You are on page 1of 23

LAYUNIN:

1. Nakikilala ang katangian ng mga


tauhan batay sa tono at paraan ng
kanilang pananalita.

2. Naipaliliwanag ang kahulugan ng


mga simbolong ginamit sa akda.
Captain Barbell

Darna SUPERHERONG
FILIPINO Panday

Krystala
GAWAIN
I. Ibigay ang tinutukoy na salita sa bawat bilang sa tulong
ng mga pahiwatig na titik sa bawat kahon.
K_W__A
1. Iba pang tawag sa yungib
B_Y_N 2. Lantad na lugar, binubuo ng mga barangay.
U__LA 3. Namatayan o nawalan ng mahal sa buhay.
K_B__NG 4. Pahabang kahon na pinaglalagyan ng patay.
B_N_K_Y 5. Tawag sa patay na tao o hayop
II. Bilugan ang salitang hindi dapat mapabilang sa pangkat
dahil sa naiibang kahulugan nito.
1. Agad Dagli Mabilis Mabagal

2. Nag-aalab Nag-iinit Nagpupuyos Namatayan

3. Matalas Matalim Mapurol Nahasa

4. Kinain Inumin Nilapa Sinibasib

5. Kahindik-hindik Malagim Masalimuot Nakatatakot


Bakit mahalaga ang kusang pagtulong sa
kapwa nang walang hinihintay na anumang
kapalit?
GAWAIN
I. Ipaliwanag ang kahulugan ng mga simbolong
ginamit sa akdang nakatala sa bawat bilang. Ang
unang bilang ay sinagutan na upang maging gabay
mo sa pagsagot.
1. Simbolo (saknong II): apat na halimaw
Ang apat na halimaw na maaaring pumatay o lumapa sa
mamamayan ay sumisimbolo sa malalaking problemang dumating
sa buhay ng mamamayan sa Mindanao. Dahil marami at Malaki ang
problema, nangangahulugan din ito na kailangan ng Mindanao ng
mahusay, matapang, at makapangyarihang pinuno o taong
makatutulong sa kanila.
2. Simbolo (saknong VIII): halaman

3. Simbolo (saknong VIII): singsing at espada

4. Simbolo (Saknong XVII): bathala


5. Simbolo (Mga saknong XVII at XVIII):tubig

6. Simbolo (Mga saknong XII at XXI): puso


II. Kilalanin kung anong katangian mayroon ang
tauhang nakatala ayon sa kanilang sinabi sa akda.
Lagyan ng tsek () ang napiling sagot at saka ipaliwanag
sa patlang kung bakit ito ang iyong sagot.

1. Indarapatra: “Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo, Na


iyong iligtas ang maraming taong nangangailangan ng tulong
mo’t habag”.

Likas na maawain
Mahina ang loob
May malasakit sa kapwa
Paliwanag: ________________________________________________
2. Sulayman: “O mahal na hari na aking kapatid, Ngayon din
lilipad at maghihiganti sa mga halimaw, ang talim ng tabak”.

Mapagmalasakit sa iba
Masunurin sa kapatid
Takot sa kapatid
Paliwanag:___________________________________

3. Sulayman: “Ikaw’y magbabayad mabangis na hayop?”


Mabangis na hayop
Mapaghiganti sa kapwa
Matapang na mandirigma
Paliwanag:____________________________________
4. Indarapatra: “Siya ay patay na!” ang sigaw ng kanyang
namumutlang labi, “ Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay
ma’y masawi.”
Madaling matarantang hari
Mapagmahal na kapatid
Matapang na kapatid
Paliwanag: ___________________________________
5. Diwata: “Salamat sa iyo, butihing bayani, na ubod ng
tapang, kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y
mabubuhay.”
Mapagpasalamat
Marunong tumanaw ng utang na loob
Magalang sa maykapangyarihan
Paliwanag: ___________________________________
Bilang pangkaraniwang tao
kilala siyang si Teteng na
magbabakal ngunit siya ay
nakalilipad at nagtataglay ng
pambihirang lakas sa tuwing
itatas niya sa kanyang kanang
kamay ang isang mahiwagang
barbell at sisigaw ng “ Captain
Barbell!”
Kilala sa pangalang Narda
bilang normal na tao, subalit
sa oras na isubo ang isang
mahiwagang bato at sumigaw
ng “Darna” ay nagkakaroon
ng kakayahang makalipad at
magkaroon ng pambihirang
lakas at kapangyarihan.
Siya si Flavio, isang panday na
may ginintuang puso at
mapagmalakasakit sa kapwa na
nabigyan ng pagkakataong
gumawa at magmay-ari ng
isang makapangyarihang
espada upang ipagtanggol ang
sanlibutan mula kay Lizardo.
Katulad din siya nina Captain
Barbell at Darna na may
pambihirang lakas at
kakayahang makalipad bagama’t
ang kanyang kapangyarihan ay
nagmula sa isang mahiwagang
Kristal.

You might also like