You are on page 1of 3

Balagtasan - pagtatalong patula na naglalahad ng mga opinyon/saloobin (may sukat at tugma) - binubuo ng dalawang panig (sang-ayon at disang-ayon) at isang

lakandiwa (tagapamagitan sa magtatalong dalawang panig) - parangal kay Francisco Balagtas - Karaniwang ginaganap sa ibabaw ng tanghalan. - Ang mga makata o mambibigkis ay nagtatagisan ng mga katwiran sa matulain at masining na pamaraan. Abril 6, 1924 sa Instituto de Mujeres - unang balagtasan Katangian: - ang gumaganap: -- mga makata na mahusay sa pagbigkas - ang pangangatwiran: -- mga piling salita na may sukat at tugma na siyang nagbibigay ng indayog. -- indayog ng pagbibigkas ay nagbibigay ng kariktan at kasiningan na siyang umaakit sa tagapakinig. - ang dalawang panig ay maaaring gampan ng isa, dalawa o tatlong mga kalahok. - hangarin ng bawat panig ang mapaniwala ang katalo at ang mga tagakapakinig sa kanyang pangangatwirang inilalahad. - ginagamit na salita: tiyak na malinaw upang ganap na maunawaan - nagbibigay ng mga patunay na katotohanan. - bawat panig: sapat na kaalaman sa paksang papagtalunan - ang tagapakinig: magbibigay ng hatol Pangangailangan: - paksa - dalawang panig - lakandiwa - tagapakinig - tanghalan Paraan: una - magpapakilala ang lakandiwa ikalawa - sang-ayon (unang tindig) ikatatlo - di-sang-ayon (unang tindig) ika-apat - sang-ayon (pangalawang tindig) Katangian ng mahusay na balagtasan: - gumagamit ng iba't ibang istilo ng pagsusuri ng mga katibayan - nagbibigay ng iba't ibang uri ng patunay - maayos at mabisa ang paglalahad ng katwiran Dapat taglayin ng mambabalagtas: - marunong at sanay tumindig sa harap ng madla - may magandang asal at hindi pikon

- may saalang-alang at pitagan sa kanyang katalo, lakandiwa at nakikinig Bahagi ng editoryal Panimula - isyung tatahakin. = karaniwang napapanahon o kalagayan sa lipunan. Katawan - nagpapahayag ng opinyon ng pahayagan sa pamamagitan ng paglalahad ng isyu sa paraang madaling unawait at malinaw para sa mga mambabasa. Wakas - kaisipang nais ikintal. maaring ilang may sang-ayon o magbibigay diin sa kaisipang tumatalakay nito Uri: Nagpapabatid = nagpapaliwanag tungkol sa isyu. nililinaw nito ang mga bagay na may kaugnayan sa kasalukuyang isyu - upang matulungan ang mga mambabasa na magkaroon ng buong kaalaman tungkol sa tinalakay na paksa. Nangangatwiran = lohikal na pinangangatwiran ang isang panig ng isyu upang patunayan ang isang paninindigan. Nanghihiyakat = tuwirang nananawagan sa mga mambabasa na suportahan ang isang programa, balak o kilos. nililinaw rin nito ang dahilan kung bakit dapat sang-ayunan ang isang gawain. Nagpapakahulugan/Nagkokomentaryo = ipinaliliwanag ang kahulugan ng balita kaugnay ng iba pang pangyayari Namumuna = ibinibigay ang mga puna at mangkahi hinggil sa isang isyu. Nagpapahalaga = pinahahalagahan ang nagawa ng isang tao, pinupuri ang kalagayan ng gawain o pinapangaralan ang isang dakilang adhikain. Nanlilibang = naglalayong libangin ng mambabasa habang nagmumungkahi ng isang makatwirang gawain. Nangbabalita = nagpapahayag ng isang natatanging balita na siyang laman ng usapusapin sa buong kapuluan. Nagbibigay ng opinyon ng editor tungkol sa isyu. Sumasalungat = pagsalungat sa opinyon ng ibang editor. Balita = ulat ng pangyayaring di-karaniwan = ulat na pasalitang pangyayari na nangyari sa kasalukuyan o nakaraan na

Katangian: = walang pinapanigan = malinaw at maikli = binubup ng mga totoong tao at pangyayari = eksakto = isinulat upang magpabatid o magpaliwanag = maaring nagtuturo, naglilinaw o nang-aaliw Patnubay (lead) [what,who,where,when,why,how] ________________________

