You are on page 1of 15

TAYUTAY

TAYUTAY
 sadyang paglayo sa karaniwang paggamit
ng mga salita, kung kaya’t magiging
malalim at piling-pili ang mga salita rito.
Tinatawag ding palamuti ng tula ang tayutay
dahil ito ang nagpapaganda sa isang tula
MGA URI NG TAYUTAY
 1. Pagtutulad o simile – isang paghahambing
ng dalawang bagay na magkaiba sa
pangkalahatang anyo subalit may mga
magkatulad na katangian. Ito’y ginagamitan ng
mga salita’t pariralang tulad ng, katulad ng,
parang, kawangis ng, anaki’y, animo, at iba pa.
 2. Pagwawangis o metapora – naghahambing
ng dalawang bagay ngunit tuwiran ang
ginagawang paghahambing
 3. Pagmamalabis o hyperbole –
pagpapalabis sa normal upang bigyan ng
kaigtingan ang nais ipahayag
 4. Pagtatao o Personipikasyon- paglilipat
ng katangian ng isang tao sa mga bagay na
walang buhay
Basahin ang sumusunod na paglalarawan.
Isulat sa sagutang papel ang tayutay na
ginamit.
• Pagtutulad (Simile)
• Pagwawangis (Metaphor)
• Pagmamalabis (Hyperbole)
1. Ang mga mata niya ay tila mga bituing
nangniningning sa tuwa.
2. Rosas sa kagandahan si Prinsesa Sarah.
3. Napanganga ang mga manonood sa
pagpasok ng mga artista sa tanghalan.
4. Ang ulap ay nagdadalamhati sa kaniyang
pagpanaw.
5. Tila mga anghel sa kabataan ang mga
bata.
6. Diyos ko! Patawarin mo sila.
7. Salaysay niya saksakan ng guwapo ang
binatang nasa kaniyang panaginip.
8. O buhay! Kay hirap mong unawain.
9. Sa kagubatan, ang mga ibon ay
nagsisiawit tuwing umaga.
10. Naku! Kalungkutan mo ay di na
matapos-tapos.
SABAYANG PAGBIGKAS

Ang Sabayang Pagbigkas (Readers Theater)


ay isang masining na pagpapakahulugan o
interpretasyon sa anumang anyo ng panitikan
sa pamamagitan ng sabayang pagbabasa o
pagbigkas ng isang koro o pangkat. Isang
matimbang at maindayog na pangkatang tinig
na nagpapahayag ng isang
uri ng kaisipang masining at madamdamin.
At isang pandulang pagtatanghal ng
isang akdang pampanitikan na ginagamitan ng
maraming tinig na pinag-isa sa
pagbigkas
URI NG SABAYANG PAGBIGKAS

a. Payak – sa uring ito, maaaring ipabasa


lamang ang bibigkasing tula. Maaaring
gumamit ng ingay, tunog at/o musika, payak
lamang ang
mga kilos at galaw ng mga nagsisiganap
b. Walang kilos – bukod sa wastong bigkas,
ang wastong ekspresyon ng mukha ang
maaaring pagbatayan. Dahil walang kilos,
pagtango lamang ang maaaring maipakita ng
mga mambibigkas
c. Madula – bukod sa nagtataglay ng
koryograpi ang pagtatanghal, inaaasahang
makagagalaw o makakikilos ang mga tauhang
nagsisiganap nang buong laya. Bukod dito, may
angkop silang
kasuotan batay sa katauhang kanilang
inilalarawan. Taglay rin ng tula ang isang
makabuluhang iskrip, musika at tunog, pag-
iilaw, kagamitian/props, diyalogo, at iba pa
SA PAGSASAGAWA NG SABAYANG PAGBIGKAS, NARARAPAT LAMANG NA
ISAALANG-ALANG
BILANG PAGHAHANDA ANG SUMUSUNOD:

1. Pagpili ng piyesa – Ang piyesang dapat


piliin sa sabayang pagbigkas ay may paksang
napapanahon, makabuluhan at angkop sa
okasyon o pagdiriwang. Dapat isaalang-alang
ang uri ng mga manonood. Higit sa lahat ang
piyesa ay dapat may uring pagkamatanghal
2. Pagbuo ng iskrip – Mahalagang isa-iskrip
ang piyesa upang mabigyang-diin
ang bigkas, kumpas at ang paglalapat ng
wastong musika at tunog. Dapat
isaalang-alang ng susulat ng iskrip ang mga
pananda at simbolong kanyang
gagamitin. Sa puntong ito, madaling mauri
ang mga salitang dapat bigkasin
nang mabagal, mabilis, mataas, mababa,
karaniwan, mahina, at malakas
3. Pagpili ng mambibigkas – Ang
tagapagsanay ng sabayang pagbigkas ay
dapat makapili ng mga mambibigkas na
bubuo ng isang koro. Karaniwan na ang
pamimili ng mga mambibigkas ay nakasalalay
sa tatlong uri ng tinig: mataas/matinis,
karaniwang at mababa. Mahalagang
maipangkat-pangkat ang mga uring ito bago
bumuo ng koro
4. Wastong pagbigkas at pagkumpas – Hindi
lahat ng salitang bibigkasin nang
sabayan ay dapat lapatan ng angkop na
kumpas. Kailangang magkaugnay
ang bigkas sa kumpas. Mahalagang malaman
kung aling mga salita ang
dapat kumpasan ng isa o dalawang kamay,
paibaba o pataas, at iba pa.

You might also like