You are on page 1of 24

Level 4

ISANG PANGARAP
Kasama si Jamil, isang batang Muslim, sa
sumalubong sa pagdating ng kanyang tiyuhin.
“Tito Abdul, saan po ba kayo galing?” tanong
ni Jamil.
“Galing ako sa Mecca, ang banal na sambahan
nating mga Muslim. Bawat isa sa atin ay
nangangarap na makapunta roon. Mapalad ako
dahil narating ko iyon.”
“Bakit ngayon po kayo nagpunta roon?”

25 secs.
“Kasi, isinasagawa natin ngayon ang
Ramadan, ang pinakabanal na gawain ng
mga Muslim. Pag-alala ito sa ating banal na
aklat na tinatawag na Koran. Doon
ipinahayag na sugo ni Allah si Mohammed.”
“Alam ko po ang Ramadan. Nag-aayuno
tayo at hindi kumakain mula sa pagsikat ng
araw hanggang hapon.”

20 secs.
“Oo. Isang paraan kasi natin ito upang
ipakita ang pagsisisi sa nagawa nating
kasalanan.”
“Pangarap ko rin pong makapunta sa
Mecca,” sabi ni Jamil

10 secs.
MGA
TANONG
1.Saang banal na sambahan nanggaling si Tito
Abdul?
A. sa Mecca
B. sa Israel
C. sa Jerusalem
D. sa Bethlehem
2. Ano ang tawag sa banal na aklat ng mga Muslim?
A. Bibliya
B. Koran
C. Misal
D. Vedas 20 secs.
3. Ano ang pakiramdam ni Tito Abdul nang
makarating siya sa Mecca?
A. nagsisi B. napagod
C. nasiyahan D. nanghinayang
4. Ano ang natupad sa pagpunta ni Tito Abdul sa
Mecca?
A. ang pangako kay Allah
B. ang plano na makapangibang-bansa
C. ang tungkulin na makapagsisi sa mga
kasalanan
D. ang pangarap na makapunta sa banal na
sambahan 25 secs.
5. Anong katangian ang pinapakita nina Tito
Abdul at Jamil?
A.magalang B. masunurin
C. maalalahanin D. mapagbigay
6. Ano ang tingin ni Jamil sa kanyang Tito
Abdul?
A. Mahusay siyang maglakbay.
B. Siya ay isang mapagmahal na ama.
C. Isa siyang masipag na mamamayan.
D. Siya ay isang magandang
halimbawa 25 secs
7. Ano ang tinutukoy sa kuwento?
A.ang mga tungkulin ng mga Muslim
B.ang pagmamahalan sa pamilya
C.ang pamamasyal ni Tito Abdul
D.ang kagandahan ng Mecca

10 secs.
LEVEL 5
TAGTUYOT HATID NG EL NINO
Tagtuyot ang hatid ng El Niño. Dahil dito,
bumababa ang water level at nagkukulang sa
suplay ng tubig sa mga anyong tubig, gaya ng
mga ilog at batis. Nagkukulang din sa suplay
ng tubig sa mga imbakan gaya ng La Mesa
Dam na matatagpuan sa Lungsod Quezon at
Angat Dam sa Bulacan. Ang mga ito ang
pinagkukunan ng tubig sa Kamaynilaan at sa
mga karatig probinsya nito.
30 secs.
Malaki ang epektong dulot ng El Niño sa
buhay ng tao. Kukulangin ang suplay ng
tubig na inumin, pati na rin ang gagamiting
tubig para sa iba pang pangangailangan.
Hindi lamang tao ang mahihirapan sa
epekto ng tagtuyot. Kung kulang ang tubig,
magkakasakit ang mga hayop at maaari rin
silang mamatay.
25 secs
Ang tubig ay kailangan din ng mga halaman
at kagubatan. Maraming apektadong
taniman kung kulang ang patubig. Dahil sa
sobrang init, maaaring mag-apoy ang mga
puno na nagdudulot ng sunog.

Isang malaking tulong sa panahon ng El


Niño ay ang pagtitipid ng tubig.
Iwasang aksayahin at gamitin ang tubig sa
hindi mahahalagang bagay. 30 secs.
MGA
TANONG
1. Ano ang nangyayari kapag may El Niño?
A. tagtuyo
B. red tide
C. ipu-ipo
D. bagyo
10 secs.
2. Maliban sa tao, ano-ano pa ang
maaapektuhan sa El Niño?
A. hayop, halaman at gubat
B. hangin, lupa at buhangin
C. bato, semento at tubig
D.ulap, araw at bituin
3. Ano ang HINDI nagaganap kapag tagtuyot?
A.pag-ihip ng hangin B.pag-ulan
C.pagdilim D. pag-araw
30 secs.
4. Ano kaya ang nararamdaman ng mga tao
kapag El Nino?
A. Giniginaw B. masigla
C. naiinitan D. nanlalamig
5. Bakit kaya maaaring maraming magutom
kapag tagtuyot?
A.Magkakasakit ang mga tao.
B. Tatamarin magluto ang mga tao.
C. Kukulangin ang tubig sa pagluluto.
D.Hindi makapagtatanim ang magsasaka.
30 secs.
6. Bakit kayang mahalaga na mabasa at maintindihan
ang talatang ito?
A. para maiwasan ang pagkakaroon ng El Niño
B. para magtulungan sa pagtitipid ng tubig
C. para magkaroon ng lakas ng loob
D. para hindi maging handa sa tag-ulan
7. Ano ang HINDI nakasaad sa seleksyon?
A. ang dahilan ng El Nino
B. ang mga epekto ng El Nino
C. ang maaaring gawin kapag may El Nino
D. kung sino at ano ang apektado sa El Nino
30 secs.
SUSI SA PAGWAWASTO
ISANG PANGARAP
1. A
2. B
3. C
4. D
5. B
6. D
7. A
SUSI SA PAGWAWASTO
TAGTUYOT HATID NG EL NINO
1. A
2. A
3. B
4. C
5. D
6. B
7. A

You might also like