You are on page 1of 38

Mga Batayang

kaalaman sa
pananaliksik
Inihanda ni:
G. Nixon Sumaoang, LPT
UNIVERSITY OF SANTO TOMAS, Manila
njsumaoang@ust.edu.ph
Layunin
Matapos ang aralin, inaasahang
matatamo mo ang mga sumusunod na
kasanayang pampagkatuto:
1. Nasusuri ang ilang halimbawang pananaliksik sa
Filipino batay sa layunin, gamit, metodo, at etika sa
pananaliksik
Layunin
2. Natutukoy ay naibibigay ang kahalagahan ng maka-
Pilipinong pananaliksik.
3. Naiisa-isa ang mga paraan at tamang proseso ng
pagsulat ng isang pananaliksik sa Filipino batay sa
layunin, gamit, metodo, at etika ng pananaliksik.
Pananaliksik
Pananaliksik
Ayon kay Nuncio (2004), ang
pananaliksik ay isang sistematiko,
masinop, kritikal na proseso ng
pangangalap, pagsisiyasat at pagsasaayos
ng datos at resulta upang mapatunayan,
masagot, matuklasan at maipaliwanag ang
dati o bagong kaalaman o penomenon.
Pananaliksik
Ayon naman kay Neuman (1997), na binanggit nina
Evasco et al. (2011) sa aklat na “Saliksik: Gabay sa
Pananaliksik sa Agham Panlipunan, Panitikan, at
Sining”.
“Ang pananaliksik ay paraan ng pagtuklas ng mga
kasagutan sa mga partikular na katanungan ng tao
tungkol sa kaniyang lipunan o kapaligiran.”
Kahalagahan
Kahalagahan
ng ng
Pananaliksik
Pananaliksik
1. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat
kasangkapan ito sa pagbuo ng mga batas at
polisiya ng lipunan.

Ang lahat ng patakaran at polisiya sa isang lipunan ay hindi


basta-basta na lamang nilikha ng mga nasa posisyon dahil
lamang sa kanilang sariling kagustuhan. Karamihan sa mga ito
ay produkto ng pananaliksik o masusing pag-aaral ng
kinauukulan.
Kahalagahan
Kahalagahan
ng ng
Pananaliksik
Pananaliksik
2. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat
napauunlad nito ang pamumuhay ng mga tao.

Ang mga pag-unlad na nararanasan ng tao sa kasalukuyan ay


produkto ng paghahanap ng karunungan. Sa katunayan, ang
pananaliksik lamang ang naging daan upang ang mga bagong
tuklas at imbensyon ay nararamdaman ng mamayan.
Kahalagahan
Kahalagahan
ng ng
Pananaliksik
Pananaliksik
3. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat naitatama
nito ang mga mali.

Maraming maling impormasyon o kaalaman ang naitama


dahil sa pananaliksik. Sa katunayan, ang ganitong mga
pangyayari ay buhay na buhay sa larangan ng medisina,
sikolohiya, wika, at kasaysayan.
Kahalagahan
Kahalagahan
ng ng
Pananaliksik
Pananaliksik
4. Mahalaga ang pananaliksik sapagkat hinahasa
nito ang pag-iisip ng isang indibidwal para
maging kritikal.
Ang kritikal na pag-iisip ay tumutukoy sa pamamaraan ng pag-
iisip kung saan naiuugnay at nailalapat ng indibidwal ang
kaniyang nabasang teksto sa realidad. Kaugnay nito, hindi
maikakaila na ang pananaliksik ay isang gawaing humahasa sa
isang ng indibidwal.
Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik

Bienvenido Lumbera, pahina 169.


Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik
1. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay
nakakiling sa mga paksang Pilipino.

