GNP at GDP

You might also like

You are on page 1of 10

THE EXPENDITURE APPROACH

GNP = C + G + I + (X – M) + (net factor income from abroad + statistical


discrepancy)
Kung saan:
C = personal na paggasta
G= paggasta ng pamahalaan
I = gastos sa pangangapital
X – M = net exports
Anuman ang nagawang produkto at serbisyo ng ekonomiya, ito rin ang kinokonsumo.
Ang mga tapos na produkto at serbisyo ay maaaring uriin sa sumusunod: mga
kinokonsumong produkto (consumption goods), produktong ginagamit sa
pangangapital (investment goods), produkto at serbisyong ginagamit ng
pamahalaan at ang mga gastos sa paggawa ng produktong iniluluwas pagkatapos
ibawas ang paggasta sa pag-angkat.
Net Factor Income from Abroad = kita ng mga Pilipino sa ibang bansa sa
pagkatapos ibawas ang kita ng mga dayuhan sa loob ng PIlipinas
Statistical Discrepancy = pagkakaiba sa pagtataya ng pambansang kita sa paraang
batay sa paggasta at paraan batay sa kita
THE INCOME APPROACH
Sa proseso ng produksyon, ang mga may-ari ng salik ng produksyon tulad ng lupa,
paggawa at kapital ay tumatanggap ng kita bilang kabayaran sa kanilang
kontribusyon sa proseso para magawa ang produkto.
Ang mga sinusukat sa ganitong paraan ay ang sumusunod:
Kita ng mga tao (personal income)
 Sahod at sweldo
 Tubo at dividends
 Upa
 Interes

Kita ng pamahalaan mula sa pamumuhunan (government income)


Kita ng korporasyon (corporate income)
Kapag pinagsama-sama ang tatlong uri ng kita, makukuha ang pambansang kita
(national income):
NI = P I + GI + CI + (IT – S) + (DA)
Kung saan:
PI = kita ng tao
GI = kita ng pamahalaan mula sa pangangapital
CI = kita ng bahay-kalakal/ korporasyon
NI = pambansang kita
IT – S = di-tuwirang buwis (IT) na binawas ang subsidiya (S)
DA = depreciation

You might also like