You are on page 1of 14

WIKA:

EMOSYON/DAMDAMIN SA IBA’T
IBANG PARAAN

(F9WG-Ie-43)
Naipapahayag ang sariling emosyon/damdamin sa
iba’t ibang paraan at pahayag.
DAMHIN MO!
 Ipahahayag ng mga mag-aaral ang kanilang
damdamin sa mga larawan.

Gabay na Tanong:
a. Anong damdamin ang nangibabaw sa bawat
larawan?
b. Ilarawan kung bakit nakaaapekto sa iyo ang mga
kalagayan sa larawan?
PAG – UGNAYIN NATIN:
 1. Nakatulong ba ang mga salitang naglalarawan
upang maayos na makapaglahad?
Pangatuwiranan.
 2. Anong kahalagahan ang maibibigay ng mga
salitang naglalarawan sa paglalahad ng iba’t
ibang damdamin/emosyon?
WASTONG GAMIT NG SALITANG
NAGLALARAWAN:
o Ang wastong gamit ng mga salitang naglalarawan ay
nakakapagpatingkad sa mga pahayag na bumubuo sa
pagbibigay ng komentaryo, blog, o sa mga taludturan.
o May mga salitang naglalarawan na masaring gamitin sa
tao na hindi naman maaari sa bagay.

Halimbawa:
1. Nakatatakot ang magpatayo ng matatayog na gusali sa
lugar na may malambot na lupa tulad ng sa Baguio.
2. Matangkad ang aking panganay na anaksa kaniyang
edad na labing apat na taong gulang.
WASTONG GAMIT NG SALITANG
NAGLALARAWAN:
o Sa mga tulang naglalarawan, ganap na
nabubuo sa isipan ng mga mambabasa na may
inilalarawan sa tulong ng mga salitang
naglalarawan. Sa tulong ng mga salitang ito,
ang damdamin ng tuwa, lungkot, galit o iba
pang damdamin ng makata o ng isang
manunulat sa isang kalagayan, pook o
pangyayari ay buong laya niyang naipahahatid
sa kaniyang kapwa.
GAWAIN

 Isagawa ang Pagsasanay sa Gawain


10 (p.49)
PAGLALAPAT:

 Magbigay ng komentaryo gamit ang salitang


naglalarawan tungkol sa isang napapanahong
isyu.
PAGLALAHAT:

 Paano nakatulong ang mga salitang


naglalarawan sa pagsusuri ng damdamin?
 Paano nakatutulong ang mga salitang
naglalarawan sa pagbibigay ng komentaryo
tungkol sa isang isyu?
PAGTATAYA:
Panuto: Piliin ang damdaming naaangkop sa
bawat taludtod ng tula. Isulat lamang ang titik ng
tamang sagot sa sagutang papel.

A B C D
A B

C D
PAGTATAYA:
1. Daloy, aking luha…daloy aking luha sa gabing malalim
Sa iyong pag-agos, ianod mo lamang ang aking damdamin,
Hugasan ang puso – yaring abang pusong luray sa hilahil,
Nang gumaan-gaan ang pinapasan ko na libong tiisin!
“Luha” ni Rufino Alejandro

2. Sa niyanig-yanig ng mundong mabilog


Kapag may malaking bombing sinusubok
Ang ehe ng mundo ay baka mahutok
At saka malihis sakanyang pag-ikot,
Pag ito’y nangyari, mundo’y matatapos
Dahil sa paghinto ng kanyang pag-inog!
“Mga Hudyat ng Bagong Kabihasnan” ni Simon A. Mercado
PAGTATAYA:
3. Marahang-marahang
Manaog ka, Irog, at kata’y lalakad,
Maglulunoy katang
Payapang-payapa sa tabi ng dagat;
Di na kailangang
Sapnan pa ang pang binalat-sibuyas
Ang daliring garing
At sakong na wari’y kinuyom na rosas!
“Sa Tabi ng Dagat” ni Ildefonso Santos

4. Ikinulong ako sa kutang malupit:


Bato, bakal, punlo, balasik ng bantay;
Lubos na tiwalag sa buong daigdig
At inuring kahit buhay man ay patay.
“Isang Dipang Langit” ni Amado V. Hernandez
PAGTATAYA:
5. Iluha mo ang sambuntong kasawiang nagtalakop
Na sa iyo’y pampahirap, sa banyaga’y pampalusog:
Ang lahat mong kayamana’y kamal-kamal na naubos,
Ang lahat mong kalayaa’y sabay-sabay na natapos;
Masdan mo ang iyong lupa, dayong hukbo’y nakatanod,
Masdan mo ang iyong dagat, dayong bapor, nasa laot!
“Kung Tuyo na ang Luha Mo, Aking Bayan” ni Amado V.
Hernandez
TAKDANG ARALIN:

Gumawa ng tulang naglalarawan sa kasalukuyang isyu ng


ating lipunan. Tatlong saknong lamang.

You might also like