may simula, gitna, at wakas. Ipinamamalas nito ang tunay na layunin ng pelikula II. KARAKTER
Kung naging epektibo ba ang
karakter ng aktor/artista sa pelikula. III. LUNAN at PANAHON
Bigyang pansin din ang lugar
na pinagdausan ng pelikula kung angkop ba ito sa kwento. IV. SINEMATOGRAPIYA
Ito ang sining ng pagkuha o
pagrekord ng eksena gamit ang kamera na isinaalang-alang ang mahusay na pagpili ng lokasyon at paggamit ng ilaw. V. ISKORING NG MUSIKA
Ang iskoring ang nilalapat sa
musika , instrumental man o liriko sa pelikula. Kadalasan ang titulo ng musika ay sya na ring titulo ng pelikula VI. EDITING
Nangyayari ito kapag tapos na ang
shooting o aktwal na recording ng pelikula dahilkapag ginagawa ang isang pelikula ay hindi batay sa pagkakasunod-sunod ng iskrip kundi sa maraming aspeto ng badyet ng pelikula, oras ng nagsisiganap, at marami pang iba. VII. KABUUANG DIREKSYON
Hinuhusgahan ang kabuuan ng
pelikula dahil sa husay ng direktor. Siya ang kapitan sa produksyon ng pelikula. VIII. TEMA
Tumutukoy ito sa pangkalahatang konsepto ng palabas at ang inaasahang epekto nito sa manonood.