Maituturing na maka-Pilipinong pananaliksik kung ang


paksa ay tungkol sa Pilipinas at mga Pilipino gaya ng
paksa sa kulturang Pilipino, lipunang Pilipino, at
kaisipang Pilipino.
Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik
2. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay nakakiling
sa pananaw-Pilipino o teoryang Pilipino
Maituturing na maka-Pilipino ang pananaliksik kung
nakakiling sa pananaw-Pilipino ang pagsusuri ng isang
penomenon. Kaugnay nito, maaaring gamitin ng mga
Pilipino ang iba’t ibang teorya, prinsipyo, at modelo na
nililikha ng mga Pilipinong iskolar.
Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik
3. Ang maka-Pilipinong pananaliksik ay gumagamit
ng mga katutubong metodo sa pangangalap ng
datos.
Maituturing na maka-Pilipino ang pananaliksik kung ang mga
metodong ginamit o gagamitin sa pag-aaral ay "katutubo" sa atin
gaya ng mga metodo sa Sikolohiyang Pilipino na pinangunahan
ni Virgilio G. Enriquez (1976).
Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik
4. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay nakakiling
sa kapakanan ng mga Pilipino sa loob o sa labas
man ng bansa.
Maituturing na maka-Pilipino ang pananaliksik kung palaging
inuuna ang kapakanan ng mga Pilipino saan man sa mundo.
Matatamo ang ganitong hangarin kung ang paksa ng pag-aaral ay
nakakiling na sa mga paksang Pilipino at kapakinabangan ng
mga Pilipino.
Katangian
Katangian ng
ng Maka-Pilipinong
Maka-Pilipinong
Pananaliksik
Pananaliksik
5. Ang maka-Pilipinong Pananaliksik ay nakakiling
sa paggamit ng wikang Filipino o anumang
katutubong wika sa Pilipinas.
Tandaan, dapat mauunawaang lubos ng kalahok ang wikang
sinasalita ng mga mananaliksik nang sa ganoon ay maging
maayos ang daloy ng pakikipanayam. At tanging sa kanilang
wika lamang nila lubusang maipahahayag ang kanilang
pinakamalalim na damdamin, ideya, pag-uugali at pananaw (Pe-
pua at Marcelino, 2002).
Etikal at Responsibilidad ng
Mananaliksik
1. Bigyan ng proteksiyon at igalang ang karapatan ng
mga kalahok sa pag-aaral.

Higit sa sariling kapakanap, dapat itaguyod ng


mananaliksik ang kaligtasan at karapatan ng mga kalahok
sa pag-aaral sa kabuuang proseso ng pag-aaral. Dapat, bago
isagawa ang pangangalap ng datos, mahalaga na
maibisuhan ang mga kalahok sa pamamagitan ng isang
pormal na sulat o pormal na pakikipag-usap.
Etikal at Responsibilidad ng
Mananaliksik
2. Kilalanin at banggitin ang mga sangguniang ginamit
sa pananaliksik.
Responsibilidad ng mananaliksik na kilalanin at banggitin
ang mga akda o anumang babasahin ng ginamit upang
maging masinop ang pag-aaral. Ang tamang pagkilala at
pagbanggit ay pamamaraan din upang maiwasan ang
plagiarism na maaaring maglagay sa kanila sa alanganin sa
hinaharap.
Etikal at Responsibilidad ng
Mananaliksik
3. Humingi ng pahintulot sa mga institusyon at
organisasyon kaugnay ng ginagawang pananaliksik.
May mga pagkakataon na hindi lamang mga kalahok ang
magbibigay ng impormasyon upang masagot ang suliranin
ng pananaliksik. Sa katunayan, sa arkaybal na pananaliksik
madalas na magiging kasama ng pananaliksik ang museo o
mga silid-aklatan na repository ng kaalaman.
Etikal at Responsibilidad ng
Mananaliksik
4. Huwag manipulahin ang mga datos at maging
tapat sa paggamit nito.
Sa pangangalap ng datos, mahalagang ipatupad ng
mananaliksik ang pagiging tapat sa lahat ng pagkakataon.
Ang pag-imbento ng mga kalahok o pagbabayad dito upang
magpanggap ay mariing ipinagbabawal sa etika ng
pananaliksik. Tandaan, layunin ng pananaliksik ang
paghahanap ng katotohanan at hindi kasinungalingan.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Inimbento ang teknolohiya upang mapabuti ang


kapakanan ng bawat tao partikular na ang mga mag-
aaral sa anumang antas ng edukasyon. Subalit hindi
maikakaila na bagama’t maganda ang layunin nito ay
nagagamit pa rin ito sa pandaraya saan man sa mundo.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Batay sa American Historical Association (2005), ang


plagiarism ay nagmula sa salitang Latin na plagiarius
na nangangahulugang “abdaktor” at salitang plagiare na
nangangahulugang “pagnanakaw”.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Ayon naman sa Purdue University Online


Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit at pangongopya ng mga salita
at/o ideya ng walang kaukulang pagbanggit o
pagkilala sa pinagmulan nito.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Anyo ng Plagiarism

1. Salita-sa-salitang pangongopya na walang malinaw


na pagkilala (verbatim).
Upang maisawan ang ganitong uri ng plagiarism, mahalagang
lagyan ng panipi (“ “) o indention ng mananaliksik/manunulat
ang impormasyong kinuha sa ibang akda nang may tamang
pagbanggit sa may-akda o pinagmulan ng impormasyon.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Anyo ng Plagiarism
2. Direktang pagkuha ng impormasyon mula sa Internet
nang walang malinaw na pagkilala.
Gamit ang kapangyarihan ng teknolohiya, kalimitang kumukuha
ng impormasyon ang mga kabataan sa Internet nang hindi man
lang sinusuri ang nilalaman at kinikilala ang pinagmulan.
3. Pagpaparapreys nang walang pagkilala sa akda.
Sa katunayan, kahit na pinarapreys ba abg impormasyon mula sa
isang sanggunian ay maituturing pa rin itong plagiarism kung
hindi rin naman kinilala ang sanggunian.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Anyo ng Plagiarism
4. Sabwatan
Tumutukoy ito sa hindi awtorisadong kolaborasyon ng mga mag-
aaral o indibidwal na hindi kumilala sa tulong ng isa o hindi
sinunod ang patakaran ukol sa paggawa ng mga gawaing
panggrupo.
5. Maling pagbanggit at paggamit ng sanggunian.
Mahalagang kilalanin ang sanggunian sa tamang pamamaraan at
iwasan ang pagbanggit ng mga sanggunian na hindi naman
nabasa o ginamit sa mismong pag-aaral.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Anyo ng Plagiarism

6. Hindi pagkilala sa lahat ng nagbigay ng kontribusyon sa


pagsasagawa ng pananaliksik.
Mahalagang maitala ng mananaliksik ang lahat ng tumulong sa
saliksik magmula sa tagapayo, editor ng wika, editor ng
nilalaman hanggang sa empleyado ng laboratory, museo o silid-
aklatan.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Anyo ng Plagiarism
7. Paggamit ng mga presentasyon na isninulat ng ibang tao o
identidad
Itinuturing na plagiarism ang paggamit at pagsumite ng mga
presentasyon o materyal na gawa ng iba kahit pa ito ay may
pahintulot ng may-akda.
8. Auto-plagiarism
Ang pagpapasang muli ng sariling parehong akda na ipinasa na
sa iba ay maituturing na plagiarism maliban na lamang kung ito
ay espesyal na kahingian sa inyong kurso.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Dapat iwasan ang plagiarism dahil…


1. Nilalabag nito ang prinsipyo ng akademikong
katapatan.
2. Bilang iskolar ay tungkulin mong makapag-ambag
ng kaalaman nang may mataas na kalidad at
integridad.
3. Makasisira ito ng reputasyon bilang iskolar o
kinikilalang awtoridad.
https://www.google.com/search?
q=plagiarism+ni+sotto&rlz=1C1CHBF_enPH914PH914&sxsrf=ALeKk01QaGawhmb4KPJRDe19Cms8eWfdbQ:1599550427375&source=lnms
&tbm=isch&sa=X&ved=2ahUKEwitlJjYhdnrAhWvBKYKHVhKD3AQ_AUoAXoECAwQAw#imgrc=ZdDonyiyRRHh7M
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Panoorin ang video na balita ukol sa


larawan.

https://www.youtube.com/watch?v=VZnkflY0L-c
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Pamamaraan upang maiwasan ang


plagiarism
1. Banggitin at kilalanin ng tama ang lahat ng
sangguniang ginamit sa pag-aaral.
2. Iwasan ang pangongopya ng malaking bahagi ng
isang akda.
Plagiarism at
Plagiarism at Etikal
Etikal na
na Pananaliksik
Pananaliksik

Pamamaraan upang maiwasan ang


plagiarism.

3. Humingi ng tulong at magbasa ng mga


sanggunian.
4. Gumamit ng aplikasyon tulad ng Turnitin.
Pag-isipan
Sa anong bahagi ng
pananaliksik ang tingin
mong mahihrapan ka?

Paano mo mapapaunlad pa
ang kakayahang ito sa
iyong sarili?
Padayon!

You might also like