ang pangungusap. Kantahin naman ang “BINALEWALA” kung ito ay mali. Tatawag ng piling mag-aaral na magpapalit ng may salungguhit upang maiwasto ang pangungusap. • Ang Merkantilismo ay prinsipyong pang-ekonomiya kung saan ang batayan ng kayamanan ng bansa ay ang dami ng ginto at pilak na mayoon ito. • Ang Krusada ay serye ng mga kampanya ng mga Muslim na kabalyero na ang layunin ay bawiin ang Jerusalem. • KRISTIYANONG KABALYERO • Ang Mandate System ay pagpapasailalim sa isang bansang naghahanda na maging isang malaya at nagsasariling bansa sa patnubay ng isang bansang Europeo. • Ang Oligopolyo ay isang istrakturang bilihin na may malakas na puwersang itinakda ang presyo at dami ng ibebentya dahil nag-iisa lamang ang prodyuser na nagbebenta ng produkto at serbisyo sa maraming mamimili. MONOPOLYO • Ang Suttee ay pagsunog sa katawan ng asawang lalaki sa ibabaw ng bangkay ng asawa. ASAWANG BABAE • Ang Black Man’s Burden ay isang kaisipan na nagbibigay katwiran sa ginawang pananakop ng mga Kanluranin. Ang mga Asyano ay pabigat lamang daw sa mga Europeo at may tungkulin silang tulungan at turuan mula sa primitibong pamumuhay. WHITE MAN’S BURDEN • Ang Rebolusyong Industriyal ay pag-usbong ng makinarya sa Europa na naging dahilan upang magkulang ng hilaw na materyales. • Ang Rebelyong Sepoy ay pag-aalsa ng mga sundalong Indiano sa mga Briton dahil sa balitang nilalagyan di umano ng langis ng baka at baboy ang mga riffle na ginagamit nila. • Ang Nasyonalismo ay kamalayan sa pambansang pagkakakilanlan. Pagmamahal sa sariling bansa. • Si Ayatollah Khomeini ang kauna-unahang hari ng Saudi Arabia. IBN SAUD •Si Mohammed Ali Jinah ang tinaguriang “Ama ng India”. AMA NG PAKISTAN • Si Mustafa Kemal Ataturk ay nagbigay daan sa kalayaan ng Turkey, sa kabila kabila ng ang bansang ito ay binalak paghati-hatian ng mga Kanluraning bansa tulad ng France, Great Britain at Greece.