You are on page 1of 11

Aralin 1

Pagpupuri sa Maylikha
ni: Marian A. Caampued
PAGPUPURI SA MAYLIKHA
Ang Maylikha’y papurihan,
Na sa atin ay lumalang!
Mundo, maging karagatan, Pag-ibig Niya ay damhin,
Puno, hayop, at halaman. Tulong niya ay tanggapin,
Sagana’t payapang buhay,
Dalangin ay sasambitin, Tunay niyang ibibigay.
Sa Kaniya na lumikha sa atin.
Ang nagbigay ng liwanag,
Ng lupa, hangin, at tubig.
Ibigay ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit sa bawat pangungusap. Ang salitang
magkasingkahulugan ay magkatulad ang ibig
sabihin, halimbawa, maganda at marikit.
Punan ang mga patlang ng mga letrang a,e,i,o,
o u.
1. May awa ang Maylikha.
D_y_s
2. Ang Maylikha ang lumalang ng
langit at lupa.
g_m_w_

3. Sasambitin ko sa Maylikha ang


kahilingan ng bata.
s_s_b_h_n
4. Tunay na pag-ibig ang handog ng
Maylikha sa atin.
p_gm_m_h_l

5. Gusto ng tao ang buhay na payapa.


t_h_m_k
Bilugan ang letra ng tamang sagot.

1. Ano ang tunay na ibibigay sa


iyo ng Maylikha ayon sa tula?
a. buhay
b. bahay
c. laruan
2. Ano ang dapat sambitin natin sa
Maylikha?
a. Paalam
b. Pagbati
c. Dalangin
3. Ano-ano pa ang handog ng Maylika sa
atin?
a. liwanag at lupa
b. hangin at tubig
c. parehong a at b
4. Bukod sa ating mga tao at mga
hayop, ano pa ang nilalang ng
Maylikha?
a. mga puno at halaman
b. kotse at bahay
c. mesa at upuan
5. Ano ang patunay na mahal ng Diyos
ang tao?
a. Tayo ay kaniyang nilikha.
b. Tayo ay kaniyang tinulungan.
c. Parehong a at b.

You might also like