You are on page 1of 5

Sistematikong

Pananaliksik
tungkol sa mga
Pabula ng
Mindanao
Source: Pluma 7: Ikalawang Edisyon, katig.com, wikipedia.com
Ano ang pabula?
• Ang pabula ay isang uri ng kathang-isip
na panitikan kung saan ang mga hayop o
kaya mga bagay na walang-buhay ang
gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon
at daga, pagong at matsing, lobo at
kambing, at kuneho at leon. May
natatanging kaisipang lmahahango mula sa
mga pabula, sapagkat nagbibigay ng mga
moral na aral para sa mga batang
mambabasa. Tinatawag din itong kathang
kuwentong nagbibigay-aral.
Natalo Rin si Pilandok
Ang Munting Ibon
• May magasawang pinangalang, Lokes a Babay at ang asawa niyang si Lokes
a Mama. Ang hanapbuhay nila ay pangangaso lamang. Naglagay sila ng
kanilang bitag at nakahuli si Lokes a Babay ng isang matabang usa at
nakahuli naman si Lokes a Mama ng isang ibon, ngunit hindi lang ito isang
ibon, isa itong munting ibon na nangingitlog ng dyamante o tinatawag
nilang muntias. Pilit nagpalitan sila ng mga nahuli at dahil sa mapagkasarili
ni Lokes a Mama ay hindi niya ito binigyan ang kanyang asawa ng pagkain.
At ng isang gabi, natuklasan na ni Lokes a Babay na nangingitlog ang ibon
ng muntias at ginawa niya itong sikreto. Inipon niya hanggang sa dumami
ito. At napagusapan nila na maghihiwalay silang magasawa. Nagpatayo ni
Lokes a Babay ng sarili niyang tahanan at dahil sa manloloko ang kanyang
asawa, inutusan niya ang guwardiya na huwag papasukin si Lokes a Mama
sa kanyang tahanan.

You might also like