mga komposisyon o awtput. Layunin nitong ipakita ang pag-unlad ng kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng mga mag-aaral, manunulat sa loob ng isang termino o taong aralan. MGA BAHAGI NG PORTFOLIO 1. Pabalat 2. Pamagating Pahina 3. Prologo 4. Talaan ng Nilalaman 5. Mga Sulatin 6. Epilogo 7. Rubriks 8. Bionote Prologo Introduksyon Ang portfolio na ito ay naglalakip ng iba’t ibang uri ng mga akademikong sulatin, na makakapag-bigay gabay at makatutulong sa iba’t ibang larangan. Ayon kay De Guzman (2017), ang akademikong pagsusulat o sulatin ay isang intelektwal na pagsusulat. Ito ay madalas na ginagamit sa komunikasyon na ang tawag ay liham, pananaliksik at iba pa. Ito ay isang makabuluhang pag sasalaysay na sumasalamin sa kultura, karanasan, reaksyon at opinyon base sa manunulat. Ito rin ay ginagamit upang magpabatid ng mga impormasyon at saloobin sa kanyang ginagawang sulatin. Pasasalamat Lubos na nagpapasalamat ang mga awtor ng e- porfolio na ito, sa kanilang guro na si Gng. Ruth O. Gabiane. Sa pagbabahagi ng mga iba’t ibang leksyon lalo na sa pagsulat ng akademikong sulatin at pagbibigay gabay sa mga aralin, mga alituntuning dapat isaalang-alang sa pagsulat. Pinapasalamatan din ng mga awtor ang kanilang mga magulang, sa walang katapusang pagsuporta sa kanilang pag-aaral at mga kamag-aral na nakibahagi at nagbahagi ng kanilang mga nalalaman sa akademikong sulatin. Inihahandog ng mga awtor ang portfolio na ito sa kanilang guro na si Gng. Ruth O. Gabiane. EPILOGO Sa paggawa namin ng mga halimbawa ng Akademikong Sulatin nung mga nagdaang oras, at araw sa aming E-Portfolio ay marami kaming natutunan kung paano sumulat nito at hindi lang pala iisa ang nasa akademikong sulatin, marami din ang uri nito nakapaloob dito tulad na lang sa nilalaman ng aming E-Portfolio. Nalaman din namin ang mga kahalagahan at importansya ng bawat isa na dapat talagang matutunan. Naranasan pa naming tumayo sa harapan upang magtalumpati ng biglaan o impromtu. Nilinang nito ang aming kasanayan sa paggawa ng Akademikong Sulatin. Nakatulong din ito upang mahasa ang aming malikhaing isip. Kaya laking pasalamat namin sa aming guro na si Gng. Gabiane na siyang nagturo sa amin sa asignaturang Pagsulat sa Filipino ng Piling Larangan.