You are on page 1of 6

Pagsulat ng

Talumpati
– Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.
– Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya
o kaisipan sa paraang pasalitang tumatalakay sa isang
particular na paksa.
– Karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga
tagapakinig.
– Ang isamh talumpati ay hindi magiging ganap kung ito ay
hindi maibibigkas sa harap ng madla.
Apat na uri ng talumpati

– Biglaang talumpati (impromptu) ibinibigay nang biglaan o walang


paghahanda. Kaagad na ibinibigay ang paksa sa oras ng
pagsasalita.
– Maluwag (extemporaneous) binibigyan ng ilang minuto para sa
pagbuo ng ipapahayag na kaisipan batay sa paksang ibinigay bago
ito ipahayag.
– Manuskrito – ginagamit ito sa kumbensiyon , seminar o programa
sa pagsasaliksik kaya pinagaaralan itong mabuti at dapat nakasulat.
– Isinaulong talumpati. Ito ay mahusay na pinagaaralan at hinahbi
nang maayos bago ito bigkasin sa harap ng tagapakinig.
Mga uri ng talumpati ayon sa
layunin
– Talumpating nagbibigay ng impormasyon o kabatiran. Layunin
nitong ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang paksa, isyu o
pangyayari. Dapat na maging malinaw at makatotohanan ang
paglalahad ng datos kaya mahalagang gumamit ng dokumentong
makapatitiwalaan.
– Talumpating panlibang- layunin nito na magbigay ng kasiyahan sa
tagapakinig, kaya sa pagsulat nito mahalagang lahukan ng mga
birong nakakatawa na may kaugnayan sa paksa.
– Talumpating pampasigla- layunin nitong magbigay ng inspirasyon
sa mga nakikinig. Tiyaking ang nilalaman nito ay makakapukaw at
makakapasigla sa damdamin at isipan ng mga tao.
– Talumpating panghikayat- layunin nitong hikayatin ng tagapakinig
na tanggapin ang paniniwala ng manunumpalati sa pagbibigay ng
katwiran at mga patunay.
– Talumpati ng pagbibigay-galang – layunin nitong tanggapin ang
bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
– Tamlumpati ng papuri- layunin nitong magbigay ng pagkilala o
papugay sa isang tao o samahan.

You might also like