ito ay napakalakas at
nagdudulot ng mga lindol at nagdudulot
ng mga paglindol, pagputok ng bulkan
at pagbuo ng mga kabundukan tulad ng
himalayas.
 Ito rin ang makapagpapaliwanag kung
bakit sa loob ng milyon-milyong taon,
ang posisyon ng mga kontinente sa
daigdig ay nagbabago-bago.
http://waiteearthscience.weebly.com/sliding-boundaries.html
HEMISPHERE (Hating-Globo)
 Ang daigdig ay may apat na hating-globo:

 Ang Northern at Southern hemisphere na


hinahati ng EQUATOR.

 Ang Eastern at Western Hemisphere na


hinahati ng PRIME MERIDIAN.
https://www.worldatlas.com/aatlas/imageh.htm

You might also like