You are on page 1of 9

Kung ikaw si Carlo ano iyong

gagawin para mapanatili ang maayos


na kalusugan?
Bakit kailangang alagaan ang
sarili?
Paano mo maipapakita ang
pagmamahal sa kapwa?
Bakit kailangang magpakita ng
pagmamalasakit sa iba?
Bilang isang mag-aaral, ano ang iyong
magagawa upang mapangalagaan ang
kapaligiran?

Bilang isang mag-aaral, ano ang


iyong magagawa upang
mapangalagaan ang ang mga
hayop?
Ano ang mga ginagawa mo para
maipakita ang pananalig at pagmamahal
sa Diyos?
Mga Pamantayan sa Pangkatang
Gawain

1. Pumili ng lider sa inyong grupo na


mangunguna sa gawain.
2. Siguraduhing tahimik habang ginagawa ang
gawain.
3. Gawin ng sama-sama ang gawain at
siguraduhing tumutulong ang lahat.
4. Panatilihing malinis ang pinaggawahan.
5. Ihanda ang mga sarili sa pagpapakita ng
Pangkatang Gawain
Unang grupo: Paggawa ng poster na
nagpapakita ng pananalig at pagmamahal sa
Diyos
Ikalawang grupo: Pagpapakita ng isang
awiting papuri
Ikatlong grupo: Pagpapalabas ng isang dula-
dulaan tungkol sa pananalig at pagmamahal sa
Diyos
Ika-apat na grupo: Pagbuo ng sayaw kasabay
ng awiting “Si Hesus ang Lahat sa Buhay”
Paano mo
maipapakita ang
pananalig at
pagmamahal sa
Diyos?
Lagyan ng tsek (/) ang patlang kung ang pangungusap ay
nagpapakita ng pananalig at pagmamahal sa Diyos at ekis
(x) kung hindi.
 
_____1. Pagpapasalamat sa lahat ng mga bagay na
natatanggap araw araw.
_____2. Pagtulong sa iba ng may hinihintay na kapalit.
_____3. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpunta sa
pook dalanginan.
_____4. Pagkilos ng maayos sa labas at loob ng bahay.
_____5. Paghadlangsa kasambahay na magkaroon ng oras
na pamamasyal at pagpunta sa pook dalanginan.
Takdang Aralin
Magsulat ng isang pangako na
isasabuhay ang mabubuting asal
na makatutulong sa iyo upang
mapalalim ang iyong pananalig sa
Diyos. Maari kang sumulat ng
isang tula, awit, o liham.

You might also like