Professional Documents
Culture Documents
• PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Dito babanggitin ang sanhi o layunin ng pananaliksik na maaring sa
anyong patanong o simpling paglalahad ng layunin. Iaanyo itong
nangunguna ang pangkalahatang layunin na susundan ng 3 o higit
pang mga tiyak na layunin.
• KAHALAGAHAN NG TALAKAY
Dito bibigyang kahulugan ang mga salitang mahahalaga o pili na
ginagamit sa pananaliksik. Bibigyang linaw ang mga ito sa paraang kung
paano ito ginamit sa loob ng pangungusap. Sa maikling sabi operational
meaning ng salitang bibigyang katuturan sa paalfabetong anyo.
• BATAYANG KONSEPTWAL
ilalantad ang teoryang pagbabatayan ng pag-aaral. Sa teorya ring ito
iaangkala ng mananaliksik ang sariling pagtingin sa paksang pinag-
aaaralan gayundin ang mga ideyang dapat palitawin sa ginawang
pananaliksik.
1. Siguraduhin ang mga tao o taong iinterbyuhin. Kailangan ang taong iyon
ay makatutulong sa ginagawang pag-aaral at ang impormasyon na
ibabahagi niya ay sadyang iyon ang kailangan.
2. Ihanda ang mga tanong na ibibigay o itatanong sa iinterbyuhin. Ihanay
ang mga tanong ayon sa tamang pagkakasunod-sunod nito. Kung handa
na ang itatanong sa kakapanayamin magiging maganda ang daloy ng
usapan.
3. Iwasan ang tanong na tanging oo o hindi ang sagot kung maaari. Ang
sagot na oo o hindi ay dadaan upang matigil na ang interbyu.
4. Sa pag-interbyu laging ihanda ang sulatang papel o di kaya’y ang tape
recorder na magtatago ng resultang interbyu.
5. Huwag kalilimutan ang pasasalamat pagkatapos ng interbyu. Alalahaning
inabala mo ang kanyang panahon. Hingin narin ang panahon na muli mo
siyang mainterbyu kung kakailanganin pa. Ang papapaisnak sa interbyu
ay maari ring maganap bilang porma ng pagtanaw ng utang na loob.
c. INTERNET. Matutong manaliksik sa internet upang lalong maging
mayaman ang pahayag na maiugnay sa ginagawang pananaliksik. Sa
anumang impormasong napakinabangan huwag kalilimutang pasalamatan
ang pinagkunan sa pamamagitan ng pagtatala ng website sa biblyografi.
Kabanata III
pagsusuri at interpretasyon ng mga datos
Pagsusuri
- ang pagsusuri ay nagaganap sa tulong ng malalim na pagpapahayag/
pagpapaliwanag ng kinalanasan ng pag-aaral. Lubos na nasusuri ang
pinag-aaralan kung iuugnay ito sa teorya o pagdulog ng mapag-aanglahan.
Maari pa ring iugnay ang pagsusuri sa kalagayan ng kapaligiran dahil
maaaring makasagot ito sa resulta ng pag-aaral.
Interpretasyon -
- sa pagbibigay interpretasyon ng kinalabasan ng pag-aaral, ipinahahayag
nito ang pansariling implikasyon ng resulta ng pananaliksik. Gumaganda
ang interpretasyon kung makatotohanan ang mga figyur na lumabas sa
pag-aaral. Sa pagbibigay interpretasyon inihahayag muna ang
paglalarawan ng mga datos at binabanggit din ang kaukalang tambilang
bilang suporta sa gagawing interpretasyon. Ang ginagawan ng
interpretasyon ay maaaring nakaanyong tabular o graf na ang parameter ay
nasa gawaing itaas o kaya’y sa gawing kaliwa,pababa. Ang kaukalang
tambilang naman ay nasa kabilang direksyon ng parameter na maaaring
pababa o pahalang ang posisyon.
Paliwanag/ pagsusuri
- sa unang tanong na panlalalaki o pambababae ang karaniwang sanhi ng
pambubugbog sa asawa, makikitang marami ang sumagot sa scale na 4 o
sang-ayon, 11 o 35% ng kabuuang bilang ng mga respondente na
sinusundan naman ng 5 o sang-ayon na may 9 o 29% at pinakakaunti ang
scale na 2 o di-sang-ayon na walang sumagot o 0%
Kabanata IV
paglalahad ng resulta ng pananaliksik
Sa bahaging ito ilalahad nang isa-isa at malinaw ang mga naging
kasagutan sa bawat suliranin o tanong o layunin ng isinagawang
pananaliksik.
iaanyo ito sa disenyong naaayon sa patakaran ng paaralan o di kaya’y
maari rin namang ayon sa kagustuhan ng mananaliksik. Ang mahalaga
makikita nang maayos ang sagot sa bawat tanong o layunin ng pag-aaral.
Halimbawa ng teksto