You are on page 1of 9

Moralidad at Relihiyon

Cardino, Hinayon, Saxton


Socrates:
Ang gusto ko munang maintindihan ay kung ang banal
ba ay ginugusto ng mga diyos dahil ito ay banal, o banal dahil
sa iyo ay ginugusto ng mga diyos?
Bakit kailangang magpakabuti?

• Bilang mga rasyonal na nilalang, kailangan nating makapagbigay ng katwiran sa ating


mga kinikilos.

• Kahit na pag-iisipan natin ang pagiging wasto o mabuti ng mga kinikilos, sa bandang
huli, ipinapalagay na lamang natin na kung ano man ang wasto o mabuti ay siyang
dapat gawin.

• Maliban sa pagtatanong kung bakit kailangang gawin ang partikular na kilos, ang
paghahanap ng dahilan sa kung bakit kailangan itong gawin ay isang self-evident na
katotohanan. Hindi na ito nangangailangan ng pagpapatotoo.
Relihiyon Bilang Batayan

• Ang isang madalas na nagiging batayan ng kaisipan tungkol sa moralidad ay ang


relihiyon.

• Dapat ba nating gawin ang mabuti dahil ito ay ipinag-uutos ng Diyos, o ang
ipipnag-uutos ng Diyos dahil ito ay mabuti?

• May pagkakaiba ang kahulugan ng gumagawa ng mabuti dahil ito ay utos ng


Diyos at ng gumagawa ng utos ng Diyos dahil ito ay mabuti.
Relihiyon o Moralidad?

• Ang pag-uutos ng Diyos ay sapat nang dahilan uapng ito ay maging obligasyon para sa atin.
Kung iniutos na ng Diyos na gawin ang isang bagay, wala na tayong kailangan pang malaman.

• Nawawalan na ng lugar ang pag-uusap ng moralidad.

• “For some Christians the fundamental sin, the fount and origin of all sin, is disobedience to
God. It is not the nature of the act or murder or of perjury that makes it wrong; it is the fact
that such acts are transgressions of God’s commands.” - P.H. Nowell-Smith
Moralidad Bilang Batayan ng Relihiyon

• Ang kinikilalang teorya ng etika o moralidad ay sumasaklaw sa Diyos.

• Maaaring pagdudahan ang kanyang pagka-Diyos sa paglitaw ng mga hindi


saklaw sa Kanyang kautusan at pagkakaroon ng ibang batayan para sa pagiging
wasto ng Kanyang mga utos.

• Ang hindi pagkakatugma ng utos ng Diyos at ang kinikilala nating Mabuti ay


magbubunga ng mga suliranin.

• Hindi mabibigyang katarungan ang bawat isa kung parehas itong kikilalanin.

“It is not possible, within a framework of theistic belief such as we are familiar
with, to say ‘God command me to x but I ought not to do it’.” – Donald Rees
May koneksyon ba ang kabutihan at kautusan ng Diyos?

• Ang relihiyon at moralidad ay magkahiwalay at malayang larangan na


pinamamahalaan ng kanya-kanyang batas batay sa magkakaibang kapangyarihan.

• Ang relihiyon ay diretsahang lamang maiuugnay sa Diyos, at ang relasyon ng tao


sa kinikilalang Diyos, habang ang etika ay may kinalaman lamang sa mga bagay na
diretsahang maiuugnay sa kapwa tao.

• Ang paggawa ng mabuti base sa moralidad ay maaaring sumunod sa utos ng


Diyos.

• Ang kautusan ng Diyos at ang imperatibong etikal ay hindi mawawalan ng


koneksyon sa isa’t-isa.
Kautusan ng Diyos bilang Pagpapatibay sa Obligasyong Moral

• Ang moralidad ay walang lakas magpatupad ng kanyang mga lituntunin,


nangangailangan ng pagkakasundo ng mga mamamayan, pagsasabatas nito, at
maaaring madaling mawalan ng puwersa.
Nagreresulta sa pananatiling teyoritikal at hindi pagsasakatuparang ng
mgaprinsipyo at alitunutunin nito.

• Ang mga pagkukulang sa pagpapatibay ng moralidad ay napupunan ng relihiyon.


• Nagkakaroon ng puwersa ang pagpapatupad ng moralidad kung makikita na ito’y
nakaugat sa kautusan ng Diyos.
• Ang takot sa kaparusahan, paghahangad ng walang hanggang kaligayahan,
walang kinikilingang katarungan at seguridad na dulot ng maaasahan at di-
nagkakamaling Maykapal ay nagpapatibay sa sistema ng moralidad na ipinaiiral.
Pangkabuuang Balangkas
• Mapapansin na ang mga kakulangan ng sistema ng moralidad ay napupunan ng
relihiyon dahil sa nakapagbibigay ito ng pangkabuuang balangkas na
kinakailangan para sa pagkakaunawa sa lahat ng mga nangyayari.

• Inihahandog ng relihiyon ang isang malawakang pananaw tungkol sa lahat ng


bagay at buhay.

• Bimibigyang pansin ang maaaring maging takbo ng pangyayari kung ang taong
may pananalig sa Diyos ay nakapagsusuri ng relasyon ng kautusan ng Diyos sa
sistema ng moralidad. Sa kaganapang ito, makikita ang pagkakasundo at
pagtutulungan ng moralidad at relihiyon sa antas na praktikal.

You might also like