You are on page 1of 4

PAGGALANG SA

BUHAY:PAGMAMAHAL SA
DIYOS AT SA KAPUWA
PAGSULONG SA PAGGALANG SA
BUHAY NG TAO

 Ang buhay ay sagrado, Ito Ang
Pinakamahalagang biyayang kaloob ng Diyos
sa Tao. Kaloob Ito ng Diyos upang kalingain at
pagyamanin. Sa kabila ng mga umuusbong na
isyu at mga pangyayari na laban sa buhay,
isang katotohanan ang nananatili ay hindi
nakasalalay ang ating buhay sa ating sariling
kagustuhan o kaginhawaan lamang .Ito ay
dapat igalang sa maraming kadahilanan.
UNA:NILIKHA AT HINUBOG NG DIYOS ANG
BAWAT TAO NA KANYANG KAWANGIS AT
KALARAWAN

 Ang kabanalan ng buhay ay nakaugat sa kalikasan
ng tao mula sa kanyang pagkalalang hanggang sa
kanyang kamatayan. Dahil dito,may kalikasan ang
tao na magmahal ,magsuri ng katotohanan, at
magtaguyod ng katarungan. Ang mga katanginang
ito ay nakaukit sa puso ng bawat tao, isa itong
mahalagang biyaya at likas na karapatan.kung kaya
walang karapatan ang sinuman na pagakaitan ng
buhay ang isang tao anuman ang kanyang
kalagayan sa buhay.
IKALAWA: ANG KASAGRADUHAN NG
BUHAY ANG PINAKAMATIBAY NA
PUNDASYON NG DIGNIDAD NG TAO

Mahalaga ang buhay ng bawat tao kahit ano pa man
ang kanyang gulang,kasarian,at kukay. Naniniwala
tayo na ang mga mahihina, madaling mabiktima,o
mahihirap ay kinakalinga lalo na ang mga hindi pa
ipinapanganak, matatanda, may mga kapansanan at
karamdaman, o malapit nang mamatay ay mahalaga
ang kanilang buhay.bawat nilalang ay may likas na
batayan ng kanyang karapatan.kaya walang pag
kakaiba ang paggalang sa buhay ng tao at
pagtatanggol sa kanyang dignidad.

You might also like