Uri: - anunsyong nagtatanghal (display ad) = ipinababatid ang anunsyo sa pamamagitan ng larawang kahit dorders na pantulong upang higit na maging kaakit-akit ang anyo ng pahina at lalong tinawag pansin ng mambabasa. - anunsyong inuri (classified ad) = nasagawa ang pag-anunsyo ng mga produkto o gawain ayon sa uri at sa ilalim ng bukod bukod na pamagay, kaunti lamang ang mga salitang ginagamit. - anunsyong para sa mamimili = kalimitan ang anumang ito ay isang pitak o isang tudling sa pahayagan na may sariling mamilak. nagkakaroon ng personal na kinikilingan Paraan ng pag-aanunsyo: = pamamagitan ng dyaryo, radyo at sulat [pinaka-epektibo] = pamamagitan ng palabas [pinakabagong labas ng damit ay maaring ipakilala] = pamamagitan ng exhibit [mga kalakal ay maaaring ipakilala sa masa sa pamamagitan ng pagtanghal nito sa mga hotel o saan mang lugar] = lecture at demonstrasyon [inaasahang makinig sa pagtuturo tungkol sa isang inaanunsyong kalakal] = pamamagitan ng halimbawa [nagbibigay ng libreng inaanunsyong produkto, mahuhusgahan ang kalidad ng mga mamimili] = mula sa bintana [nagiging sentro ng pangaakit] = pamamagitan ng diskwento [quantity discounts] Pangngalang-diwa = pandiwang nagsisilbi bilang pangngalan. Paraan ng pagbuo: um = tumalakay --> pagtalakay mag = magsabi --> pagsasabi mang = mangopya --> pangongopya in/hin = sabihin --> pagsasabi an/han = puntahan --> pagpunta maka = makatawag --> pagtawag ma = maisip --> pag-isip Pangungusap - grupo ng salita na may taglay ng buong diwa Kayarian ng pangungusap: --payak = payak na simuno + payak na panaguri = payak na simuno + tambalang panaguri = tambalahang simuno + payak na panaguri = tambalang simuno + tambalang panaguri --tambalan = dalawang malayang sugnay = pangatnig: at, subalit, ngunit, datapwa't, o, habang, samantala, bagama't, pati, kaya

Katawan

Tagilo = inverted pyramid Bahagi ng balita: simula = pinakaimportante katawan = detalye ng balita wakas = tulisan (hulihan) Uri ng patnubay: Kombensyonal = nagtataglay ng kasagutan sa mga tanong na SINO, ANO, BAKIT, PAANO at KAILAN. Di-kombensyonal = gumagamit ng kakaibang paraan = pagtatanong, sumisipi, nag-lalarawan, nagiisa-isa at punch lead. Dapat tandaan: -- ibatay ang ulo ng balit sa nilalaman ng unang balita. gawin itong pinakabuod ng unang balita. -- gawing maikli at makakatawag-pansin ang ulo ng balita upang maakit ang mga mambabasa Anunsyo = lalong palansak & kawili-wiling panoorin sa TV = nagtataguyod ng produkto Tungkulin: - maglahad ng pagkakakitaan para sa pahayagan - maisagawa ang paglilingkod ng mga negosyanteng maipagbili ang kanilang mga produkto at sebrisyo sa pamahalaan. - maipaalam ang mga natatamo sa pagbili ng isang produkto. - makapagpatayo ng mabuting pagkapwa ang mga pamayanan sa mga mamimili.

--hugnayan = isang malayang sugnay at isang di-malayang sugnay = pangatnig: sapagkat, pag, kapag, dahil, yaman, kasi, nang, upang, para, habang, samantala, samakatuwid, bagkus, palibhasa, na, kundi, kung, hindi, sakali, kahit, bagaman --langkapan = dalawa o higit na malayang sugnay at isa o higit na di-malayang sugnay. Pang-ugnay = kataga -pangatnig = nag-uugnay ng salita, parirala, sugnay = palibhasa, datapwat, maging, sapagkat, ngunit, ni, kung gayon -pang-angkop = panuring nag-uugnat sa panuring tinuturingan = na, ng - pang-ukol = alinsunod sa, ayon sa, laban sa, tungkol sa, ukol sa, labag sa, kay, sa

You might also like